<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Nov 20, 2010

Beauty Queen Week 6 Highlights – November 22 to 26

Monday (November 22)

Magkakatapat na nga ang dating magkaibigan na sila Maita at Rebecca ngayong pareho nilang nais sungkitin ang korona ng Lakambini ng Kalikasan. Inis si Rebecca matapos makapasok si Maita bilang isang official candidate ng LK. Tila interesado din ang isa sa mga judges na si Donald Cervantes kay Maita.

Isang limo naman ang susundo kay Maita. Aakalain niya na isa itong sorpresa ni Marc para sa kanya. Laking gulat niya ng makita niya si Donald Cervantes ang may pakana nito.

Donald will set-up Maita in a date para makapagpasikat sa babae. Maita will not appreciate Donald’s effort. Sa pagbabalik ni Maita ay muli silang magkikita ni Marc sa kanya na kanina pa nagaantay sa kanya.

Susugurin ni Marc Sandoval si Donald Cervantes matapos niyang malaman ang ginawa nito kay Maita. Susugod si Rebecca na namamantal at may namamagang mukha. Pagbibintangan niya si Maita na may kagagawan ng pananabotaheng ito sa kanya.

Beauty Queen Week 5 Highlights – November 15 to 19



Tuesday (November 23)


Hindi maipagtatanggol ni Maita ang sarili sa bintang ni Rebecca dahil hindi niya rin maamin ang tunay na dahilan ng kanyang pagkawala. Upang mailigtas si Maita sa gusot na ito ay aaminin ni Donald na nagkita sila ni Maita.

Malalaman natin ang dahilan kung bakit interesado si Donald kay Maita. Kamukha ni Maita ang babaeng nasa portrait na pag-aari ni Donald Cervantes, si Jessica.

Bigo man sa unang plano ang mag-iinang Rivas ay makakahanap ng butas si Leavida upang muling madisqualify si Maita sa Lakambini ng Kalikasan.

Sa question and answer portion ng Lakambini ng Kalikasan ay hindi inaasahan ni Maita na muling mabubuhay ang mapait na nakaraan ng kanyang ina.



Wednesday (November 24)

Buong tapang na sasagutin ni Maita ang tanong ng hurado. Malalaman ng buong sambayanan na bastardang anak si Maita bunga ng panggagahasa kay Amparo. Dito naman mapagtatanto ni Virgilio ang katotohanan na anak niya si Maita San Miguel.

Hindi madali para kay Maita na lagpasan ang pagsubok na iyon pero hindi umalis si Marc sa tabi niya. Pag-uwi niya ng Batangas ay sasalubong sa kanya si Virgilio. Gulat si Maita sa yakap na ibibigay ni Virgilio sa kanya.

Gabi na ng koronahan ng Lakambini ng Kalikasan, at mainit ang labanan lalo na sa pagitan ni la Maita at Rebecca. Matapos ang eksena ni Maita sa q and a ay tila nag-empathize naman ang mga tao sa kanya.

Muling makakapasok sa top 5 si Maita at gayundin si Rebecca para sa Lakambini ng Kalikasan.



Thursday (November 25)

Na-sprain ang mga paa ni Maita sa pagkakatapilok niya pero Maita will walk with all her grace as the five finalist carry their evening gown. Hanga ang tao kay Maita.

Parehong nagbigay ng impressive answers sila Maita at Rebecca for the final question and answer. Pigil-hininga ang lahat habang nag-aabang na mai-announce ng host ang mag-uuwi ng korona ng Lakambini ng Kalikasan.

Maiuwi kaya ni Maita ang korona at talunin ang dating malapit na kaibigan? Mapilgilan pa kaya ni Virgilio ang sarili na huwag sabihin kay Maita na siya ang tunay nitong ama?



Friday (November 26)

Tatanggapin ni Maita ang alok ni Marc na magpakasal. Masayang masaya ang dalawa sa planong ito pero isa pang problema ang nagbabadya sa pagdating ni Madamme Yuri sa kanilang pagdiriwang.

Titindi ang galit ni Leavida kay Maita matapos makita ang depression ni Rebecca sa tagumpay na natatamasa ni Maita. Hindi pa tapos ang mga Rivas kay Maita at isang malaking paghihiganti ang ihahanda nila.

Lilipad si Maita papuntang Palawan kasama ang isa pang nanalong kandidata. Isang masayang byahe na mabubulabog matapos matuklasan ang isang bomba sa loob mismo ng eroplano.

Beauty Queen Week 5 Highlights – November 15 to 19

POST