‘ISHMAEL’ – Ito ay mula kay Richard Somes whose entry last year, “Yanggaw”, tungkol sa isang pamilyang ang anak na dalaga ay naging aswang, won most of the awards sa Cinema One Digital Filmfest. Ang title-roler sa ‘Ishmael’ ay si Ronnie Lazaro, na nagwaging best actor as the father in “Yanggaw”, isa siyang dating sundalo na nabilanggo dahil sa pagpatay niya sa kanyang asawa’t anak. Nahuli niya kasing nagtataksil ang misis niya at nadamay pati anak nila ng barilin niya ang asawa niya. Matapos ang kanyang sentensiya, umuwi siya sa bayan nila at natuklasang iyon pala ay pinaghaharian na ng isang kulto sa pamumuno ng lalaking tinatawag na si Ama (Mark Gil.) Lahat ng mga tao sa bayang iyon ay naniniwala kay Ama at iniimbitahan siyang sumapi na sa kanila. Isang dalagita na miembro ng kulto ang humingi ng tulong niya pero pinagtabuyan niya ito dahil ayaw niyang makialam sa buhay ng kahit sino. Pero bumalik ang dalagita sa kanya at ipinagtapat na anak siya ni Ama na pinagsasamantalahan nito. Itinago niya ang dalagita at ang ending ay nakipaglaban siya sa mga tauhan ni Ama na gusto siyang patayin. At this point, naging very violent action flick ito na para bang tribute ni Somes kay Quentin Tarantino in “Kill Bill”. There’s just an air of unreality about the whole thing and never for a moment did we get involved in the plight of Ishmael. Magagawa naman niyang itakas yung bata in the middle of the night kung gusto niya? Bakit hinintay pa niyang lusubin siya ng mga tauhan ni Ama? Even the way the actors interpreted the characters they’re playing seem so unreal kaya hindi kami nagtatakang wala itong napanalunang acting award.
<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script>
<!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 -->
<ins class="adsbygoogle"
style="display:inline-block;width:300px;height:250px"
data-ad-client="ca-pub-1272644781333770"
data-ad-slot="2530175011"></ins>
<script>
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
</script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.