<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Oct 18, 2010

SA’YO LAMANG

ISA SA crowning glories ni Laurice Guillen as a filmmaker ay ang 2000 family film na ‘Tanging Yaman’, which understandably won many awards. Now, 10 years later, she comes up with another tearjerking family drama, “Sa’Yo Lamang”, na ang titulo, just like ‘Tanging Yaman’, ay hango rin sa isang religious song na inaawit sa misa. Ginamit na rin ng Regal ang titulo at kantang ito before in a movie starring Richard Gomez and Aiko Melendez directed by Maryo de los Reyes.

Ang kuwento ng movie ni Laurice, as written by Ricky Lee, ay umiikot sa Pamilya Alvero na pinamumunuan ng inang si Amanda (Lorna Tolentino). Ang apat niyang anak ay sina Diane (Bea Alonzo), Coby (Coco Martin), James (Enchong Dee) at Lisa (Miles Ocampo). Sa araw na pinabe-bless nila ang bago nilang bahay ay bumalik ang husband ni Amanda na si Franco (Christopher de Leon), na ten years ago ay iniwan sila dahil sumama sa ibang babae. Ngayon ay humihingi ito ng patawad.

Natuwa sina Coco, Enchong at Miles sa pagbabalik ng ama nila, pero ang panganay na si Bea ay galit at very bitter sa amang umabandona sa kanila noong 15 years old lang siya. Dahil siya ang panganay, siya ang naging katulong ni Amanda sa pagtataguyod sa kanyang mga kapatid as breadwinner at di niya matanggap na titira sa bago nilang bahay ang ama niya dahil siya ang nagpakahirap na maitayo ang bahay na iyon.

Sa ganitong uri ng family drama, natural lang asahan ang madamdaming confrontation scenes na puno ng sumbatan at sigawan. Yung mga mahihilig sa ganung eksena ay hindi mabibigo dahil siniguro ni Laurice Guillen na very florid ang mga tauhan in expressing their emotions, kasama na si Lorna na dati ay mas sanay sa restrained type of acting.

Ang maganda sa movie ay taong-tao ang mga tauhan: flawed at hindi perpekto, just like the rest of us mortals na may kanya-kanyang kahinaan. Sa una, aakalain mong si Lorna ay matiisin at mapagpatawad na ina. But later on, a shocking secret will be revealed dahil siya pala ang unang nagkasala at ang proof nito ay ang character played by Empress Schuck. May quiet moments din si Lorna na very effective siya, like ang scene with Empress where she asked for water at ang nakakaantig na tagpo nila ni Boyet de Leon sa may Taal Volcano. She is matched all the way by Boyet as the remorse-stricken dad na sa simula ay hirap na hirap sa gagawing paga-adjust sa binalikang mga anak. It’s nice to see them working together again after their past memorable films, notably yung “Maging Akin Ka Lamang” ni Lino Brocka na nagbigay kay LT ng una niyang best actress awards in 1987 at “Sa Ngalan ng Pag-ibig” ni Maryo de los Reyes for which we felt Lorna should have won an award.

But “Sa’Yo Lamang” is really meant to project Bea Alonzo as a lead drama actress of top calibre. Bilang palabang anak na sumasambulat ang emosyon sa amang sinisigawan at minumura-mura niya, all stops are pulled ang klase ng acting niya rito. Dominante siya pati sa mga nakababata niyang kapatid na ang mga buhay ay gusto rin niyang ikontrol. Pero siempre, sa kabila ng kanyang matigas na facade, may moments na bumibigay si Bea lalo nang malaman niya ang tunay na kalagayan ng kanyang ina at ang breakdown scene niya sa paring kaibigan ng family nila (Dominic Ochoa).

Marami pang magandang moments at highlights si Bea, pati na sa kanyang dati niyang kasintahan (Diether Ocampo) na mahal pa rin niya kahit engaged na siya sa bagong boyfriend niya (Zanjoe Marudo) na handa siyang ipaglaban. Bea also has very mature love scenes with Diether, lalo na nang siya ang pumunta sa bahay nito at nag-initiate na lovemaking nila.

Sa iba pang anak, si Enchong ang hindi nagpahuli in his quiet dramatic moments with Boyet nang mag-confide siya ritong mahirap lumaki nang walang ama. Pero mas attention-getting ang role ni Coco bilang rebeldeng anak na galit sa mundo at pasaway. Womanizer pa siya at nabuntis ang nobyang si Shaina Magdayao na kawawa ang character dito lalo nang nakikitira na siya kay Coco. Nagawa naman ni Shaina na believable ang sarili in a deglamorized role.

All in all, hindi kasinlakas ang impact ng “Sa’Yo Lamang” na gaya ng sa “Tanging Yaman” with its spiritual insights, but the film remains to be a very touching family movie na binibigyang importansiya ang kabuluhan ng pamilya sa bawat isa sa atin at ang katuturan ng love, acceptance and forgiveness among family members. Considering na mabibihira na ang gumagawa ng ganitong movies ngayon na seryosong drama at puro romantic films lang ang output ng Star Cinema, this is already a cause for rejoicing. Isa ito sa three best films namin so far this year after “Emir” ni Chito Rono at ang wacky comedy na “Here Comes the Bride” ni Chris Martinez.

Download Mp3


POST