HOW COME IT’S said that Glaiza de Castro’s closeness to Daniel Matsunaga now that they’re doing “Grazilda” is causing grave misunderstandings between him and GF Heart Evangelista? “Naman. After ako raw ang maging dahilan ng LQ nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana, ako naman daw ang gumigitna ngayon kina Daniel at Heart?,” says Glaiza.
“Siguro, wala kasi akong lovelife kaya ginagawaan ako ng ganyang intriga sa kung sinumang makasama ko sa ‘Grazilda’. E, obvious naman walang katotohanan yan as it’s so easy to see na very much love sa isa’t isa sina Geoff-Carla and Daniel-Heart. Kaya huwag na natin silang intrigahin at maging masaya na lang sana tayo for them. Ako nga mismo, kinikilig sa tandems nila, e. Kami ni Daniel, strictly professional ang relationship namin, lalo ngayong nalaman na ni Joel Torre as Fernando na anak pala niya ako at kikidnapin ako ni Cherie Gil as Veronne, ito-torture nila ni Yasmien Kurdi saka lalagyan ng bomba. Daniel will rescue me pero tatangayin siya ng ipo-ipo kasama ang sasabog na bomba.”