<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Nov 3, 2010

Koreana Highlights – November 1 to 5

November 1 (Monday)

Nakapag-isip-isip, Jenna is slowly convinced na love nga siya ni Benjo.

Nagpaalam nang maayos si Jenna kay Joshua, pinasabi na rin kay Chang Hee through Joshua ang pagpapaalam at pagpapasalamat.

Joshua gives Jenna her last paycheck.

Benjo won’t go back to Jenna to ask again kung mahal din ba siya nito, mukha na raw siyang tanga pag ginawa ito.

Jenna and Joshua accidentally meet while Jenna is looking for work, Joshua tells Jenna she is hired again in Chang Hee’s resto but this time bilang isang tagalinis na
lang, and this opportunity is grabbed by Jenna.

Galit sina Violeta and Ivy sa balik-trabaho ni Jenna sa resto but since Chang Hee supports this idea of Joshua, walang magawa.

Accidentally na namang nakita ni Benjo that Jenna is with Joshua (giving him a rice cake as pasasalamat) kaya nasasaktan na naman nang husto si Benjo.


November 2 (Tuesday)

Akala ni Benjo bale-wala kay Jenna ang harana but she made an effort to talk to him right after the harana, iyon nga lang, ang sinabi naman ni Jenna, mahal niya si Benjo bilang kaibigan lang.

Jenna explained further to Benjo na wrong timing, work muna ang focus niya.

Masakit kay Benjo the thought na hindi siya mahal ni Jenna.

Masakit kay Jenna the thought na dahil hindi niya tinanggap ang love ni Benjo, nawalan na siya ng best friend.

Chang Hee tells family and staff of the resto about the birthday party of “dead” na apo, napahiya si Ivy nang hindi niya masabi ang kumpletong sangkap ng isang Korean dish at si Jenna pa ang nag-supply ng knowledge na ito.

Galit na naman si Ivy so patraydor na itinulak si Jenna para mahulog sa mga nakausling pako but Joshua comes to the rescue.

Plano nina Violeta at Ivy na sirain ang birthday party ng “dead” apo ni Chang Hee at si Jenna ang masisisi.

Huli ni Jenna si Ivy na isa-sabotage ang party, pababagsakin ang lantern sa cake.

Itinuloy pa rin ni Ivy ang pagpabagsak ng lantern sa cake saka sinabunutan si Jenna, challenging her to report to Chang Hee.

Big fight of Jenna and Ivy, napaso si Ivy ng griller pero hindi sinadya ni Jenna who is just trying to protect herself.

Sa point of view ng mga dumating na sina Chang Hee, Joshua and Violeta, guilty si Jenna sa paso o sugat ni Ivy.

November 3 (Wednesday)

Torn si Chang Hee, kanino maniniwala, kay Ivy o kay Jenna?

Chang Hee finally decides na kay Ivy maniwala, sinisi si Jenna sa pagkapaso ni Ivy.

Pinalayas ni Chang Hee si Jenna. Matigas na si Chang Hee, Jenna’s begging him to reconsider ay walang epekto.

Sa usapan nina Violeta at Ivy, alam naman talaga ni Violeta na aksidente lang ang pagkapaso ni Ivy at idiniin lang talaga nila si Jenna.

Nanghihinayang sina Chang Hee at Joshua sa pagkawala na naman ni Jenna sa resto but then Chang Hee is sure this time that he is right, uunahin naman daw niya ang family.

Dumating ang warrant of arrest for Jenna, pati ang mga pulis na aaresto sa kanya,serious physical injury daw ang isinasampang kaso sa kanya nina Violeta at Ivy.

Hysterical si Jenna habang dinadala ng mga pulis, Josefina is trying to prevent the policemen from taking Jenna but she is helpless.

Benjo is still determined to fight, hindi takot na matulad sa amang namatay sa ring, promised Bebeng lots of things kapag nanalo.

November 4 (Thursday)

Nalaman ni Chang Hee na pinakukulong nina Violeta si Jenna through Atty. Ku. Pinagagalitan ni Chang Hee si Violeta dahil pinakulong si Jenna.

Utos ni Chang Hee kina Violeta at Ivy na iurong ang demanda, ilabas si Jenna sa jail.
Dating na sina Benjo at Bebeng, from the beach house of Darlene.

Benjo is informed by Oweng na nakakulong si Jenna. Ambagan ng mga mababait na pokpoks, money for Josefina, para makatulong sa paglabas ni Jenna sa jail.

Nalaman ni Jenna from Joshua na si Chang Hee ang hindi pumayag na ipakulong siya.

Nakita ni Benjo sina Jenna at Joshua sa presinto, late siya ng pagtulong kay Jenna, selos si Benjo.

Napapaisip si Benjo na talagang si Joshua na ang love ni Jenna. Nalaman ni Jenna from Josefina that Benjo had vowed to help her.

Taka si Jenna bakit hindi sila nagkita ni Benjo sa kulungan.

November 5 (Friday)

Battered si Benjo dahil sa pandadaya ni Samuel, uncounscious na dinala sa ospital.

Takot na talaga si Jenna sa hula, si Benjo raw siguro ang ibig sabihin ng manghuhula na posibleng mamatay.

Napanaginipan ni Chang Hee ang young Jenna, ang apo.

Oweng delivers the news to Jenna, na hindi pa nagigising hanggang ngayon si Benjo after the knockout in the ring.

The police informed Chang Hee na ang bangkay na inakalang apo ay bangkay pala ng iba.

Kinakabahan si Violeta, ang ina ng bangkay na pinalabas nilang apo ni Chang Hee ang nagsumbong mismo sa mga pulis tungkol sa paghiram ng bangkay ng kanyang anak.

The police informs them na na-DNA test na ang pekeng bangkay at napatunayan na ka-match nga ito ng inang si Tessa so she is telling the truth.

POST