NAG-CLICK SA "Katorse" ang tambalan nina Erich Gonzalez at Enchong Dee kaya iginawa sila ng isang digital movie, "Paano Ko Sasabihin?", na lahok sa 2009 Cinema One Originals ng ABS-CBN. It was subsequently released theatrically dahil may commercial possibilities ito at may fans ang tambalang Enrich nina Erich and Enchong. Sinulat at pinamahalaan ni RIchard Soriano Legaspi (directorial debut niya ito), ito ay isang naiibang uri ng love story na kakaiba ang treatment sa usual romantic comedies na gawa ng film arm ng ABS na Star Cinema.
Ginagampanan ni Erich ang papel ng Ehryl, isang scriptwriter. Mayroon siyang nakababatang kapatid na pipi at bingi (Wilhelm) kaya marunong siyang makipag-communicate sa mga deaf-mute using sign language. Nais niyang matulungan ang kanyang ina na maibili ng hearing aid ang brother niyang sadyang kailangan nito. Habang nakasakay sa LRT, nakita niya ang isang binata, si Mike (Enchong Dee), habang nakikipag-usap ito sa isang batang pipi using sign language.
Inakala niyang meron din itong kapansanan kaya nakipag-usap na rin siya rito using sign language. Ang hindi niya alam, si Mike ay isang guro sa paaralan for the hearing impaired. Dahil kinausap siya ni Ehryl using sign language, inakala rin niyang ito man ay isa ring pipi at bingi. Pareho silang hindi sinabi sa isa't isa na ang totoo ay nakakapagsalita naman sila normally.
Nagkamabutihan sila at ang bawat isa ay nababagabag na ano kaya ang magiging damdamin ng other party kapag nalamang hindi pala siya totoong pipi't bingi, so nagpatuloy sila in behaving like their deaf-mutes. Pero siempre, hindi naman puedeng maging ganito sila forever kaya darating ang point na matutuklasan ng bawat isa ang katotohanan. Sa pagkakatuklas nilang nakakarinig at nakakapagsalita pala sila, ano pang mga komplikasyon ang maaaring mangyari sa pag-iibigan nila?
Actually, napakababaw ng conflict at parang puwersado at pinahaba na lang ang pagpapalalim dito sa halip na i-resolve agad. Di ba dapat ngang mas matuwa sina Ehryl and Mike nang matuklasang pareho pala silang nakakarinig at nagsasalita like normal people at wala silang anumang kapansanan? Pero sa kabila ng ilang lapses sa storytelling, mapapatawad mo na rin ang pelikula dahil nagawang dalhin ng lead characters ang kanilang respective roles in an engaging manner.
Very credible si Enchong sa kanyang pagkakaganap bilang Mike (pero malamya pa rin ang rehistro niya on screen kaya tuloy siya napagdududahang bading), pero si Erich talaga ang siyang nangibabaw rito. May laban si Erich sa mga kasabayan niyang young actresses na inilunsad din lang ng ABS (Maja Salvador, Melissa Ricks, Bangs Garcia, Andi Eigenmann, Empress Schuck) dahil may kakaibang depth ang kanyang pag-arte at kaya niyang magrehistro sa kanyang mukha at buong kaanyuan ng iba't ibang uri ng emosyon, tulad nga ng ni-require sa kanya ng role niya as Ehryl.
Dahil low budget indie movie ito (P1 milyon lang ang nakukuhang financial support from Cinema One per film project), makikita ito sa mga kakulangang teknikal ng pelikula, lalo na sa sound engineering at maging sa cinematography. All in all, though, it's not a bad start for writer-director Richard Legaspi at marami siyang magagandang touches of humor to lift up the movie, tulad ng sumakay ng taxi sina Erich at Enchong and the driver presumes na mga bingi sila kaya he starts to talk about his own experiences sa kanyang marriage and sex life. Hindi kami magtataka kung bigyan ng ABS-CBN ng chance ang direktor nito para magdirek din sa kanila ng episodes ng "Maalaala Mo Kaya" o ng teleserye before he joins their roster of directors who directs mainstream movies.