<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Nov 20, 2010

Bantatay Highlights Week 9 - November 19 to 25

Friday (November 19)

Ngayong reunited na si Bantay at ang mga anak niya, balik na naman ang mga bata sa paghahanap ng matutuluyan. Magde-desisyon si Artie na dalhin silang lahat kina Norbert—at magkakasama-sama nang muli ang mga bata at si Joanna!

Magkakaayos na sina Emily at Joanna, pero may problema pa rin sila: alam nina Daisy ang tungkol sa pagtuloy ng mga bata noon kay Norbert. Kaya ngayon, kailangan nilang mag-isip ng paraan kung paano nila mapapaniwala ang mga kamag-anak na hindi na sila doon nakatira!

Mabibisto ba ang mga bata sa gagawin nilang panlilinlang?

Samantala, magtatampo si Bantay kay Joanna dahil sa pagpapasara nito ng kanyang third eye. At unti-unti namang mag-uungkat si Marcela sa nakaraang hindi niya maalala.

Bantatay Highlights Week 8 - November 11 to 17

Monday (November 22)

Ngayong nahuli na nina Daisy ang mga bata sa bahay nina Norbert, hindi na niya ito tatantanan hangga't hindi niya nakukuha ang photo album na naglalaman ng lotto ticket! Malalaman na ba nina Emily ang tunay na dahilan ng paghabol sa kanila ng mga kamag-anak?

Magkakaroon na rin reunion si Artie at Lenlen kapiling ang ina—at babalik na sila sa poder nito!

Sa bahay nina Simon, pipiliin na ni Marcela na ibaling ang atensyon sa mga kinikilalang anak. Habang si Calvin naman ay magpapakita na ng tunay ng pagkatao matapos malamang lumipat na sina Joanna nang hindi nagsasabi sa kanya.

Samantala, matapos mabuking nina Daisy, magdedesisyon si Norbert na ilipat na ng bahay ang mga bata—na siyang magiging dahilan para magipit siya sa pera. Pero si Bantay, may idea para makatulong kay Norbert!

- Gagawa ulit ng paraan sina Daisy para makuha ang photo album sa mga bata!

- Aalamin ni Emily kung bakit gustung-gusto makuha ng tiyahin ang kanilang photo album.

- Magkakabati na rin sina Artie at Lilian; babalik na sina Artie at Lenlen sa bahay ng ina!

- Magde-desisyon si Norbert na ilipat na nga talaga ng bahay ang mga bata.

- Maiinis si Calvin nang malaman na wala na si Joanna sa tinutuluyan.

- Pipiliin na ni Marcela na mag-focus sa mga anak na kasama niya ngayon: sina Anne at Calvin.

- Maghahanap ng paraan sina Emily para makatulong sa mga gastos ni Norbert.

- Malalaman ni Bantay ang tungkol sa isang dog show! Gusto niyang sumali rito!

- Makikilala na sa wakas ni Joanna ang multong sunod ng sunod sa kanya!

- Note: Magra-rap si Artie sa episode na ito, bilang barker sa isang jeepney terminal.



Tuesday (November 23)

Magsisimula na ang Dog Olympics—pero kailangan munang ipalista nina Emily si Bantay sa registration! Ang kaso, may ibang pagkakaabalahan si Bantay dahil makakasama nito si Marcela sa grounds kung saan ginaganap ang Dog Olympics!

Pipiliin ni Joanna na hindi muna sabihin kay Emily at sa mga kapatid nito ang tungkol sa pagmumulto ni Bernard. At magdedesisyon siya na ipabukas muli ang kanyang third-eye kay Simon!

Samantala, makakaharap naman nina Emily at Farrah ang bratinellang anak-anakan ni Marcela sa Dog Olympics. Makikita nab a ng mga bata ang kanilang matagal nang nawawalang ina?


- Pipiliin nina Joanna at Mingming na hindi muna sabihin kina Emily ang tungkol sa pagmumulto ni Bernard—hanggang sa mabuksang muli ni Joanna ang third eye niya.

- Sina Emily magiging busy sa pagsali sa isang Dog Olympics—kung saan gagamitin nila ang premyong maaaring mapanalunan para makatulong sa mga gastos ni Norbert!

- Makakaharap ng magkapatid na Emily at Farrah si Anne sa Dog Olympics!

- Si Daisy, hindi pa rin madadala sa kahahabol kina Emily. Pero sa pagkakataong ito, they're about to get a taste of their own medicine!

- Makikita naman ni Bantay si Marcela sa grounds kung saan ginaganap ang Dog Olympics—maituro niya kaya ang mga anak niya dito?



Wednesday (November 24)

Matapos ng grand entrance ni Bantay na makapagpapasok sa kanya sa Dog Olympics, magiging busy sina Emily, Junix at Farrah sa paghahanap ng tricks na puwedeng gawin ni Bantay!

Patuloy naman ang pagpapainom ni Simon kay Marcela ng gamot na makapagpipigil sa pagbalik ng mga alaala nito. Pero lalapit si Marcela sa isang dream interpreter para tulungan siyang alamin ang mga ibig sabihin ng mga panaginip niya.

Samantala, excited na si Joanna malaman kung gumana nga ang muling pagbubukas ni Simon sa third-eye niya. Pero sa kanyang pagdating sa grounds ng Dog Olympics, malalagay ang kanyang buhay sa peligro!


- Malalaman ni Joanna kung nagtagumpay ba o hindi ang muling pagbubukas ni Simon sa kanyang third-eye.

- Gagawa ng grand entrance si Bantay para makahabol sa registration ng Dog Olympics!

- Patuloy ang pagpapainom ni Simon kay Marcela ng mga gamot na makapagtatago ng mga totoong alaala ni Marcela sa kanyang utak.

- Mag-iisip sina Emily ng mga tricks na puwedeng ipagawa kay Bantay para makatulong sa kanya sa contest.

- May lalapitan si Marcela na magbibigay liwanag sa kanyang mga panaginip.

- At malalagay sa peligro si Joanna dahil kay Spike, ang alaga ni Anne!



Thursday (November 25)

Dadalhin na sa isang ospital si Joanna, kung saan titindi ang rivalry nina Calvin at Norbert para sa dalaga.

Sa Dog Olympics, magkakalabang muli sina Spike at Bantay! Magpapakitang gilas si Spike sa kanyang pagtapos ng isang obstacle course; pero si Bantay madudulas! Talo na ba si Bantay?

Patuloy ang mga tanong na gumugulo sa isip ni Marcela, patungkol sa mga alaalang hindi raw nangyari—ayon kay Simon.

Pagkatapos ng Dog Olympics, agad nang pupunta sina Emily para damayan si Joanna sa ospital—at malalaman ni Joanna na nakakakita na siyang muli ng mga multo! Makikita na ni Joanna si Bernard!


- Dadalhin na si Joanna sa ospital, at aakuin ni Calvin ang bills nito na ikaseselos ni Norbert.

- Titindi ang kumpitensya sa pagitan nina Bantay at Spike!

- Sa isang laban, magpapakitang gilas si Spike at madudulas naman si Bantay!

- Hindi matanggal ni Marcela ang isip niya sa mga batang nakikita niya sa panaginip.

- Muli nang makakakita ng mga multo si Joanna—at makikita na niyang muli si Bernard!

Bantatay Highlights Week 8 - November 11 to 17

POST