<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Mar 4, 2010

Miss you like Crazy

ANG PELIKULANG BALIK-TAMBALAN nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, "Miss You Like Crazy", ay isang romansang tulad din ng iba pang love stories na gawa ng Star Cinema na ganitong uri ng movies ang specialty. Nagkakilala sina Allan (John Lloyd) at Mia (Bea) sa ferry na naglalayag sa Pasig River. Nakita ni Allan si Mia na umiiyak at may bato itong iniwan sa ferry na may kung anong nakasulat. Naisip niyang siguro ay magpapatiwakal ito kaya pinigilan niya. Hindi naman pala ito magpapakamatay at sinampal siya. Pero humingi ito ng paumanhin later at bilang pagbawi, nag-blow out ito kay Allan ng lugaw na binebenta as street food.

Mayaman si Allan at trip lang niyang mag-ferry. Na-excite siya sa bagong company ni Mia na mahilig isulat ang thoughts niya sa bato, dinala siyang mag-shopping sa Divisoria at nagdakdakan sila hanggang lumalim ang gabi habang nagkakape, like the classic "Before Sunrise". Pero ang totoo ay may kasintahan na siyang live in partner na niya, si Daphne (Maricar Reyes, in a scene-stealing wig), na nagkataon ding anak ng kanyang boss. Just like in "I Love You, Goodbye" na umalis si Derek Ramsay kaya nagkalapit sina Angelica Panganiban at Gabby Concepcion, dito naman ay umalis din si Daphne kaya nagkalapit din sina Allan at Mia.

Nang bumalik si Daphne, na may pagkadominante at submissive naman si Allan sa kanya for the sake of his own career, nasaktan si Mia, pero pumayag pa rin siyang makipagtalik kay Allan. Pagkatapos nito ay si Mia naman ang biglang nawala at bumalik pala sa trabaho niya sa Malaysia as front desk clerk sa isang hotel. Pero may hulang magkikita sila uli sa Pebrero 24, 2010 at Star Cinema movie ito where the lovers get separated pero nagkikita uli after a couple of year, so ayun, nagkita nga sila uli sa Malaysia two years later. Malaya na si Allan pero si Mia naman ang may karelasyong Malaysian.

Sa kabila ng panibagong hadlang na ito, siguro naman ay hindi na mahirap hulaan kung ano ang magiging ending ng pelikulang ito. In love stories like this, malaki ang role ng tadhana o destiny. Ayon sa movie, kung ang dalawang tao ay really meant for each other, kahit paglayuin pa sila, gagawa at gagawa ng paraan ang buong mundo upang magkalapit silang muli.

Siempre, there's the usual happy ending, tulad ng sa iba pang romantic movies na ginawa ng direktor nitong si Cathy Molina. Bakit naman iibahin pa niya ang formula niya gayong for the past three years, laging pelikula niya ang tinatanghal na topgrosser: "One More Chance" nina John Lloyd at Bea in 2007, at "A Very Special Love" and "You Changed My Life" nina John Lloyd at Sarah Geronimo in 2008 and 2009. Pero para naman maiba ang pamilyar ng kuwentong sa totoo lang ay sobrang predictable na, iniba na lang niya ang estilo ng pagkukuwento rito and it's told in a non-linear manner.

Okay naman ang acting nina John Lloyd at Bea, pati na rin noong bato na ginagamit nila sa movie for them to communicate. Dapat ngang title nito ay "Ang Bato", kaya lang, ayaw ni Darna. Masuwerte si Cathy Molina dahil walang effort ang interaction between her two leads, even in their confrontation scenes. No doubt mas maganda pa rin ang chemistry nila on screen kaysa between John Lloyd and Sarah Geronimo. Mahusay ang suportang ibinigay sa kanila nina Maricar as the annoying Daphne, Ketchup Eusebio bilang bading na kaibigan ni Bea, Bembol Roco as Mia's invalid father, at gayundin nina Noel Trinidad at Sid Lucero na maiikli ang roles pero markado. Okay rin ang Malaysian actor na si Hans Isaac bilang boyfriend ni Mia sa Kuala Lumpur na nagsakripisyo at pinalaya siya for her own happiness.

Huwag na lang kayong maghanap ng lohika sa time frames ng istorya at sa mga subplots dito, like yung family problems ni Mia na sinimulan pero walang pinuntahan. As usual, may cheesy quotable quotes na mga linya rito to be remembered by hopeless romantics, like "Time is meaningless when you're in love", or "I can't take away all the pain that I've caused you, but if you will just let me, I will spend the rest of my life making it up to you." Sana nga, Star Cinema will make it up to us later by doing more meaningful films at hindi puro ganitong crowdpleasing romantic films na lang na nakakasawa na.

POST