<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Nov 16, 2010

Beauty Queen Week 5 Highlights – November 15 to 19

Monday (November 15, 2010)

Hindi naging maganda ang unang pagkikita nila Maita at Madamme Yuri. Ililihim naman ni Marc sa kanyang ina ang tungkol kay Maita dahil alam niyang mas gusto ni Yuri ang mga beauty queens para sa kanya. Makikita ni Madamme Yuri sila Rebecca at Leavida sa parehong ospital na kinaroroonan ni Marc, kaya’t iisipin ni Madamme Yuri na si Rebecca ang bagong babaeng kinalolokohan ni Marc.

Mabilis namang kumalat ang balita tungkol sa tangkang panggagahasa kay Maita. Nakarating ito kay Amparo at muling nanariwa ang mapait niyang nakaraan. Imbes na kaawaan ang anak ay sisisihin pa ni Amparo si Maita sa nangyari sa kanya.

This time around, hindi na ipagpipilitan pa ni Maita ang sarili niya sa kanyang ina. Lalo na ngayon na official na silang magboyfriend ni Marc, kampante na siya na may magmamahal na sa kanya. Gulat naman si Dante sa balitang ito pero tulad ng dati ay ililihim niya ang nararamdaman sa kaibigan. Yuri will throw a dinner party para ipakilala ni Marc ang kanyang girlfriend sa pag-aakalang ito si Rebecca. Excited naman si Marc na ibalita kay Maita ang tungkol sa kagustuhan ng ina na makilala si Maita. Tuwa si Maita sa balitang ito.

Pinaghandaan nila Marc at Maita ang party ni Madamme Yuri para sa kanila. Pati si Madamme Yuri ay confident na magiging maayos ang lahat. Hanggang sa dumating na ang pinakahihintay nilang tatlo. Ano kaya ang magaganap kapag nagkita-kita sina Maita, Madamme Yuri at Maita?

Beauty Queen Week 4 Highlights


Tuesday (November 16, 2010)

Diretsahang tumututol si Madamme Yuri kina Maita at Marc. Paninindigan naman nila Marc at Maita ang kanilang pag-iibigan. Mahihirapan si Maita na mag-adjust sa environment ng mayayaman. Si Yuri mismo ang magbibigay ng taning sa kanilang pagsasama. Sa pagkakakilala niya sa anak, wala siyang babaeng sineseryoso at hindi papayag si Yuri na katulad lang ni Maita ang mapapangasawa ng anak.

Alam ni Maita na hindi siya gusto ni Yuri pero Marc will assure her na ipaglalaban nila ang kanilang relasyon. Depressed naman si Dante ngayong tuluyan na ngang nawala na ang pag-asa niya kay Maita. Si Rebecca naman ay patuloy pa rin ang paghabol kay Marc lalo na ng matapos ang nangyari sa kanila pero patuloy pa rin ang pagtaboy sa kanya ng lalaki. Mapupuno si Rebecca and she threatens Marc after she was rejected.

Marc talks to Yuri about Maita to convince her that Maita is a different woman but Yuri stands by her opinion. Hindi niya gusto si Maita para sa anak. Titira muli si Maita kasama nila Anya at Amparo. Kahit na ipagtabuyan siya ni Amparo ay ipaglalaban ni Maita ang karapatan niya sa pamamahay ng kanyang ama-amahan. Hindi naman makatiis si Rebecca at pupuntahan niya si Marc sa kanyang opisina. Marc rejects Rebecca for the nth time, now in her face. Isang sampal naman ang matatanggap ni Marc mula kay Rebecca.

Tutol man ang buong mundo sa relasyon nila Marc at Maita ay patuloy pa ding masaya ang dalawa sa piling ng isa’t isa lalo na ngayon sa pagdiriwang nila ng kanilang first monthsary. Depressed lalo si Rebecca sa desperation niya to get Marc pero mukhang magkakaroon siya ng alas na puwedeng sumira kila Marc at Maita. Ano kaya ito?


Wednesday (November 17, 2010)

Mabilis ngang malalaman ng pamilya ni Rebecca at ni Marc ang tungkol sa pagbubuntis ni Rebecca. Gayundin ay sisiguruhin ni Rebecca na siya mismo ang magsasabi kay Maita ng balitang ito.

Hindi agad maniniwala si Maita sa sinabi ni Rebecca pero hindi niya mapipigilang masaktan matapos malaman na may nangyari kay Marc at Rebecca.

Habang malungkot si Maita sa balitang ito ay nagbubunyi naman sila Leavida at Rebecca. Hindi man maging beauty queen si Rebecca ay sigurado naman si Leavida na dekalibre ang lalaking mapapangasawa niya.

HIndi na rin matitiis ni Maita ang sakit na dindala niya kaya kukumprontahin niya si Marc. Muli ay isang sampal ang matatanggap ni Marc Sandoval, ngayon naman ay galing kay Maita.

Para matapos na din ang gulo ay kukumprontahin na ni Marc si Rebecca. Hindi siya naniniwala na siya ang ama ng bata at diretsahan niyang sasabihin na wala siyang plano na panagutan ito. To the rescue naman si Virgilio. Ipagtatanggol niya ang anak na si Rebecca sa masasakit na banta na binitiwan nI Marc Sandoval.

Firm ang decision ni Marc na hindi pakasalan si Rebecca. Susuyuin ni Marc si Maita pero makakasalubong niya si Dante. Hindi naman makakalagpas si Marc ng ganun kadali sa overprotective na manunuyo ni Maita kaya hahamunin ni Dante si Marc ng suntukan.

Sa likod ng lahat ng kaguluhan ay lalabas ang katotohanan. Abangan kung anong rebelasyon ang nag-aabang para kay Marc at Maita!


Thursday (November 18, 2010)

Bugbog sarado si Marc kay Dante. Greg gives Marc the idea to confirm the pregnancy of Rebecca. Marc sets Rebecca up para magpatingin sa Doctor to make sure na hindi ito nagsisinungaling.

Mabubuko ni Marc si Rebecca sa kasinungalingan nito. Nabigo si Rebecca sa mga plano niyang panindigan ang pagbubuntis niya. HIndi magugustuhan ni Yuri ang nangyari kaya mapapahiya si Leavida sa kanya. Madali namang ibabalita ni Marc kay Maita na hindi totoo ang pagdadalang tao ni Rebecca. Hihilingin ni Marc na magkabalikan sila.

Hindi makapaniwala si Marc na ayaw ng makipagbalikan ni Maita sa kanya. On his way home, Marc remembers how Maita rejected him. Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ay maiisipan niyang ibangga ang kotse niya.

Samantala hindi pinalagpas ni Dante ang opportunity na magtapat na kay Maita. Maita rejects Dante’s proposal. Aaminin ni Maita na matagal na niyang alam ang tungkol dito pero kaibigan lang talaga ang turing niya sa kababata. Hindi pa rin maalis si Marc sa isipan ni Maita. Mahal parin talaga ni Maita si Marc.

Saan hahantong ang pag-iibigan nina Maita at Marc?


Friday (November 19, 2010)

Maayos na ngang muli si Maita at si Marc. Pinangako nila sa isa’t isa na hindi na muling maghihiwalay pa. Masaya din si Tiya Anya para kay Maita, pero hindi si Amparo. Subukan man ni Maita na hindi na magpaapekto sa kanyang ina ay may lungkot pa rin sa kanyang mga mata.

Marc makes Maita the endorser of a beauty product owned by the Sandovals. Obviously tututol si Yuri sa planong ito ng anak niya. Marc thinks of a way para magustuhan ni Yuri si Maita. Marc suggests to Maita na sumali sa isang beauty contest. Because of Yuri’s high regard sa mga beauty queens, Marc thinks if Maita could win the crown she could also win Yuri. Maita agrees to Marc’s proposal dahil na din sa kagustuhan niyang maayos ang lahat.

Maita has high hopes that Marc’s plan would work. Tulad ni Marc, excited na rin sila Anya at Lara sa muling pagsabak ni Maita sa Beau-Con pero hindi si Dante. Kahit may pag-aalinlangan ay hindi pa rin nito napigilan si Maita. Maita joins Lakambini ng Kalikasan, and surprisingly she competes with Rebecca in the same contest for the first time!

May agad na makakapansin sa kagandahan ni Maita. Si Donald Cervantes isang judge. Maita also takes this opportunity na makipagbati kay Rebecca. Ano kaya ang maging reaksyon ni Rebecca?

Beauty Queen Week 4 Highlights

POST