<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Nov 3, 2010

Beauty Queen Week 3 Highlights – November 1 to 5

Monday (November 1)

Muling nagkrus ang landas nila Maita at Marc. Mas agresibo na si Marc ngayon na kilalanin pa si Maita pero mailap pa din ang dalaga. Nabalitaan na din ni Rebecca na may kakumpetensya siya sa pagtingin ni Marc at mukhang hindi uurong sa laban si Rebecca, wala siyang kamalay-malay na ang babaeng ito ay walang iba kundi ang kaibigan niyang si Maita.

Plano na rin sanang magtapat ni Dante ng pag-ibig nito sa kaibigan niyang si Maita. Mauudlot ito sa pagdating ni Marc sa palengke na pursigidong sinusuyo si Maita.

Uurong si Dante at magpaparaya ng pagmamahal kay Maita. Marc will experience the world of Maita sa palengke. Dito magsisimula ang mas malalim nilang pagkakakilanlan. Kasunod nito ay ipapakilala naman ni Marc ang kanyang mundo sa Palengke Queen na si Maita.

Lalong lalabas ang kagandahan ni Maita matapos siyang paayusan ni Marc. Buhay Reyna si Maita sa pagdala sa kanya ni Marc sa isang spa sa Maynila. Wala silang kamalay-malay na nandito rin si Rebecca. Magkaalaman na kaya ng lihim ang magkaibigang Rebecca at Maita.

Beauty Queen Week 2 Highlights

Tuesday (November 2)

Enjoy na enjoy si Maita sa treat ni Marc sa kanya. Gayundin ay amuzed si Marc sa amazement ni Maita. Sa ladies room ay magkakasalisihan si Maita at Rebecca.

Hindi nagtagal ay mamamataan na rin ni Rebecca si Marc. Malalaman ni Rebecca na may date si Marc at nais niyang makita nang personal ang babaeng kakumpetensiya niya.

Gayunpaman, bigo si Rebecca na makaharap ang babaeng kinahuhumalingan ni Marc. Hindi pa rin susuko si Rebecca at lalong magngingitngit na makilala ang kanyang kakumpetensiya.

Samantala ay patuloy na naiinggit si Dorcas sa magandang pagkakaibigan ng kanyang kapatid na si Rebecca at si Maita. Ipapakilala na nga ni Rebecca si Maita kay Dorcas at mas lalo lang lumalim ang selos ni Dorcas sa kaibigan ni Rebecca na si Maita.

Mabubunyag na sa wakas kay Maita ang katauhan ng lalaking iniibig ng kanyang kaibigang si Rebecca. Laking gulat ni Maita matapos malaman na ito din ay ang lalaking tinitibok ng kanyang puso. Si Marc Sandoval!

Wednesday (November 3)

Hindi maatim ni Maita na kumpetensiyahin si Rebecca sa pagmamahal ni Marc Sandoval. Dahil na din sa kabutihang ipinakita ni Rebecca kay Maita ay itatatwa na ni Maita sa sarili ang lalaking kanyang iniibig at magpaparaya para sa kaibigang si Rebecca.

To the rescue naman si Dante sa malungkot na si Maita. Wala mang lakas ng loob si Dante ay ipaparamdam niya kay Maita ang pagmamahal na pinili niyang ilihim sa kaibigan noon pa man.

Samantala, akala ng lahat na mabuti na ang kalagayan ni Amparo lalo na at malayo na si Maita sa kanya. Aatakihin si Amparo ng pananakit ng kanyang atay. Alalang alala naman si Anya sa sinapit ng kawawa niyang hipag.

Kahit na hindi pa rin nawawala ang pagkamuhi ng ina ay gagawa ng paraan si Maita upang mabigyan ng gamot si Amparo. Rebecca helps Maita again to get free medicine thru her connections. Grateful si Maita sa tulong na ibinigay ng kaibigan pero hindi naman magugustuhan ni Leavida ang umuusbong na pagkakaibigan ni Maita at Rebecca. Lalaitin ni Leavida si Amparo sa harap ni Maita. Ipagtatanggol ni Maita ang kanyang ina subalit siya ang mapapahamak. Maitutulak siya ni Leavida na magiging sanhi ng pagdugo ng kanyang ulo.

Walang magagawa si Rebecca upang tulungan ang kaibigan sa utos na din ng kanyang ina. Dadalhin ni Maita ang sarili sa ospital subalit mabilis na kakalat ang balita ng nangyari sa munisipyo. Malalaman ito ni Marc at alalang-alala na dadalawin ni Marc si Maita sa ospital.

Isang sampal naman para kay Amparo ang pananakit ni Leavida kay Maita. Susugurin ni Amparo si Leavida matapos mabalitaan ang panliliit ni Leavida kay Maita.

Gulat naman si Marc sa reaksyon ni Maita matapos silang muling magkita. Itataboy ni Maita si Marc. Hindi maipaliwanag ni Maita ang lahat pero hindi agad susuko si Marc kay Maita. Yayakapin niya ito at hahalikan patunay ng tunay niyang nararamdaman para sa dalaga. Hindi nila napansin na ang eksenang ito ay nakunan ni Dorcas at Stef.

Thursday (November 4)

Isang sampal ang ganti ni Maita sa mga halik ni Marc. Guilty si Maita sa nangyari at tuluyan na niyang iiwasan si Marc para sa kanyang kaibigan.

Matapos ang pagsugod ni Amparo kay Leavida ay si Maita naman ang napagbuhusan ng galit ng kanyang ina. Kahit na siya na ang naagrabyado ay sinisi pa din Amparo ang pakikipagkaibigan ni Maita kay Rebecca.

Hindi duon natapos ang iringan ng mga beauty queen ng nakaraan. Ipapahuli ni Leavida si Amparo sa pulis matapos ang panunugod nito sa kanya.

Hindi naman maintindihan ni Marc ang biglaang paglayo ni Maita sa kanya. Sa kabilang banda, nagkaroon ngang muli ng pag-asa si Dante sa pag-ibig ni Maita pero natorpe pa din siya na aminin sa kaibigan niya.

Matapos makulong ni Amparo ay muling mangangailangan si Maita ng pera upang ipangpyansa ang ina. Buong puso namang mag-aalok si Rebecca kay Maita ng pampyansa kay Amparo. Kahit na may guilt sa kaibigan ay lulunukin ni Maita ang natitirang pride at tatanggapin niya ang pangakong tulong ni Rebecca.

Bago pa man maibigay ni Rebecca ang pera kay Maita ay makikita na niya sa wakas ang babaeng kinahuhumalingan ni Marc. Hindi makapaniwala si Rebecca ng malaman na karibal niya kay Marc ang kaibigan niyang si Maita at imbis na perang pampyansa ang salubong ni Rebecca ay masasampal niya si Maita!

Friday (November 5)

Pakiramdam ni Rebecca ay tinraydor siya ng matalik niyang kaibigan na si Maita matapos niyang malaman na inilihim nito sa kanya ang tungkol kay Marc. Kahit na magpaliwanag si Maita na nilayuan na niya si Marc ay hindi naman siya magawang paniwalaan ng kaibigan. Magkakapisikalan ang dalawa at magkakalamat na ang pagkakaibigan nila Maita at Rebecca.

Samantala muling susuyuin ni Marc si Maita upang maliwanagan sa biglaang pagbabago nito pero matigas pa rin si Maita at ipagtatabuyan niya si Marc.

Muling hahanap ng paraan si Maita upang mailabas ang ina sa kulungan. Dahil wala na ang pinangakong tulong ni Rebecca ay sasali si Maita sa isang Bikini Open sa pag-asang manalo ng pera pampyansa kay Amparo.

Iimbitahan naman si Rebecca na maging isa sa mga judges sa bikini open na sasalihan ni Maita pero malagpasan kaya ni Maita ang sarili at gawin ang mga bagay na hindi siya sanay para sa kanyang inay?

Beauty Queen Week 2 Highlights

POST