<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Oct 20, 2010

KRIS AQUINO AND HER BEDDINGS AND LINEN COLLECTION

Isa si ‘Queen of All Media’ Kris Aquino sa mga big stars na tinitingala ng marami. Sa sobrang sikat, bawat galaw, salita at maging ang mga lugar na pinupuntahan niya ay minamarkahan at madalas ay ginagaya pa! At kung isa ka sa mga loyal fans ni Kris, ito ang isang good news dahil maaari mo nang ma-experience matulog sa bedroom niya!

Kamakailan ay ni-launch ni Kris ang pinakabagong designs ng kanyang K Everyday beddings and linen collection na perfect sa lahat ng pamilyang mahilig mag-bonding sa kanilang bedroom.

Ayon kay Kris, ang kanyang beddings and linen collection ay sulit na sulit para sa mga consumers dahil bukod sa affordable, stylish at functional pa ito. Higit opang nagging especial ang mga items dahil ang designs, kulay at overall look ng K Everyday beddings and linen collection ay personal na pinili ni Kris para masigurong magugustuhan ito ng mga gagamit.

Exclusively manufactured ng Dakki, mabibili na sa assorted sizes ang mga unan, bedsheets at comforters ng K Everyday beddings and linen collection. May plain and printed designs ang mga items.

Mabibili na ang K Everyday beddings and linen collection sa SM Homeworld section ng SM department stores nationwide.

POST