<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Nov 5, 2010

Beauty Queen Week 4 Highlights - November 8 to 12

Monday (NOVEMBER 8, 2010)

Wala na ngang nakapigil kay Maita sa pagsali sa Bikini Open. Kahit si Dante (Luis Alandy) na protective sa kanyang kababata ay hindi magawang pigilan ang kaibigan. Nilabanan na nga ni Maita ang takot at binilad niya ang kanyang katawan upang makapasa sa screening sa pag-asang manalo at makakuha ng pera pampyansa kay Amparo na nasa kulungan.

Gayunpaman ay hindi pa rin na-appreciate ni Amparo ang effort ni Maita kaya sabunot at masasakit na salita ang ganti niya sa anak. Samantala hindi naman makakasali si Clifford (Marky Lopez) sa Bikini Open. Hindi naman makakapayag si Dante na mag-isang lumaban si Maita kaya’t siya ang papalit kay Clifford upang maging kapareha ni Maita sa contest.

Wala na ngang urungan para kay Dante at Maita. Simula na ng pagandahan ng katawan at palakasan ng sex appeal sa Bikini Open ng Barrio Pasan.

Manalo kaya sina Rebecca at Dantes gayong isa pala sa mga judges si Rebecca?

Beauty Queen Week 3 Highlights

Tuesday (NOVEMBER 9, 2010)

Tagumpay si Rebecca na ipahiya si Maita sa lahat ng mga nanonood subalit hindi dito nagtapos ang pagtutuos ng dating magkaibigan. Sa backstage, ay mapipika si Maita kay Rebecca matapos niyang lait-laitin si Amparo. Maitutulak ni Maita si Rebecca!

Matapos ang away nila Maita at Rebecca ay nawalan na rin si Maita ng pag-asa na manalo at makuha ang pera na pampyansa kay Amparo. Kahit deserving na manalo si Maita ay makakagawa si Rebecca ng paraan para matalo ito.

Malungkot na ibinalita ni Maita sa kanyang ina ang pagkatalo niya sa Bikini Open. Mas lalong nagalit si Amparo kay Maita matapos mawalang saysay ang pagbibilad ng katawan nito. Sa matinding oras ng pangangailangan ni Maita na mailabas ang ina sa kulungan ay darating si Marc Sandoval subalit iiwas pa din si Maita kay Marc.

Hahanap ng paraan si Dante upang matulungan si Maita sa kanyang problema. Malaki naman ang pasasalamat ni Maita sa tulong ng kaibigan subalit laking gulat niya ng maabutan ang ina na nakalaya na.

Sino kaya ang tumulong kay Amparo para makalaya ito? Di Dante na napatunayan na ang pagiging tapat na kaibigan niya kay Maita o si Marc na tila umiibig na talaga kay Maita?


Wednesday (NOVEMBER 10, 2010)

Hindi in-accommodate ni Maita ang proposal ni Marc. Kahit malaki ang pasasalamat ni Maita kay Marc sa pagtulong nito kay Amparo ay iniwasan pa din niya ito.

Malungkot naman si Marc sa pagtanggi ni Maita sa pagmamahal niya. Hindi na makakatakas si Marc sa kanyang inang si Madamme Yuri na dinayo pa siya sa bayan nila Maita.

Handa si Dante na magparaya matapos niyang malaman na may namumuong pagtitinginan sila Maita at Marc pero hindi pa rin niya magawang iwasan si Maita. Mapapaaway si Dante matapos muling may mambastos kay Maita at pagkatuwaan ang pagsali nito sa Bikini contest.

Gagamutin ni Maita ang mga pasa ni Dante na natamo niya sa suntukan. Hindi sinasadyang magkakalapit ang magkaibigan at tila matutuloy sa halikan. Magkikita rin sa isang club sa Maynila sila Rebecca at si Marc na umiinom matapos ma-busted ni Maita.

Saan kaya mauwi ang mas lalong nagiging espesyal na pagkakaibigan nina Maita at Dante? Mahulog kaya sa bitag ni Rebecca si Marc?




Thursday (NOVEMBER 11, 2010)

Sa pag-gising ni Marc ay matatauhan siya sa kanyang nagawa. Tatakasan niya si Rebecca. Gulat naman si Rebecca matapos malaman ang pag-alis ni Marc. Mas titindi lang ang galit niya matapos niyang marinig mula kay Marc na mahal pa rin nito si Maita. Susugurin ni Rebecca si Maita upang kumprontahin. Makakaharap ni Rebecca si Amparo.

Gayundin ay magku-krus ang landas nila Marc at Dante. Magkakainitan ang dalawang lalake at magkakasakitan.

Mababallitaan naman agad ni Maita ang eksena sa bahay ng kanyang ina. Madadatnan niyang nakaamba si Rebecca kay Amparo para hambalusin ng baseball bat. Madali niyang sasabunutan si Rebecca at magsasabong na nga ng tuluyan ang dating magkaibigan.

Mapapagitnaan naman ang dalawang magkahiwalay na sabong. Buwisit na alis si Marc sa palengke matapos siyang mapagbuntungan ng galit ni Dante. Umurong naman si Rebecca kay Maita. Hindi doon tinapos nila Rebecca at Leavida ang lahat. Isang maitim na plano ang bubuuin nila upang madispatsa si Maita.

Sasadyain si Maita ni Guada, ang organizer ng Bikini Open. Sasama naman si Maita sa kanya matapos magpangako ng pera basta daluhan lang nila ang isang event na pinupuntahan ng mga nanalo sa contest.

Ano ang maitin na balak na nag-aabang kay Maita? Makaligtas kaya si Maita sa panganib na ito?



Friday (NOVEMBER 12, 2010)

Magtatagumpay si Marc na iligtas si Maita mula sa mga manyakis na Arabo. Sa kalagitnaan ng eksena ay mapupuruhan si Marc. Matapos mapatunayan ni Marc ang pagmamahal niya kay Maita ay si Maita naman ang magpapahayag ng pagmamahal niya para kay Marc.

Buwisit naman sila Leavida sa pagpalpak ng plano nila. Interesado din si Rebecca sa napabalitang lalaki na nagligtas kay Maita. Dadalhin naman ni Maita si Marc sa ospital at buong puso niyang panalangin na maayos ang kalagayan ng kanyang pinakamamahal.

Wala namang sinayang na oras si Virgilio at natungo siya sa bahay ni Maita matapos malaman ang plano ng kanyang mag-ina. Maaabutan niya si Amparo. Sa muling pagkakataon ay magkakaharap silang muli bitbit pa rin ang lihim ng nakaraan.

Makakarating agad sa ina ni Marc ang nangyari sa kanyang anak. Agad na pupuntahan ni Madamme Yuri si Marc sa ospital. Laking gulat niya nang madatnan si Maita dito. Ano kaya ang gagawin ni Madamme Yuri kay Maita kapag nalaman nito na si Maita ang dahilan kaya napaaaway ang anak?

Beauty Queen Week 3 Highlights

POST