Natapos ang nakaraang taong 2006 na, as usual, contoversial na naman ang Metro Manila filmfest pagkatapos ng kanilang awards night. Marami ang nagtaka dahil ang pelikulang nakakuha ng pinakamaraming awards ay ang "Kasal, Kasali, Kasalo" ni Direktor Joey Reyes, produced by Star Cinema. Pero ang piniling best picture ng Metro-Manila Commission ni Bayani Fernando ay ang "Enteng Kabisote 3" dahil ito raw ang topgrosser. But as fate would have it, dahil sa magandang word of mouth endorsement generated by "Kasal", na nagpanalo kay Judy Ann Santos ng best actress award at kay Gina Pareno ng best supporting actress award, mas marami pang naengganyong panoorin ito at, in the next week, nalampasan na ng kita ng "Kasal" ang earnings ng "Enteng".
It was really dumb and foolish of the Metro-Manila Commission to give the best picture award to a movie on the merits of its box office earnings, kahit na nga hindi pa tapos ang theater run ng mga pelikulang kalahok sa festival. This confirms na ang mahalaga sa kanila ay hindi talaga ang mataas na kalidad ng isang pelikula kundi ang kikitain nito sa takilya. Binago nila ang ibig sabihin ng best picture, dahil bali-baligtarin mo man ang "Enteng", malayong manalo ito ng kahit anong award sa mga tradisyonal na award-giving bodies. Dahil dito, sumulat ang Star Cinema ng formal letter of complaint to Bayani Fernando, pero wala ring nangyari sa reklamo nila. Sabi nila ay hindi na sila uli sasali sa festival, but as of this writing, uumpisahan na nilang isapelikula ang "Sakal, Sakali, Saklolo" na sequel sa "Kasal" at kalahok uli sa filmfest this coming December.
HINDI MAGIGING kumpleto ang showbiz kung wala ng usual tiffs and feuds among stars. Nagsimula ang taon sa napabalitang iringan nina Gretchen Barretto at Dawn Zulueta nang i-shoot nila ang TV commercial ng Pantene with Ruffa Gutierrez at Angel Aquino. Masyado raw maraming dalang gamit si Gretchen sa shoot, along with bodyguards and even a microwave oven. Dahil dito, nagreklamo si Dawn. Nag-leak ito sa press at lumaki ang issue. As a result, hindi natuloy ang pagsasama nila sa pelikulang nakatakda nilang gawin, ang "Desperadas" na inspired ng "Desperate Housewives". Na-shelved ang proyektong ito pero bago nga natapos ang taon ay na-resurrect as an entry sa Metro filmfest na iba na ang casting.
Si Gretchen ang most controversial showbiz personality dahil a few months later, she engaged naman in a word war with Lani Mercado. Lani was just asked kung ano ang birthday wish niya for Gretchen and she innocently answered na it's a wedding with Gretchen's longtime companion, Tonyboy Cojuangco, dahil nasabi noon ni Gretchen na pinapangarap niya iyon. Gretchen took it wrongly at inakalang pinapatutsadahan siya ni Lani dahil hindi siya kasal kay Tonyboy. Sinabi niyang what she has with Tonyboy is a real marriage dahil faithful ito sa kanya at hindi gaya ni Lani na alam ng lahat ay may asawa, si Sen. Bong Revilla, na hindi naging faithful sa kanya at minsang naka-affair ni Gretchen.
Hindi naglaon at nakarma si Gretchen nang makipaghalikan siya kay John Estrada, na nali-link sa kanya, sa birthday ni Rufa Mae Quinto noong Mayo. Nakunan iyon sa cellphone at ikinalat sa internet, kaya pinag-usapan ang iskandalong iyon ng buong bansa dahil bakit nga naman ginagawa ni Gretchen ang gayon when everyone knows na nagsasama sila ni Tonyboy for 11 years? She shut up this time at sinamahan si Tonyboy sa pagpapaopera nito ng lalamunan sa Boston. Hindi naman daw dahil sa "kisscandal" niya with John kaya ito naospital kundi dati nang may sakit si Tonyboy.
One good thing that happened kay Gretchen ay nag-reconcile sila ng kapatid niyang si Claudine and, later on, si Marjorie, na matagal niyang hindi kinakausap. Nagkita sila ni Claudine by accident sa isang supermarket at doon sila unang nagbatian. Nang isilang nga nito ang baby nila ni Raymart Santiago ay dinalaw ito ni Gretchen.
Sina Lani at Bong ay naka-enkwentro rin ang balae nilang hilaw na si Rosanna Roces, who said so many things against them. They deciced to keep quiet at ayun nga, nang magkita-kita sila sa birthday ni Cristy Fermin sa Metro Bar ay nagkabati-bati na rin sila alang-alang sa apo nilang si Gabriel. Ang mga anak naman nila ay hindi na nagkabalikan. Si Grace Adriano na anak ni Osang ay may bago ng boyfriend na isang black guy at si Jolo Revilla naman ay may bago na ring girlfriend.
Isa pang palaaway ay si Alessandra de Rossi. Nagselos ito kay Jennylyn Mercado noong on pa sila ni Jeremy Marquez at hindi na ito binati. Sa taping ng "Luv Pow" (na never na-air), nakikipagbiruan ito pero nang biruin ni Rhian Ramos ay napikon at nagbato ng cellphone. Pinagbati na sila ng mga kagalit niya pero ayaw pa rin niyang makipagbati.
Nagkaroon din ng hidwaan ang ex-married couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera. Nabalitaan kasi ni Pops na tinawag daw ng current squeeze ni Martin na si Katrina Ojeda ang anak nilang sina Robin at Ram ng monkeys. Martin said it happened years ago and the word was taken out of context. Pops, who says she's now happy in her relationship with Jomari Yllana, was not appeased by Martin's explanation at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap uli.
SA ROMANCE department, very active ang lovelife ng showbiz celebrities natin this year. Sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia ang unang pair of showbiz sweethearts na umamin sa relasyon nila this year. This happened on national TV nang maging guests sila sa "The S Files" while Patrick was in Gen. Santos City. Over the phone, sinabi niya kay Jennylyn na guest live sa studio: "Kung sasabihin ko bang mahal kita, sasabihin mo bang mahal mo ko?: And Jennylyn replies: "Oo naman. Mahal din kita."
As for Jen's ex, Mark Herras, he found new love in EB Babe Lian Paz.
Umamin si Uma Khouny of PBB 1 na may asawa na pala siya sa Israel, but he said it's just a marriage of convenience to help a Filipina na naghahanap ng trabaho roon.
Estranged couple Shiela Ysrael and Dan Fernandez reconciled after a bitter separation and, as a result, nanalo si Dan na congressman sa Laguna noong last election.
Nakatagpo naman ng kanyang unang pag-ibig si Toni Gonzaga kay TV commercial director Paul Soriano, apo ng yumaong matinee idol na si Nestor de Villa ng LVN Pictures. Nag-breakup din but eventually ay nagkabalikan sina Alfred Vargas at LJ Reyes.
Pinag-usapan din ang paghihiwalay nina Angel Locsin at Oyo Sotto, allegedly dahil pareho silang sobrang busy at wala silang time sa isa't isa. Lumipat si Oyo sa ABS-CBN. Ipinareha sa dati niyang girlfriend na si Anne Curtis sa TV remake ng "May Minamahal", pero hindi iyon nag-rate.
Nakipag-split din si Pauleen Luna from Marvin Agustin, who's 11 years older, upon the request of her parents. But just a few months later, she found a new boyfriend in Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian, who's 15 years older than her.
Kasama rin sa mga nag-break sina Michelle Madrigal at Victor Neri, na 10 years older din kay Michelle.
Another couple na naghiwalay ay sina Ara Mina at Polo Ravales dahil pareho raw silang masyadong busy.
Naghiwalay rin sina Nancy Castiliogne at Brad Turvey, at sina Katrina Halili and Bullet Jalosjos. Si Bullet ay ex ni Nancy at umamin lang si Katrina na nag-on sila nang naghiwalay na sila and bitter siya dahil hindi raw naging mabait ito sa kanya.
Umamin naman sina Diether Ocampo at Kristine Hermosa na cool off na sila and they're seeking annulment of their marriage in Jaen, Nueva Ecija. Magulo ang relasyon ng dalawang ito hanggang ngayon dahil they claim to still be in love with each other pero nali-link naman sila sa iba.
Kasama rin sa talaan ng mga naghiwalay sina Rufa Mae Quinto and singer Erik Santos. Tumagal ng one year ang relationship nila at ayaw rin nilang sabihin ang dahilan ng kanilang splitup.
Masayang-masaya si Meryll Soriano nang ipahayag niyang pregnant na siya sa simula ng taon. Pero hindi naglaon at by February, napabalitang iniwan na ni Meryll ang asawang si Bernard Palanca at umuwi na siya sa kanila. They confirmed this later on. Bale four months lang silang nagsama, making their marriage the most short-lived in local showbiz.
Naghiwalay rin sina Alma Moreno at Gerald Madrid. Si Gerald ay kasintanda lang ng anak ni Alma na si Mark Anthony. Sa simula pa ay marami nang nagsabing hindi magtatagal ito at iyon nga ang nangyari. Nag-break sila bago tumakbo si Alma as councilor sa Paranaque but she say hindi ang pagpasok niya sa politika ang dahilan ng paghihiwalay nila.
Naghiwalay rin sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto after three kids. Na-link si Marjorie sa mayor ng Kalookan City dahil kasa-kasama niya ito noong nangangampanya siya as councilor, but she denied the rumor. Iba raw ang mga dahilan kung bakit nagkalabuan ang pagsasama nila ni Dennis, pero ayaw naman niyang tukuyin kung ano ang mga iyon. May nagsasabing wala kasing trabaho si Dennis for a long time now at may drinking problem pa ito, but neither of them will confirm this.
Pero ang isa pinakamaingay na rumor of a splitup ay ang kina Kris Aquino and husband James Yap. Kinumpirma ito ni Kris sa "The Buzz" at ang itinuturong dahilan ay ang attendant sa Belo Clinic na si Hope Centeno, na siya raw nagbibigay ng body scrub kay James. May nagsasabing obsessed lang si Hope kay James at hindi totoong nagka-affair sila, pero ipinakita naman ni Hope ang mga litrato nila ni James at ang text messages nito sa kanya kay Manay Lolit Solis sa "Startalk", where she was interviewed, and Lolit says she believes Hope.
Nanganib ang pagbubuntis ni Kris sa dinadala niyang sanggol na si Baby James at dahil nito'y iniwan niya ang kanyang hosting chores on TV to rest until the baby is born. Eventually, pinatawad niya si James, na humingi ng patawad sa kanya, at magkasama pa rin sila hanggang ngayon.
Naging masalimuot din ang relasyon ni Tanya Garcia at then Pampanga Gov. Mark Lapid. Tumatakbo si Mark for re-election ng isang Korean girl ang ininterbyu sa TV saying kasal na si Mark sa kanya sa States at mayroon na silang anak. This turned out to be true. Tiyak na malaki ang kinalaman nito sa naging pagkatalo ni Mark sa halalan. Si Tanya naman ay dinala na nila sa States para doon magsilang ng baby nito.
Isang showbiz romance na pinag-usapan din ay ang kina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. For a couple of years now, napapabalitang sila na ang magjowa dahil hiwalay na si Ogie sa asawang si Michelle Van Eimeren who now resides in Sydney, Australia with their two daughters, Leila and Sara. They will not confirm it. Pero early this year, nagparamdam na si Ogie na may ipapahayag siya in June. Pero by May pa lang, lumabas na sa interview sa kanya sa isang magazine ang pag-amin niyang wala na nga sila ni Michelle at sila na ni Regine. Iba-iba ang naging opinyon ng publiko tungkol dito. May mga tumanggap sa kanila, at may mga nagsabi namang kabit lang si Regine at isang homewrecker. Kaya noong mag-birthday si Ogie nitong Agosto, kinausap nila nang live sa phone patch si Michelle at ito na mismo ang nagsabing hindi na maaayos ang relasyon nila ni Ogie at tanggap na niya si Regine bilang bagong girl nito. Sinabi pa niyang welcome si Regine sa pamilya niya sa Australia at dalawang beses na raw itong nakadalaw roon.
Isa pang kontrobersiyal na paghihiwalay ay ang kina Ruffa Gutierrez at Turkish husband Yilmaz Bektas. Ruffa came home in February at naging host sa "Philippines' Next Top Model" and, later, "The Buzz". Dine-deny pa niyang may problema sila ni Yilmaz sa relationship nila, kaya nagulat na lang ang lahat ng ipahayag niya noong Mayo 7 na hiwalay na sila at hindi na siya babalik pa sa Turkey. Nagpa-interview si Yilmaz sa TV at nag-issue ng sarili niyang statement, blaming Ruffa's materialistic relative na siyang dahilan kung bakit ayaw nang paalisin si Ruffa sa Pilipinas. He admitted later he's referring to Ruffa's own mom, Annabelle Rama, na nagpa-interview rin at nag-iiyak on TV saying na mamamatay siya kapag nakipagbalikan pa si Ruffa kay Yilmaz.
Ruffa confessed later that she's a battered wife, na hindi lang siya binugbog ni Yilmaz kundi kinulong pa sa loob ng cabinet at inumangan ng baril. Yilmaz later on retracted all his allegations and apologized to Ruffa and her parents. At pagkaraan nga ng ilang buwan, dumating si Yilmaz at naging lovey-dovey uli sila ni Ruffa, much to the delight of their two daughters, Lorin and Venice. Nagtagal dito si Yilmaz pero hindi nakipagkita sina Annabelle at Eddie Gutierrez sa kanya kahit sinabi niyang gusto niyang makipag-ayos sa mga ito. Ruffa said naman na natutuwa siyang open na uli ang communication nila ni Yilmaz, but this does not mean na magre-reconcile na sila. To begin with, bukod sa "The Buzz", nasa cast na rin siya ng telefantasyang "Kokey" at ginagawa rin niya ngayon ang pelikulang "Desperadas" sa Regal.
NAGING PROLIFIC ang mga tao sa showbiz at maraming new babies na isinilang. Unang nagsilang si Aleck Bovick in January sa baby boy nila ni Carlo Maceda na tinawag nilang Leon Lancelot. Tumaba nang tumaba si Aleck pero okay lang raw sa kanya at maging kay Carlo kahit balyenita na siya. Isinilang din ni Patricia Javier noong Enero ang panganay nila ng asawa niyang Amerikanong chiropractor na si Robert Douglas Walcher III. Tinawag nilang itong Robert Douglas Walcher IV. Her husband later competed as a male model sa World Championship of the Performing Arts, model category, at nanalo sa age bracket na 30 and above.
Kabilang sa mga nagsilang ng babies ay si Claudine Barretto (baby boy named Rodrigo Sandino with Raymart Santiago as dad), Matet de Leon (a baby girl, bale third child nila ng cager na si Mike Estrada, but the second one passed away in infancy), Julia Clarete (baby boy sa husband niyang Chinese businessman), Vanna Garcia (baby boy, na Chinese businessman daw ang ama), singer Dulce (who gave birth to a baby girl on April 30 at the age of 45 sa kanyang second husband after singer Danny Cruz), singer Barbie Almalbis (baby girl named Noa, the fatgher is Martin Honasan na anak ni Sen. Gringo Honasan), Janna Victoria (baby girl named Jordana Briel na ang ama ay ang non-showbiz BF niyang si Joseph Flores), and PBB winner Nene Tamayo (baby boy, anak nila ng kanyang dancer husband na si Antonio Plamio).
Buntis din si Jackie Manzano and it's a delicate pregnancy. Nadiskbure sa States na may sakit siya sa puso at maaaring ikamatay niya kung itutuloy niya ang pagbubuntis niya. She was advised to terminate the pregnancy but Jackie defied the wish of her doctor and decided na isilang ang baby boy na five months na sa sinapupunan niya. By November ay lilipad doon ang asawa niyang si Anjo Yllana para samahan siya hanggang sa makapagsilang na siya. They have three other kids, two girls and one boy.
Isa pang buntis ay si Camille Prats, a former child actress who gained stardom as the innocent "Sarah, Munting Prinsesa". Their family tried to deny it first, pero na-realized siguro nilang the truth will set them free. The father is her non-showbiz boyfriend.
Naging ama naman si Onemig Bondoc sa kanyang French-Filipino girlfriend named Valerie. Three months old na ang baby girl nila, pero hindi pa sila kasal.
As of this writing, mga nagdadalantao naman sina Donna Cruz (third child nila ni Dr. Yong Larrazabal), beauty queen Carlene Aguilar (who's in the U.S. and denies na si Dennis Trillo ang ama), Tanya Garcia (nasa U.S. din), at singer-dancer Cherry Lou (ikinasal kay Michael Agassi noong September 15 na three months pregnant).
KUNG MAY DUMARATING, may mga umaalis din at kabilang sa mga namayapa nating showbiz denizens ay sina Direktor Joey Gosiengfiao, Premiere Productions star Lily Marquez (real name: Jean Kookooritchkin), comedian-singer Yoyoy Villame, character actress Nenita Jana of Sampaguita Pictures, actor-director Edwin O'Hara, radio broadcaster Kuya Cesar, writers Joey Diego, Ross F. Celino and Ben de la Cruz, Pete Roa, Pete Cruzado, Ramon Zamora, at ang ex-husband ni Nida Blanca na si Rod Strunk na prime suspect sa pagpatay sa kanya, who committed suicide in the U.S. Let's all say a prayer for the repose of their souls.
BIGYAN DIN natin ng kaukulang papuri ang mga artista nating nagbigay ng karangalan sa ating bansa. Nangunguna na rito si Gina Pareno, na nagwagi ng tatlong international best actress awards mula Osian Cinefan Filmfest in India, sa Amiens, France, at sa Brussels, Belgium. Ito ay para sa pelikulang "Kubrador" ni Director Jeffrey Jeturian, na nag-uwi rin ng special jury citations mula sa filmfests na sinalihan nito.
Isa pa ay si Cherry Pie Picache na nagwagi ng two international best actress awards. Una ay para sa role niya bilang isang lesbian tricycle driver sa "Kaleldo" at ikalawa ay para sa role niyang bilang inang nag-aampon ng mga batang pinaaampon later sa mga dayuhan sa "Foster Child".
Dapat ding purihin si Director Yam Laranas bilang unang local director na nabigyan ng pagkakataong makagawa ng Hollywood, ang "The Echo", based sa kanyang sariling pelikulang "Sigaw". Nagawa rin niyang kumbinsihin ang kanyang producers na kunin si Iza Calzado to recreate her role as the ghost in the movie, kaya nasa Canada ngayon si Iza shooting the film on location.
Si Vina Morales ay nagwagi naman sa solo category bilang performer sa Ikon Asean Awards at ang band na Kjwan ang nanalo sa band category. They won $25,000 each.
MARAMING TAGA-SHOWBIZ ang tumakbo noong nakaraang halalan ngunit this time, it looks like they lost their magic at mas marami sa kanila ang naging talunan. Heto ang talaan namin ng losers and winners.
Unahin natin ang mga nagwagi:
As Senator - Loren Legarda (after she was cheated as vice president in 2004), Francis Pangilinan (re-electionist husband of Sharon Cuneta), Noynoy Aquino (brother of Kris), Migz Zubiri.
Governor- Vilma Santos in Batangas, Jun Ynares in Rizal (husband of Andrea Bautista).
Congressman - Dan Fernandez in Laguna. Anton Lagdameo in Davao (husband of Dawn Zulueta), and Jules Ledesma in Negros (husband of Assunta de Rossi).
Mayor - ER Ejercito in Pagsanjan (re-electionist), JV Ejercito in San Juan (re-electionist), Strike Revilla (brother of Bong) in Bacoor, Alfred Romualdez in Tacloban, Leyte (husband of Cristina Gonzales).
Vice Mayor - Isko Moreno in Manila, Herbert Bautista in Quezon City (re-electionist), Teri Onor in Abucay, Bataan.
Councilor - Yul Servo, Cristina Gonzales, Alma Moreno, Aiko Melendez (last term).
And the losers:
As Senator - Richard Gomez, Cesar Montano, Tito Sotto, Victor Wood, Tessie Aquino-Oreta (auntie ni Kris), Ralph Recto (husband ni Vilma Santos).
Congressman/woman - Manny Pacquiao in Gen. Santos, Nadia Montenegro and Bebong Munoz (boyfriend of Jolina Magdangal) in Kalookan City, Jestoni Alarcon in Rizal, Chuck Mathay (father of Ara Mina) in Quezon City.
Governor - Mark Lapid in Pampanga.
Vice Governor - Christopher de Leon in Batangas.
Board member - Angelica Jones and Marco Sison in Laguna, Emilio Garcia.
Mayor - Rey Malonzo in Kalookan City, Lito Lapid in Makati, Dodot Jaworski in Pasig.
Vice Mayor - Cita Astals and Robert Ortega in Manila, Anjo Yllana in Paranaque.
Councilor - Leandro Baldemor, Jeffrey Santos, Amay Bisaya, Barbara Milano, Geryk Genaskey, Bobby Yan, Chinggoy Alonzo.
OTHER EVENTS in showbiz include Gladys Guevara suddenly resigning from "Eat Bulaga". Health reasons ang ibinigay niyang dahilan, pero later ay lumabas ang totoong dahil ito sa naging kaugnayan niya sa co-host na si Janno Gibbs. Later, nang mag-show si Gladys sa States, nakatagpo siya ng isang bagong boyfriend in New Jersey, a Fil-Am guy named Phillip na handa raw siyang pakasalan.
Marami ring nagulat nang mapabalitang inatake sa puso noong January 9 ang dating lead singer ng Eraserheads na si Ely Buendia, gayong bata pa siya at 37 years old. He underwent angioplasty to remove ang bara sa kanyang ugat at ngayon ay back in circulation na siya.
Naging season din ng pagbabati among people na nagkaroon ng sigalot. Noong bago mag-Christmas, sumama ang loob ng talent manager na si Popoy Caratativo kay Mother Lily dahil bigla nitong inalis ang alaga niyang si Dennis Trillo mula sa cast ng "Mano Po 5" at pinalitan ni Richard Gutierrez. Pero sa isang pagtitipon early this year, nagkabati rin sila.
Nagkabati rin ang dating may iringang magkapatid na sina Nova Villa at Tiya Pusit, lalo na nang muntik nang mabulag ang isang mata ni Tiya Pusit after ma-damage ito ng isang stroke.
Bago maghalalan, nagkaroon naman ng conflict sina Vilma Santos and husband Ralph Recto with Ralph's brother na gustong tumakbo bilang governor ng Batangas. Nag-give way si Ate Vi pero later on, Ralph's brother relented at si Ate Vi na ang tumakbo while he ran as congressman. Nanalo si Ate Vi, but he lost.
Sa taping ng "Sinasamba Kita", may eksenang mabubundol kunwari ng kotse si Valerie Concepcion pero nang gumiling na ang kamera ay nagkatotoo ito at natamaan nga siya, so she landed in the hospital.
ABOUT THE LOCAL FILM INDUSTRY, patuloy na kakaunti ang ginagawang pelikulang lokal. Noong Enero, iisang local movie lang ipinalabas, "Agent X-44". Noong Pebrero ay apat: "Troika", "The Promise", "You Got Me" at "Faces of Love". Tatlo naman noong MarsoL: "Happy Hearts", "Monay ni Mr. Shooli", "Siquijor: Mystic Island". Dalawa lang noong Abril: "Cute ng Ina Mo", "Rumble Boy". Dalawa rin noong Mayo: "Paano Kita Iibigin", "Baliw". Apat noong Hunyo: "Silip", "Blackout", "Angels", "Moreno". Tatlong mainstream movie ang itinanghal noong Hulyo: "Tiyanaks", "Paraiso: Tatlong Kuwento ng Pangarap", at "Ouija". Pero nabuhay nang husto ang local movie scene dahil sa Cinemalaya Independent Filmfest na ginanap sa Cultural Center of the Philippines that month. Lima sa entries dito ay puedeng-puede pam-best picture nominees: "Pisay", "Tribu", "Endo", "Still Life", "Kadin". Ang iba pang entries ay "Gulong", "Tukso", "Ligaw Liham", at "Sinungaling na Buwan". Guest entries naman na itinanghal din dito ang "Barako", "Hanggang Dito na Lamang at Maraming Salamat" and "Indio Nacional" (both eventually shown sa Robinson's Galleria), "Ataul for Rent" (na ipinalabas sa Toronto Filmfest). Nanalong best picture sa Cinemalaya awards night ang "Tribu", best director si Auraeus Solito for "Pisay", best ensemble acting ang cast ng "Tribu" for best actor, at Ina Feleo as best actress for "Endo".
Noong Agosto, pitong pelikula ang ipinalabas: "Idol: Pag-asa ng Bayan", "Casa", "Haw Ang (Before Harvest)", "Xenoa", "A Love Story", "Signos", and "My Kuya's Wedding".
If not for the independent digital films being made, the future of Philippine really looks quite bleak. Meron ding Cinema One originals na digital films ang ABS-CBN and this will be shown in November. We hope na marami ring maging maganda sa mga pelikulang ginawa nila. Ang susunod na nating aabangan ay ang Metro-Manila Filmfest, pero karamihan sa entries dito ay commercial flicks at ang promising lang na abangan ay ang "Sakal, Sakali, Saklolo" ni Joey Reyes (sequel sa "Kasal"), at ang "Bahay Kubo" at "Desperadas" ni Joel Lamangan. The rest are mostly fantasy films.
MAS BUHAY NA BUHAY ang mundo ng telebisyon. Here's where the action really is. Maraming shows ang sinisimulan at marami ring namamaalam sa dalawang top networks.
Sa GMA-7, nagtapos ang kanilang hit "Captain Barbell" in January at pinalitan ng "Asian Treasures" na first TV series ni Robin Padilla sa GMA-7. Itinambal sa kanya for the first time si Angel Locsin at naging hit din ito. Naging big newsmakers si Angel dahil, hindi nila alam, ito na pala ang magiging huling show niya sa GMA at pagkatapos nito ay mag-o-ober da bakod na ito't lilipat sa ABS-CBN. Very negative ang public opinion sa ginawang ito ni Angel dahil everyone knows ang GMA ang siyang nag-build sa kanya, mula sa pagtatambal sa kanya kay Richard Gutierrez in "Mulawin", na dapat sana ay kay Maxene Magalona. Dahil dito ay sumikat siya, lalo na nang bigyan siya ng solo telefantasyang "Darna" at iginawa sila ni Richard ng movie na "Let The Love Begin", a mammoth hit. Noong una ay ayaw pang umamin ni Angel na lilipat siya, kesyo pagod na raw kasi at mag-aaral muna sa London, pero lumabas din ang totoo na lilipat pala siya sa ABS na noong nagsisimula pa lang siya ay ni-reject na siya.
Maraming bagong shows na inere ang ABS-CBN, ngunit marami rito ay hindi nag-rate, tulad ng "Rounin" na star-studded at ginastusan ang costume at special effects pero hindi kinagat ng viewers. Isa pa ang "Walang Kapalit", na nakapagtataka considering it topbills two of their top stars, Claudine Barretto and Piolo Pascual. NI-revive nila ang "Flor de Luna" as "Maria Flor de Luna", ngunit nag-rate na lang ito nang malapit na itong matapos sa himpapawid.
Isang show nila na naging maganda ang rating nationwide ay ang "Sana Maulit Muli" starring the Kim Chiu-Gerald Anderson love team. Maging ang Sine Novela versions nila ng "Palimos ng Pag-ibig" at "Hiram na Mukha" ay hindi rin nag-rate. Mabuti pa ang remake nila ng "Kokey" at mas nag-rate.
Nang manganak si Kris Aquino, pinalitan siya ni Edu Manzano as host ng "Game KNB?" at napag-rate nito nang husto ang noontime game show. Nang magbalik si Kris sa trabaho ay tila lumamlam ang career niya. Hindi niya nagawang mapag-rate uli nang mataas ang "Deal or No Deal" kaya sisibakin na raw ito this October. Maging ang bago niyang morning talk show with Boy Abunda na "Boy and Kris" ay mababa ang rating at hindi mapataob ang kalaban nitong "Sis" nina Carmina Villaroel, Janice at Gelli de Belen.
For a while, natatalo na ng "Wowowee" sa ratings ang "Eat Bulaga", pero nakabawi ito at lalong bumaba ang rating ng "Wowowee" pagkatapos ng pinaghinalaang kaso ng pandaraya sa "Wilyonaryo" segment na dalawang numero ang lumabas. Lumaki pa ito nang hindi pa man nae-explain ni Willie Revillame what really happened ay biglang inatake si Joey de Leon sa show dahil sa sinulat ni Joey sa column niya sa Manila Bulletin na masama ang cheating on TV, without mentioning any name or show.
Mas sinuwerte sa ratings ang GMA-7 dahil lahat ng bagong shows na inere nila ay umaabot sa 30 percent plus ang rating, gaya ng "Asian Ratings", "Super Twins", "Lupin", "Impostora", at maging ang afternoon shows nila on Sine Serye like the remakes of "Pati Ba Pintig ng Puso", "Sinasamba Kita", "Kung Mahawi Man ang Ulap", at "Pasan Ko ang Daigdig" na umaabot ng 20 percent ang rating gayong panghapon ang shows na ito.
Tinangka ng ibang istasyon to be more competitive, pero hindi sila nagtagumpay. Solar Entertainment produced many local shows for RPN-9 like "Kemis (Ke Misis Umaasa"), "Dalawang Tisoy", "Showbiz Ka", etc. Pero after a few months, nag-fold up ang mga ito dahil malaki na raw ang nalulugi sa kanila. Maging ang ABC-5 ay nagkaroon ng retrenchment at sinibak marami sa kanilang local shows.
And here's our personal list of the year's best films and performances. This is quite a good year as many films can be nominated for best picture. All of these are indie digital films and only one, "Katas ng Saudi", is a mainstream release. The digital films are:
"Pisay" by Auraeus Solito - A thoroughly engaging account of life inside the Philippine Science High School from the assassination of Ninoy Aquino to the fall of the Marcos Regime, very crucial years in contemporary Philippine history, as told through the personal lives of eight students who lived through it.
"Tribu" - A searing portrait of life in the slums where young people vent their anger and desperation on killing each other as members of rival gangs.
"Confessional" - An experimental film with an innovative narrative technique about a documentarist who makes a film on the Sinulog Festival in Cebu and ends up with the confession of a corrupt politician who gets assassinated right in front of his camera.
"Endo" - A proletarian romance about two poor "end of contract" workers and how the temporary nature of their jobs markedly affect their romance and their respective lives.
"Foster Child" - A day in the life of a professional foster mom who takes care of orphaned kids later adopted by foreigners.
"Still Life" - A film that contains valid discussions about art and life, it's about an artist who's about to lose his ability to paint and the young woman who he mysteriously crosses paths with in a deserted vacation house. The twist in the end will astound you.
"Kadin" - About a young boy's touching search for his missing goat filmed amidst the beauty of Sabtang Island in Batanes.
"Katas ng Saudi" - This is a mainstream movie that is presented more as a comedy but tackles some very serious problems about the lamentable effects of working abroad and missing on the growing up years of your own children.
"Sakal, Sakali, Saklolo" - Sequel to last year's very popular "Kasal, Kasal, Kasali" that shows the continuing story of a young married couple and the travails they go through in life.
In the acting categories, here's our list of top performances in the best supporting actor category: Publio Briones as the corrupt mayor who makes a clean breast of all his sins in "Confessional", Ricky Davao as the weakling father in "Endo", Justin de Leon as the broken-hearted gay executive from Manila who falls in love with the keeper of a lighthouse in "Ang Lalaki sa Parola", Zanjoe Marudo as the zany small time crook who falls in love with a female cop in "You Got Me", Emilio Garcia as the silent prisoner who gets into a relationship with a younger man and Allan Paule as the pervert who preys on new jailbirds in "Selda", and Nash Aguas as the product of a rape who tries his best to gain the sympathy of the man he thinks is his father in "Angels".
As best supporting actress, any of the following can be nominated: Eugene Domingo as the dedicated science teacher who speaks with a pronounced Southern accent in "Pisay", Dimples Romana as the oppressed wife who rebels against her chauvinistic husband in "Chopsuey", Barbara Perez as the lonely spinster in "Gulong", Irma Adlawan as the ill-fated mother who loses her two sons and also loses her sanity on cam in "Ataul for Rent", Shamaine Buencamino as the very caring sister of an OFW in "Prinsesa", Francine Prieto as the mysterious woman who turns out to be a mere figment of a mad woman's imagination in "Silip", Gina Pareno as the flamboyant mother in law in "Sakal, Sakali, Saklolo", and Anita Linda as the termagant neighbor who meets a fate she doesn't really deserve in the hands of a neighborhood thug in "Tambolista".
For best actor, our bets are Jason Abalos as the caring son and brother whose love affairs are as transitory as his temporary jobs in "Endo", Ron Capinding as the painter about to lose his art due to a disease that maims his hands in "Still Life", Mark Cardona as the boy looking for his lost goat in "Kadin", John Lloyd Cruz as the engineer who has a hard time coping with a lost love in "One More Chance", Jinggoy Estrada as the OFW from Saudi who returns home after ten years to find himself alienated from his own kids in "Katas ng Saudi", Romnick Sarmenta as another OFW from Saudi who chooses not to leave anymore for the sake of his only daughter in "Prinsesa", Ryan Agoncillo who gives a very relaxed portrayal of a harrassed husband and young dad in "Sakal", Joel Torre as the wily funeral parlor owner in "Ataul for Rent", Noni Buencamino as the aging closeted gay in "Hanggang Dito na Lamang", Cesar Montano as the Pinoy New Yorker grieving over the death of his American wife in the final episode of "Paraiso: Tatlong Kuwento ng Pangarap", Sid Lucero as the young prisoner who figures in an affair with the man who takes the blame for a crime he commits in "Selda", and Jiro Manio, Coco Martin and Sid Lucero as the three partners in crime who commit a dastard deed and pay dearly for it in "Tambolista".
For best actress, the possible nominees are Cherry Pie Picache as the devoted foster mom and Eugene Domingo as the caring social worker in "Foster Child", Glaiza de Castro as the unwed teenage mom who will change the life of the most important man in her life forever in a way she never imagined in "Still Life", Ina Feleo as the feisty contract worker who won't be distracted even by love in her ambition to work abroad in "Endo", Bea Alonzo as the architect who rebels from her boyfriend and finds herself in "One More Chance", Jaclyn Jose as the physically and emotionally battered wife and make up artist in "Ataul for Rent", Judy Ann Santos as the struggling wife and young mother in "Sakal, Sakali, Saklolo", Lorna Tolentino as the understanding and supportive wife of an OFW in "Katas ng Saudi".
We would also like to cite the fine ensemble acting of the cast members of two movies: the suicidal gang members in "Tribu" and the teenage students with their own respective stories in "Pisay".