Part kami ng tinatawag na henerasyon ng baby boomers na isinilang pagkatapos ng World War II at lumaki sa impluwensiya ng pinilakang tabing. Growing up as a child in the 1950s, wala pa noong telebisyon kaya ang pangunahing libangan ng aming pamilya ay manood ng sine tuwing weekends. Hindi na namin mabilang kung ilang local movies ang napanood namin sa Life, Dalisay at Center Theatres. Sa loob ng madilim na sinehan, the medium of cinema has the power to transport you to another world and, through the following decades, napakarami na ng unforgettable moments ang aming naranasan habang nanonood kami ng palabas sa higanteng telon. We want to share some of them here with you.
DEKADA 50 – Natatandaan naming ang una naming napanood na pelikula ay “Dalawang Sundalong Kanin” (1949) starring the late comic tandem of Pugo and Tugo. Nagpapaluan lang sila ng kanilang mga kalbong ulo habang nagpapanggap na mga sundalong Hapon ay tawang-tawa na kami. Pero ang talagang unang tumimo sa aming kamalayan ay ang musical comedies na ginagawa ng pinaka-popular na love team na dekada 50, sina Nida Blanca at Nestor de Villa ng LVN Pictures. Hinding-hindi naming makakalimutan si Nida sa pelikulang nagbigay sa kanya ng kasikatan, ang “Waray-Waray” (1953), habang kinakanta niya ang theme song nito na nagging tanyag ng mga panahong iyon, originally voiced by Sylvia La Torre at ni-lipsynched lamang niya sa screen. The song became so popular at nagkaroon pa ng sarili nitong version ang black Hollywood singer na si Eartha Kitt. That was a defining moment for us dahil after that, talagang hindi na rin mabakbak mula sa aming gunita ang color musicals na ginawa nina Nida at Nestor bilang pang-anibersaryong handog ng LVN: “Ikaw Kasi” (1955), “Bahala Na” (1956), at “Tingnan Natin” (1957), all directed by the great director, Manuel Conde. Lahat ng theme songs ng mga pelikulang ito ay pawang sumikat din, with lyrics by National Artist Levi Celerio.
Heto pa ang iba pang mga pelikula ng 50’s na tumatak sa amin ang ilang eksena.
“Sisa” (1951) – Directed by National Artist na si Gerry de Leon, hindi naming malilimutan ang tagpong tinakasan na ng katinuan si Anita Linda bilang Sisa at tinatawag niya pangalan ng mga nawawalang anak na sina Crispin at Basilio. Magiging ehemplo ito ng tour de force acting at gagayahin ng maraming nagtatangkang maging artista.
“Dyesebel” (1953) – Also directed by Gerardo de Leon, this was filmed in black and white pero mas natatandaan namin ito kaysa sa subsequent remakes ng “Dyesebel”. Bagay na bagay si Edna Luna sa papel ng babaeng sirena at hindi namin siya malilimutan habang kinakanta ang theme song na “Bakit Kaya”, pero ang most memorable moment dito ay ang pagsabog ng bulkan sa climax ng movie.
“Sanda Wong” (1955) – Again from Gerry de Leon. Hindi mawaglit sa aming alaala ang jingle nito sa radyo na “Sanda Wong, Ito’y Gawa sa Hongkong”, dahil it was billed as the first Filipino-Hongkong co-production. It starts local action star Jose Padilla Jr. in the title role. Ang most memorable moment sa amin dito ay ang paglilibing sa Chinese actress na si Lola Young sa gitna ng dagat habang unti-unting binibitiwan ang kanyang bangkay mula sa isang boat at lumulubog iyon sa tubig.
“Anak Dalita” (1956) – Mula sa National Artist ding si Lamberto Avellana, tungkol ito sa buhay ng slum dwellers sa ruins ng Intramuros pagkatapos ng giyera. It stars Rosa Rosal as a prostitute at si Tony Santos bilang sundalong naging karelasyon niya. Revolutionary na ng panahong iyon ang kanilang passionate love scene sa mga guho ng Intramuros at marami ang namangha sa pakikipaghalikan ni Rosa ng lips to lips.
“Biyaya ng Lupa” (1959) – This is the best local film for all ages para sa amin. It has withstood the test of time at kahit ilang ulit na naming napanood ay gandang-ganda pa rin kami. Kuwento ito ng isang mag-asawang nagtanim ng mga puno ng lanzones noong ikasal sila at ang nangyari sa kanila at sa mga naging anak nila hanggang mamunga ang mga puno at pakinabangan nila ang una ani nito. Rosa Rosal gives a brilliant performance as the wife and mother at ang best moment dito sa amin ay ang ending na hinahaplos niya ang ararong naiwan ng yumaong asawa, Tony Santos, pagkatapos ng maraming paghihirap at pagsubok ng dinaanan nila ng mga anak niya. It’s a very touching scene na tuwing mapapanood namin ay naiiyak pa rin kami. And we’re glad na may existing print pa ng pelikulang ito. This is local filmmaking at its best.
DEKADA 60 – Sa pagrerepaso namin sa mga pelikula sa dekadang ito, we realized na si Gerry de Leon pa rin ang nangingibabaw rito. Apat na obra niya ang may mga tagpong hindi na mabubura sa aming alaala.
“Noli Me Tangere” (1961) – This is an excellent screen adaptation of Jose Rizal’s masterpiece. Ang hindi namin malilimutang tagpo rito ay nang makita ni Edita Vital as Maria Clara ang isang taong may ketong sa kalye at lapitan niya ito. Dito na-established ang basic kindness sa character ni Maria Clara. Isa pang di malilimutang eksena ay ang pagtatagpo nina Elias (Leopoldo Salcedo) at Sisa (Lina Carino) sa ending na kapwa sila malapit nang mamatay at inutusan ni Elias ang batang si Basilio na sunugin ang kanilang mga bangkay. We know may restored version ng pelikulang ito at sana ay mapanood ninyo iyon.
“The Moises Padilla Story” (1961) – True story ito ng isang young political leader sa Negros na walang awang pinatay ng kalaban niyang politico at naging dahilan ng pagpunta roon ni Pres. Ramon Magsaysay para buhatin ang kanyang bangkay. Talagang dalang-dala kami sa very powerful torture scene kay Moises as played by Leopolo Salcedo (who deservedly won the FAMAS best actor award that year) at ng tagpong pangko-pangko na ng Pangulong Magsaysay ang walang buhay niyang katawan.
“El Filibusterismo” (1962) – If only for his two film versions ng mga dakilang nobela ni Rizal, Gerardo de Leon’s reputation as a master filmmaker is already sealed. Ewan namin kung may kopya pa ng masterpiece na ito, but it’s really one movie na dapat ay hanapin at i-restore ding gaya ng “Noli”. Ang most memorable moment dito ay ang tagpong dala-dala na ni Simoun (Pancho Magalona) ang kahon ng kanyang mga kayamanan at kanya yung itinapon sa ilog pagkatapos ng kanyang nabigong paghihiganti sa mga Kastila.
“Daigdig ng mga Api” (1965) – Tungkol ito sa mga naghihirap na magsasaka sa gitnang Luzon at kung paanong ang buhay nila ay nakasalalay sa lupang kanilang sinasaka. Kapwa nagwagi ng best actor at best actress awards dito ang mag-asawang Robert Arevalo at Barbara Perez bilang mga magsasakang nakabaon sa paghihikahos. Sa kuwento, nagkaroon ng tagtuyot at halos mamatay na ang kanilang mga pananim. Most memorable moment ang tagpong sa wakes ay dumating din ang ulan at nagbunyi ang mga magsasaka habang bumubuhos ang ulan sa nagtatalunan sila sa tuwa sa gitna ng ulanan.
DEKADA 1970 – Ang dekadang ito ang maituturing naming tunay na Golden Age ng Pelikulang Pilipino dahil napakaraming magagandang pelikula nagawa sa panahong ito. Dito namayagpag ang master filmmakers na gaya ng mga yumaong Lino Brocka at Ishmael Bernal. Heto ang most memorable moments sa mga pelikulang itinanghal noon.
“Pagdating sa Dulo” (1971) – Parody ito ng bomba films na palasak ng panahong iyon at unang obrang sinulat at pinamahalaan ni Bernal. Ginagampan dito ng yumaong Rita Gomez ang papel ng isang pokpok na ginawang bomba actress at ang most memorable scene dito para sa amin ay ang tagpong ini-interview siya ng movie press at ang isinasagot niya ay mga kasinungalingang impormasyon na kunwari ay nakatungtong siya ng college at nag-aral sa Parestern (Far Eastern University.) Ito ang dapat na nagwaging best picture that year at si Rita ang dapat naging best actress, but for some reason, ang nanalo sa FAMAS (na siya pa lang existing award-giving body that time) ay ang “Lilet” ni Gerry de Leon na kay raming butas ng script at si Celia Rodriguez as Lilet ang nanalong best actress.
“Tinimbang Ka Ngunit Kulang” (1974) ni Brocka – Hindi namin malilimutan ang tagpong nadiskubre ni Christopher de Leon ang kanyang amang si Eddie Garcia habang may kinukubabawang babae sa loob ng kanilang kamalig. Doon niya natuklasan kung anong uri ng tao ang kanyang ama. Isa pang memorable scene dito ay nang pinagtatawanan ang village idiot na si Kuala (Lolita Rodriguez in one of her best performances ever) at siya ay napaihi. It will be revealed later na kaya naglaho ang katinuan ni Kuala ay dahil din kay Eddie Garcia na nabuntis siya at pina-abort ang anak niya.
“Insiang” (1976) – Ang 1976 ay prolific year in local cinema na ewan kung mauulit pa. Napakaraming masterpieces made that year. “Insiang” ni Brocka won best actress and best supporting actress awards sa Metro-Manila Filmfest that year at very deserving sina Hilda Koronel (in the title role) at Mona Lisa (as her mother). Sa kuwento, si Hilda ay ginahasa ng kabit ng ina niya, si Ruel Vernal, at bilang paghihiganti ay ginamit niya ang katawan niya para pagselosin ang ina na pinatay naman ang kalaguyo nito. Very memorable ang last scene sa movie na dinalaw ni Hilda sa bilangguan ang kanyang ina. Ito rin ang first local film na itinanghal sa prestigious Cannes Filmfest.
“Tatlong Taong Walang Diyos” (1976) – Dinirek ni Mario O’Hara, may ilang flaws ang pelikulang ito with its very theatrical staging, pero hindi malilimutan ang eksenang hinabol ni Nora Aunor, bilang Pilipinang naanakan ng isang opisyal na Hapon (Christopher de Leon), si Christopher sa kalye at nagsisisigaw siya ng “Sinungaling! Sinungaling!” Dito sa pelikulang ito unang kinilala si Nora bilang magaling na aktres.
“Minsa’s Isang Gamo-Gamo” (1976) – Entry rin ito sa Metro-Manila Filmfest at very political ang tema tungkol sa U.S. bases. Si Nora ay isang nurse dito na ang pangarap ay makapunta sa States, pero napatay ang nakababatang kapatid niya rito ng mga sundalong Amerikano. Sino ang makalilimot sa eksenang umiiyak siya sa harap ng kabaong ng kanyang kapatid at ipinahayag niya: “My brother is not a pig!”
“Nunal sa Tubig” (1976) – The most cryptic local film ever made. Maraming hindi nakaintindi sa nais ipakahulugan ni Bernal sa pelikulang ito tungkol sa isang isla sa gitna ng dagat. It’s basically a tale of soil and soul survival at ang hindi malilimutang eksena rito ay ang childbirth scene ni Elizabeth Oropesa na pinaaanak siya nina Daria Ramirez at Rustica Carpio. It signals the birth of another life in bleak surroundings.
“Burlesk Queen” (1977) – Ang pelikulang ito ni Celso Ad. Castillo ang nanalo ng napakaraming award sa Metro-Manila Filmfest that year at naging dahilan ng away ni Brocka at ng yumaong juror doon na si Rolando Tinio sa awards night. Kuwento ito tungkol sa sining ng burlesque at ang most memorable scene ay 15-minute nonstop breathtaking dance number ni Vilma Santos on stage kung saan ang layunin pala niya ay malaglag ang sanggol na dinadala niya sa kanya sinapupunan.
“Sino’ng Kapiling, Sino’ng Kasiping” (1977) – A spending tale of indelity among middle class couples from National Artist Eddie Romero. Ang best scene sa amin dito ay nang magkagulo-gulo na ang mga mag-asawa rito dahil sa pagtataksil at tahimik na nag-uusap ang mga nangaliwang sina Vic Vargas at Gloria Diaz, realizing na walang ibang dapat sisihin sa nangyari kundi sila rin dahil mahilig silang pumasok sa magulo. This film has great performances from Daria Ramirez and Lito Legaspi bilang kinaliwang mga asawa.
“Ina, Kapatid, Anak” (1978) – This domestic drama from Brocka features knockout performances from Lolita Rodriguez and the late Charito Solis as feuding half-sisters. Si Lolita ang anak sa labas pero paborito ng ama nila. Umuwi siya ng Pilipinas mula abroad dahil mamamatay na ang kanilang ama. Si Charito ang very bitter niyang kapatid dahil patuloy na naghihirap ang buhay niya at siya ang natokang mag-alaga sa ama nila. Ang best scene dito ay ang confrontation scene nilang magkapatid kung saan nagpatalbugan talaga sa acting ang two of the best actresses in Philippine cinema.
“Ikaw ay Akin” (1978) – This tale of love and commitment from Bernal brought Nora and Vilma together on the big screen. Dalawa ang unforgettable scenes dito sa amin. Una ay ang mahabang monologue ni Vilma where she shows how deeply wounded she is psychologicall, telling Christopher de Leon na kung wala ito, para siyang manok na takbo nang takbo, pero walang ulo. Ang isa pa ay ang overextended and very daring ending na walang ginawa si Nora as Teresa and Vilma as Sandra kundi magtitigan lang nang magtitigan nang wala kahit isang line of dialogue.
“Ina Ka ng Anak Mo” (1979) – Sa pelikulang ito ni Brocka naman nagsama sina Lolita at Nora Aunor. Anak ni Lolita si Nora na hindi magkaanak sa asawang si Raoul Aragon. Isang gabing kapwa sila nalasing, natuksong magtalik si Lolita at ang manugang niyang si Raoul. Nagbuntis si Lolita at nanganak. Ang most unforgettable moment dito ay nang matuklasan na ni Nora ang kataksilan ng kanyang ina at asawa at tila siya naririmarim na napaurong habang madamdaming inuusal: “Hayop! Hayop!”
DEKADA 80 – Ang dekadang ay pagpapatuloy ng Golden Age ng local cinema, thanks for the works of Brocka, Bernal and the two top women directors, Laurice Guillen and Marilou Abaya.
“Bona” (1980) – Ginawa ni Brocka, kuwento ng isang movie fan (Nora) na handang gawin ang lahat para sa hinahangaan niyang stuntman (Phillip Salvador.) Ang hindi malilimutang eksena rito ay nang malaman na ni Bona ang ginagawang pagtataksil sa kanya ni Phillip at nang maliligo na ito ay binuhusan niya ng kumukulong tubig ang pampaligo nito.
“Kisapmata” (1981) – It won most of the awards sa 1981 Metro-Manila Filmfest. Tungkol ito sa tyrannical and authoritarian retired policeman, Vic Silayan, who is having an incestuous relationship with his own daughter, Charo Santos, an analogy on the use of terror and violence in Philippine politics during the time of Marcos. Ang most unforgettable moment dito ay ang violent massacre scene na pinagpapatay ni Vic ang buong pamilya niya, including wife Charito Solis, daughter Charo and son in law Jay Ilagan, bago siya nagbaril sa sarili niya.
“Salome” (1981) – Dinirek ni Laurice Guillen, para itong “Rashomon” probing into the nature of truth. Napatay rito si Dennis Roldan and there are three versions kung paano nangyari ito. Sa una, pinagtanggol lamang ni Gina Alajar as Salome ang kanyang sarili dahil gusto siyang gahasain ni Dennis. Sa ikalawa, natuklasan ng asawa ni Gina na si Johnny Delgado ang pagtataksil nila ni Dennis at napatay niya ito dahil gusto pa ring ituloy ang relasyon nila kahit kumakalas na siya. Sa ikatlo, inutusan siya ni Johnny na patayin ito bilang parusa sa pangangaliwa nila. Ang aktuwal na pagpatay or murder scene was staged sa iba’t ibang paraan, all memorable, at bahala na ang viewers humusga kung alin ang paniniwalaan nila.
“Relasyon” (1982) – Kuwento ito from Bernal ng isang kalaguyo o mistress, played by Vilma Santos, at ang most unforgettable scene dito ay ang death scene ni Christopher de Leon na tarantang-taranta si Vilma at hindi malaman ang gagawin habang namimilipit sa sakit ang lalaking may ibang asawa na kinakasama niya. Dito unang naka-grand slam si Vilma.
“Himala” (1982) – Unforgettable nga ang taong 1982 dahil dinirek ni Bernal ang two of the best actresses of their generation. In “Himala”, na humakot ng awards sa Metro-Manila Filmfest that year, siempre pang ang most unforgettable moment ay ang tagpong binaril si Nora as Elsa, the fake visionary, habang sumisigaw siya ng “Walang himala, nasa puso ang himala”, na hanggang ngayon ay paboritong gayahin ng mga bading.
“Karnal” (1983) – Mula kay Marilou Abaya, isa na naming domineering father ang ginampanan ni Vic Silayan sa kuwentong ito set in the 30’s. Ang most shocking moment dito ay ang decapitation scene kay Vic na ang pumugot sa ulo niya ay ang sariling anak na si Phillip Salvador dahil pinakikialaman niya ang misis nitong si Cecille Castillo.
“Sister Stella L” (1984) – A socially relevant film from Mike de Leon, tungkol sa pagkakamulat na political ng isang madre, played by Vilma Santos. Ang most memorable scene dito ay nang mamatay na si Ka Dencio (Tony Santos) and Vilma as Sister Stella exhorts the workers and also the film’s viewers to join in the struggle of the oppressed. Dito niya dineliver ang immortal na lines na patungkol din sa mapaniil na rehimeng Marcos that time: “Kundi tayo ang kikilos, sino ang kikilos? Kundi ngayon, kailan pa?”
“Miguelito, Batang Rebelde” (1985) – This is meant para maging acting vehicle para kay Aga Muhlach to shine in the title role, pero ang yumaong Nida Blanca ang siyang namukod-tangi rito sa role niya as Auring, the victim of injustice who gets separated from her infant son, Miguelito. Ang hindi malilimutang eksena rito ay nang sa wakes ay maging reunited ang mag-inang Nida at Aga after 15 years. Talagang makabagbag-damdamin ito’t naiyak kami dahil hindi piniga ni Brocka ang eksena kundi ginawa niyang very restrained and understated ang muling pagkikita ng ina. Si Nida, kahit nakatalikod dito at nagpupunas lang ng pinggan, makikita mong umaarte in character talaga.
“Kapit sa Patalim, Bayan Ko” (1985) – Another political film from Brocka na napuri sa Cannes Filmfest. Ang most unforgettable scene ay ang pagsuko ni Turing (Phillip Salvador) sa mga pulis matapos siyang masangkot sa pagnanakaw pero nauwi sa putukan at sa kanyang pagkamatay.
“Hinugot sa Langit” (1985) – Pelikula ito ni Bernal tungkol sa abortion. Si Maricel Soriano ang bida rito bilang heroine na hindi malaman kung ipalalaglag o hindi ang batang nasa tiyan niya. Pero ang nagrehistro sa amin dito nang husto ay si Amy Austria bilang best friend niyang akala mo ay happy-go-lucky, pero ‘yun pala ay very weak din. Ang di malilimutang eksena rito ay ang nervous breakdown ni Amy at nanalo siya ng best supporting actress award para sa pagkakaganap niya rito.
“Pahiram ng Isang Umaga” (1989) – A movie about death and how one prepares for it from Bernal. Si Vilma rito ay si Juliet, isang babaeng nalamang mamamatay na siya ng cancer. Ang most unforgettable moment dito ay ang kanyang death scene sa dalampasigan that celebrates the value of life. Yakap-yakap siya ng kaibigan niyang artist, played by Eric Quizon, at hanggang sa huling sandali in her white night gown at habang nagbubukang-liwayway to signal the start of a new day, ipinapahayag niyang kay ganda ng buhay.
Sa more recent years ng pelikulang lokal, ewan kung bakit kakaunti lamang ang nagrehistro sa amin. Para bang sa perception namin, the past is better, more radiant, filled with happier memories. Siguro nga ay dahil tumatanda na rin kami. Kakaunti talaga ang nagmarka sa amin, tulad ng:
“Ikaw Pa Lang ang Minahal” (1992) – Hinango ni Carlos Siguion Reyna sa “The Heiress”, ang most memorable scene dito ay ang tagpong tinalikdan ni Maricel Soriano ang lalaking pakakasalan niya, si Richard Gomez, who has betrayed her before. We still believe up to now na dapat lang na may pinanalunang best actress si Maricel sa pagkakaganap niya rito.
“Flor Contemplacion Story” (1995) – Nora Aunor in prison declaring: “I did not kill anybody.”
“Bata, Bata, Paano Ka Ginawa” (1998) – Vilma Santos saying “Wala akong ginagawang mali.” With her son Carlo Aquino shouting at her: “Akala mo lang wala, pero meron, meron meron!”
“Madrasta” (1996) – Sharon Cuneta saying to Christopher de Leon: “Tama ka, I’m just your wife. Asawa mo lang ako.”
“Tanging Yaman” (2000) Two scenes: ang tagpong nangungumunyon si Gloria Romero and she surrenders all her problems to the Lord, at ang tagpong kumakanta si Carol Banawa ng isang religious song, “Panunumpa”, narinig iyon ni Gloria na may alzheimer’s disease na, at lumabas siya dahil muli niyang nakilala ang apo niya.
“Magnifico” (2003) – Si Jiro Manio habang sinusukatan ang lola niyang si Gloria Romero para igawa ito ng kabaong.
“Bridal Shower” (2003) – Ang lovemaking scene nina Cherry Pie Picache at Alfred Vargas na pilit pinapatay ng una ang ilaw at binubuksan namang muli ng huli.
So, iyan po ang aming choices as the most memorable scenes in Philippine cinema. We’re sure kayo man ay may sarili ninyong paborito, tulad ng “You’re nothing but a trying hard second rate copycat” scene from “Bituing Walang Ningning” or “Junjun! Nasaan si Junjun?” from “Paano Ba ang Mangarap” or “Ayoko ng masikip! Ayoko ng putik!” ni Maricel from “Kaya Kong Abutin ang Langit” or “Si Val, ang kawawang si Val” ni Ate Vi from “Saan Nagtatago ang Pag-ibig”. Don’t be afraid to share it with us. You can email us at marioeb2006@yahoo.com