<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Sep 24, 2010

Working Girls

ANG "Working Girls" ng Viva-GMA Films, written and directed by Jose Javier Reyes, ang first mainstream movie of 2010 na di gawa ng Star Cinema who made the formulaic rom-coms "Paano Na Kaya?, "Miss You Like Crazy" and "Babe, I Love You". Bale sequel ito sa first "Working Girls" ng National Artist na si Ishmael Bernal who made the original in 1984, also produced by Viva. Noon, the girls all work in Makati. This time, iba-iba ang trabaho ng mga babae sa obra ni Joey Reyes.

Si Ada (Jennylyn Mercado) ay isang call center agent. Ang nanay niya (Rio Locsin) ay kabilang sa original Working Girls as a single mom. Si Ada ay isa ring single mom ngayon. Hindi niya pinakasalan ang ama (Biboy Ramirez) ng anak niya at ngayon ay kinumbida siya sa kasal nito with their son as ring bearer.

Pinsan niya ang nurse na si Teresa (Iza Calzado), na gustong magtrabaho sa abroad. May malungkot siyang karanasan sa pag-ibig nang bigla na lang siyang iwanan ng kanyang boyfriend (Jao Mapa). Laking gulat niya nang malamang ang pasyente niyang maymalubhang sakit (Ina Feleo) ay misis pala ni Jao.

Si Paula (Eugene Domingo) ay may asawang batugan (Antonio Aquitania) at siya ang mag-isang kumakayod sa pagbebenta ng fake bags through the internet. They have two sons na pinag-aaral niya sa Ateneo at lagi niyang kinakausap in English. Ang biyenan ni Paula ay si Gina Pareno, also part ng orig Working Girls, who now has a store selling fake bags.

Si Wendy (Cristine Reyes) ay isang promo girls na ang ambisyon ay makapag-asawa ng sosyal at mayamang lalaki. Wala siyang paki kahit ikama agad siya ng mga lalaki. Ni-reject niya si Tobs (Carlo Aquino) kahit nag-sex na sila nito dahil ang gusto niya ay mayamang abugadong si Rodney (Rafael Rosell) for whom she is just a passing fancy.

Si Marilou Cobarrubias (Ruffa Gutierrez) ay isang beauty queen who got married for convenience sa isang matandang mayaman na bigla na ngang namatay. The bulk of the man's property ay napunta sa first wife nito, si Amanda (Cherie Gil), at ang napunta kay Marilou ay isang kumpanyang nalulugi. Gagawin niya ang lahat para isalba ito at ipakita sa lahat na hindi lang siya basta beauty kundi may brains din.

Si Dara (Bianca King) ay anak ni Amanda na katatapos mag-aral ng broadcasting sa States at nagprisintang magtrabaho sa isang TV network na akala mo'y kung sinong expert who'll bring changes sa TV station. Siempre, naantipatikahan sa kanya ang mga datihan ng nagtratrabaho roon (including Mylene Dizon, Andrea del Rosario) but eventually, she's able to prove her own worth.

Si Dr. Cleo Carillo (Eula Valdes) ay isang cosmetic surgeon (patterned after Dr. Vicki Belo), na tinutuligsa ng isang woman activist, Rose Bonifacio (Maria Isabel Lopez, kasama rin sa orig Working Girls) dahil pinabababa raw niyang tingin sa mga kababaihan. Isa sa regular clients ni Dr. Cleo ay si Suzanne (Carmi Martin), na bahagi rin ng orig Working Girls, a social climber na nagkaka-edad na and resorts to cosmetic surgery para mapanatili ang kanyang youthful looks.

Sa kanilang lahat, si Eugene ang nangibabaw ng husto dahil sa kanyang comic role. Talagang binibili ng viewers lahat ng eksena niya ng pagpapatawa, lalo na ang breakdown scene niya sa ospital nang mabugbog ang mister niya at ang mga eksena nila ni Ricky Davao, ang driver niyang naging lover niyang paborito ang niluluto niyang adobong pusit. Ang eksena nila sa ulanan ay parody ng romantic movies ng Star Cinema na lagi na lang may eksena sa ulanan. Gustong-gusto rin namin si Ruffa as the beauty queen na ang funniest line ay: "Angono? May Starbucks ba dun?" Saktong-sakto rin si Cristine Reyes sa papel niya bilang mala-pokpok na babaeng easy to get. Hindi ganoon kamarkado ang roles ng iba pang girls but Iza Calzado wisely underplays her role as the nurse who learns to forgive her erring past love. Kahit sa emotional scenes niya, Iza really toned down her performance and came up a winner in the end.

Na-entertain naman kami rito sa bagong Working Girls, but siempre, the best pa rin ang original. Ang isang kakulangan ng movie ni Joey Reyes is its rushed ending. Parang bitin kasi minadali na lang ang lahat. Ang pinakabitin dito ay ang kuwento ni Ruffa. Dapat sana ay binigyan pa siya ng eksenang nakaganti siya sa mapanghamakna si Cherie Gil. Bigla na ring nag-fade out ang iba pang characters at hindi nabigyan ng mas matinong resolution ang kanilang mga kuwento. Sayang.

POST