<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Oct 14, 2010

GRAZILDA - Week 5 highlights - Oct 11 to 15

Day 1

• Sasampalin ni Cindy si Grazilda nang sabihin nito na babaero si Eric pero masaya naman si Grazilda dahil sa kanya pa rin si Eric.

• Malulungkot si Eric nang i-reject siya ni Cindy.

• Magsusumbong si Tonette kina Veronne at Cindy na naninira pala si Grazilda.

• Parurusahan ni Fairy Godmother si Grazilda dahil sa mali nitong ginagawa.

• Mawawalan ng boses si Grazilda.

• Aakalain nina Veronne na nagloloka lang si Grazilda kaya parurusahan niya ito!

Grazilda Week 4 highlights



Day 2


• Biglang darating si Fernando at ililigtas si Grazilda sa pang-aapi ni Veronne.

• Dadalhin ni Fernando sa ospital si Grazilda para ipagamot.

• Dadalawin din ni Eric si Lolo Leon dahil comatose ito.

• Namomoblema naman si Cinderella dahil walang gustong magpakasal kay Anatalia.

• Hihingi ng tawad si Grazilda kay Eric dahil sa paninira nito sa kanya.

• Malalaman ni Cindy na mayaman pala si Eric kaya papatulan niya ito.

• Worried si Grazilda dahil mukhang magkakatuluyan sina Cindy at Eric.



Day 3


• Magsususpetsa si Veronne kung malapit ang loob ni Fernando kay Grazilda.

• Magseselos si Grazilda dahil nanliligaw pa rin si Eric kay Cindy.

• Masasaksihan ni Cinderella na tila may nabubuong magandang pagtitinginan sa pagitannina Anatalia at Vicente nang makita nitong ibalik ni Anatalia kay Vicente ang ipinahiram nitong balabal.

• Magbabati na sina Eric at Lolo Leon . Pero ayaw munang ipaalam ni Eric kay Cindy na mayaman siya.

• Pagbabawalan ni Cinderella si Vicente na makita si Anatalia. Gustong subukin ni Cinderella kung tapat ang pag-ibig nito sa stepsister niya.

• Muntik nang mapatay ni Grazilda si Cindy sa panaginip kaya gagawa siya ng paraan para hindi ito magkatotoo.

• Sasaktan ni Cindy si Grazilda. Alam na nito na may gusto pala talaga si Grazilda kay Eric!



Day 4

• Muntik nang mahuli ni Eric si Cindy na sinasaktan si Grazilda.

• Iimbestigahan ni Veronne ang tunay na pagkatao ni Grazilda.

• Bibisitahin ni Cindy si Eric sa kanilang bahay. Masaya naman si Eric dahil ipapakilala na niya si Cindy kay Lola Tisay.

• Magpapaganda naman si Grazilda. Pupunta rin siya sa bahay nina Eric para siya ang mapansin nito.

• Magugulat naman si Eric dahil sa biglang pagdating ni Grazilda. Ang ganda-ganda kasi nito!

• Windang si Grazilda nang halikan ni Cindy si Eric sa harap niya!



Day 5


• Selos na selos si Grazilda. Sinagot na kasi ni Cindy si Eric.

• Tuwang-tuwa naman si Eric nang sagutin siya ni Cindy. Ang hindi niya alam, yaman lang naman ang habol ni Cindy sa kanya.

• Magkukunwari si Cindy na gusto niya pa rin si Eric kahit mahirap na ito.

• Muntik nang makulong si Grazilda dahil kay Veronne. Buti na lang ay dumating si Fernando.

• Mapipilitan si Grazilda na pikutin si Eric para magkatuluyan silang dalawa. Mahal niya kasi si Eric at ito lang ang paraan para makabalik siya sa Fantasya.

• Maglalasing sina Grazilda at Eric.

• Mawiwindang si Lola Tisay nang makita sina Grazilda at Eric na magkasamang tulog at nakahubad pa!

Grazilda Week 4 highlights

POST