<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Mar 17, 2019

Comedian Bayani Agbayani Gets To Play A Romantic Lead Role In 'Pansamantagal'

BAYANI AGBAYANI says 2019 is turning out to be a good year for him. “Ako kasi, hindi nagpaplano, e,” he says. “Sa akin, basta kung ano yung dumating, tinatanggap ko. E, this year, ang daming blessings na galing mula kay Lord. After doing supporting roles, heto, I have two movies na ako ang male lead. Nag-guest naman ako sa ‘I Can See Your Voice’, nagustuhan nila at ginawa akong regular.”

Bayani played supporting roles in “Woke Up Like This” and “Mary, Marry Me”. Now, he is Gelli de Belen’s leading man in “Pansamantagal”, that opens on March 20, and in a new movie with Ai Ai de las, “Feelennials”, produced by Pops Fernandez.

“Hindi ko rin ine-expect ang projects na ito na magbibida ako, e. Like I said, di ako nagpaplano ng buhay ko, e. Nobody knows the future, so i-enjoy mo lang kung ano ang ibinibigay ni Lord sa iyo. I never expected nga na balang araw, mag-aartista pala ako. Si God ang nagpaplano for me. Nagsimula ako, P.A. or production assistant, then writer sa ‘SST’ sa GMA, ‘Salo-Salo Together’, then kinuha na ako nina Randy Santiago to perform with them kasi natatawa sila sa’kin. P50 per show ang bayad sa’kin, na binibigay ko naman sa nanay ko. So nagpapasalamat talaga ako sa Panginoon, all these years, hindi Niya ako pinababayaan.”

In “Pansamantagal”, he plays Leo, a writer who’s having problems in his personal life so he goes to the beach to chill and relax. There, he meets Gelli de Belen as Agnes, who has problems of her own, and the two lonely souls start a beautiful friendship where one thing can lead to another.

“Daring ang movie sa language kasi we use the Tagalog words for sex organs and meron ding cuss words. Pero hindi naman mahalay ang dating, natural lang na parang kapag nag-uusap tayo sa totoong buhay. Dahil dito, R-16 siya, which is okay lang kasi 50 years old na ako and I think it’s about time na mag-try naman ako ng ibang material na ganito kaseryoso at katapang, kasi dati lagi akong pa-wholesome, e.”

How is it working with Gelli de Belen? “Ever since, fan na talaga ako ni Gelli, e. Kasi magaling siya kahit saan mo dalhin, comedy man or drama. So pangarap ko talagang makatrabaho siya. Unang natupad ang pangarap ko nang magkasama kami sa isang TV sitcom sa TV5, at ngayon, heto, sa pelikula na. Napakagaan niyang katrabaho, masarap kabatuhan ng linya, at talagang nagtutulungan kami para mas mapaganda ang bawat eksena namin na matatapang ang mga dialogue.”

Will he take his kids to watch the movie? “This is my first movie na hindi puede ang mga bata. Lahat ng hindi ko pa nagagawa before sa pelikula, ginawa ko rito. Okay naman kasi 50 years old na ako. Ang mga anak ko, puro babae, apat sila, aged 22, 18, 16 and 11. So yung 11 lang ang hindi puedeng manood. Pag nanood siya, papaluin ko siya. Sasabihin ko, bakit nanood ka niyan, hindi puede yan sa’yo. Pero yung tatlo, may sarili na silang pag-iisip and I think masasakyan naman nila kung anuman ang mensaheng gustong ipahatid ng ‘Pansamantagal’ tungkol sa pakikipagrelasyon.”


POST