Press Release
Tulad ng American hit picture na “Pulp Fiction” na nilikha ng pamosong director/producer na si Quintin Sarantino, ang papadating na “Ang Babae sa Sementeryo” ay hinuhulaang magiging matagumpay din sa takilya. Ang “Pulp Fiction” ay siyang naglunsad muli sa mga nawala sa eksenang sina Samuel Jackson, John Travolta, Bruce Willis at Oma Thruman. Sila ay muling namayagpag pagkatapos ng nasabing pelikula. Inaasahang ang pelikula ni Neal Tan na katatakutan at punong-puno ng misteryo ay muling magbabalik din sa acting career nina Jigo Garcia, Isadora at Brylle Mondejar. Pawang mga markado ang papel ng tatlo.
Si Jigo Garcia ay matinee idol noong early 2000 at nakagawa na ng maraming pelikula sa dating Seiko Films ni Robbie Tan. Nang di kalaunan ay nagkarelasyon sila ni Jean Garcia at nagkaroon ng supling, si Jennica Garcia, na isang sikat na young star sa kasalukuyan. Jennica recently revealed na maraming suitors si Jean. Pagkalipas ng kanyang “That’s Entertainment” stint, pumalaot siya sa serbisyo-publiko dahil siya ay naging barangay chairman ng Brgy. Dona Josefa sa Lungsod Quezon at hanggang sa ngayon, siya ay naglilingkod pa din sa kanyang mga constituent. Ganoon din si Brylle Mondejar na mahusay umawit at tumugtog ng gitara tulad ng ama noong panahon pa ng 70’s. Naging Kagawad ng Brgy. Obrero ng Lungsod Quezon din si Brylle hanggang sa kasalukuyan. Bago ginawa ni Brylle ang “Ang Babae sa Sementeryo,” ilang stage play na rin ang pinagbidahan niya at pinanonood sa mga eskuwelahan at maging s mga sinehan ng SM.
Si Isadora ay kilalang Sex Goddess noong mga huling taon ng dekada 80 at umabot pa hanggang mga unang taon ng 90’s. Maraming pelikulang nagging hit sa takilya ang ginawa ni Isadora hanggang sa siya ay namuhay ng tahimik sa piling ng butihing asawang si Danny Velasquez.
Naging civic leader si Isadora sa isanmg barangay sa Brgy. Don Manuel ng San Jse del Monte City sa Bulacan kung saan isinapelikula ng buong-buo ang “Ang Babae sa Sementeryo” sa tulong ng butihing punong-lungsod na si Mayor Rey San Pedro.
Nagtrabaho din bilang office worker si Isadora bilang legal assistant sa isang legal office bago niya naisipang muling buhayin ang nakahimlay na acting career.
Kasama nina Jigo, Brylle at Isadora sa pelikulang ito sina BootsAnson-Roa, Tommy Abuel, Roi Vinzon, Ma. Isabel Lopez, Mercedes Cabral, Roldan Aquino at ang batang si Ella Guevara. Silang lahat ay pawing mga bida sa unang venture na ito ng AEI Movie Productions.
Magkakaroon ito ng premiere showing sa November 9, 2010 sa Cinema 3 ng The Block sa SM North EDSA sa ganap na ika-6 ng gabi at ipalalabas sa mga sinehan kinabukasan.-JCQuintana