<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Nov 3, 2010

Bantatay Week 7 Highlights – November 4 to 10

DAY 1 November 4 - Thursday

Ililigtas sana nina Emily, Artie at LenLen si Junix mula kay Kanor pero mahuhuli sila nito. Magkakasama silang ikukulong nina Kanor at Pilo, at pagta-trabahuhin sila sa ranch. Magre-reconcile ang magkapatid na Emily at Junix, kita ang pagmamahal nila sa isa’t-isa habang pinipili nilang akuin ang hirap at sakit ng sitwasyon for the other.

Patuloy na nanggagamot si Bantay ng iba pang pets, at makikilala niya si Lian the Puppy. Nawalay ito sa kanyang ina. Maaalala din ni Bernard ang kanyang mga anak habang tinutulungan si Lian na hanapin ang kanyang ina.

Nag-aadjust pa si Joanna sa kanyang paningin, nakaalalay sa kanya sina Norbert at MingMing, pati na rin ang bago niyang kaibigan na si Calvin, ang anak ni Simon. Magsisimulang makakita si Joanna ng mga kaluluwang gumagala, pero hindi niya alam na patay na ang mga ito. Pinagtatakahan pa ni Joanna kung bakit hindi siya kinakausap ng mga nakakasalubong niya.

Matutuklasan naman ni Farrah ang tungkol sa anak ni Madel na si Samantha at ang pagkakahawig niya dito. Malalaman ni Madel ang pangingialam ni Farrah at sa unang pagkakataon, sasaktan niya ang bata.

Bantatay Week 6 Highlights


DAY 2 November 5 - Friday

Gagawin ni Emily ang mga trabaho sa rancho na para kay Junix hanggang sa pati siya ay halos magkasakit na. Mag-aalala sina Junix sa kanya, kaya bubuo ng plano si LenLen para makatakas sila sa poder ni Kanor.

Tila natauhan si Madel sa pananakit kay Farrah at susubukan niyang bumawi dito. Gusto niyang kalimutan ni Farrah ang kanyang mga kapatid para tuluyang mapalapit ang loob nito sa kanilang mag-asawa.

Nakikita pa din ni Joanna ang mga kaluluwa without realizing na multo ang mga ito. Isa sa mga magpapakita sa kanya ay si Anicia, ang pinagmulan ng kanyang mata. Magsisimula nang magtaka si Joanna na walang ibang nakakakita sa mga taong sinusubukan niyang kausapin.

Patuloy na tinutulungan ni Bantay si Lian the Puppy hanggang sa makita nga nito ang kanyang ina. Pero mapapahamak si Bantay sa pagliligtas kay Lian at sa mommy nito, mapipilayan siya. Maghahanap ng paraan ang ibang mga aso para matulungan si Bantay, lalapit sila sa isang veterinarian, si SHEILA (Claudine Baretto).

DAY 3 November 8 – Monday

Dadalhin ni Doc Sheila si Bantay sa kanyang klinika at gagamutin ito. Kailangang pagalingin ni Bantay ang kanyang fractured leg kaya mananatili siyang kasama ni Doc Sheila. Malalaman ni Bantay from Jaya na kasama nga ni Sweet si Farrah pero hindi naman niya ito mapuntahan dahil injured siya. Habang kasama niya si Sheila, malalaman ni Banta yang malungkot na buhay nito matapos silang magkahiwalay ng kasintahang si Dexter.

Malalaman ni Bantay from Twinkle, Dexter’s dog, na malungkot din ang lalaki sa paghihiwalay nila ni Sheila.

Pinagpa-planuhan na ni Madel ang pagdala kay Farrah sa States para doon sila magsimula muli bilang pamilya. Ililihim nina Madel at Rember kay Farrah na permanente ang pagtira nila sa US , sasabihin lang nila sa bata na magbabakasyon sila doon.

Magsisimulang matakot si Joanna sa mga nakikita niyang bagay na hindi niya maipaliwanag. Naghihinala na siya na kakaiba ang mga taong nakikita lang niya pero hindi sumasagot kapag tinatangka niyang kausapin.

Sisimulan na nina Emily, Junix, Artie at nang iba pang bata ang planong pagtakas sa pangunguna ni LenLen. Gagamit sila ng kung ano-anong pang-camouflage sa sarili para hindi mahuli nina Kanor at Pilo ngunit hindi sila agad magtatagumpay. Kailangan nilang iligtas ang isa’t-isa mula sa galit ni Kanor!

DAY 4 November 9 – Tuesday

Isasangguni ni Joanna kay Calvin ang kanyang problema mula nang magsimula siyang makakakita. Tutulungan siya ni Calvin na tuklasin kung kanino galing ang mga mata niya. Malalaman ni Joanna na si Anicia ang kanyang donor, at na may kakayahan itong makakita ng mga kaluluwa ng mga yumao na. Lalong matatakot si Joanna.

Sa wakas ay makakatakas din sina Emily, Junix, Artie, LenLen and the other kinds mula sa kalupitan ni Kanor. Makikituloy sila sa bahay ni Tandang Zita kung saan ihahabilin nila sina Tadyak the Horse at ang mga bata. Magpapaalam na sina Emily, Junix, Artie at LenLen para hanapin si Farrah.

Susubukang takasan ni Farrah si Madel pero mahuhuli siya nito. Magwawala muli si Madel dahil ayaw sumama ni Farrah sa States,kaya ikukulong niya sa kwarto ang bata. Obsessed na si Madel sa idea ng pagkakaroon ng anak. 


Gumagaling na si Bantay sa piling ni Sheila, at maiisipan pa ng vet na angkinin na lang ang aso pero maiisip niyang tiyak na mayroong nagmamay-ari kay Bantay. Maaawa si Bernard sa loneliness ni Sheila at maiisip niyang tulungan muna siyang para magkalapit silang muli ni Dexter bago niya ito tuluyang iwan.

DAY 5 November 10 – Wednesday

Magtatagumpay sina Bantay at ang iba pang pets sa pagtulong kina Sheila at Dexter na magkalapit muli. Iiwan na ni Bantay si Sheila para ipagpatuloy ang paghahanap sa mga anak niya.

Babalik sina Emily, Junix, Artie at LenLen sa ampunan ni Madame Alma na may kasamang mga pulis. Ipapasara na ang ampunan dahil sa nalamang kalupitan ni Madame Alma sa mga bata. Mula dito, malalaman nina Emily at Junix kung nasaan si Farrah.

Pero wala na sina Farrah sa bahay ni Madel nang matunton ito ng magkapatid. Desidido na si Madel na isama si Farrah sa States. Malalaman nila Emily at Junix na nasa airport si Farrah kaya hahabulin nila ito doon.

Malalaman din ni Bantay na dadalhin na sa States si Farrah from Sweet pero makikita ni Norbert si Bantay at pipilitin itong umuwi kay Joanna. Hihingin ni Banta yang tulong ng mga natulungan niyang animals para pigilan ang pag-alis nina Farrah.

Sa airport, susubukang habulin nina Emily at Junix si Farrah pero hindi nila ito makita sa laki ng lugar. Nagkakasalisihan ang magkapatid. Kita kay Farrah na ayaw niya talagang umalis kasama sina Madel at Rember pero wala siyang magawa. Makikita naman ni Max, the K9 dog, si Farrah pero hindi niya agad ito makikilala bilang anak ni Bantay at lalagpasan niya pam ito! Paano pa magkikita ang magkakapatid ngayon?!

Selos naman si Norbert dahil palaging si Calvin na ang kasama ni Joanna, tinutulungan kasi ito ni Calvin na makahanap ng paraan para matigil ang pagkita niya sa mga kaluluwa ng patay. Sa huli, wala pa ding solusyon si Joanna sa kanyang problema, at makikita niya pa ang kaluluwa ni Bernard na kasa-kasama ni Bantay! Matatakot si Joanna ng husto! Gulat din si Bernard: may nakakakita na sa kanya!

Bantatay Week 6 Highlights

POST