DIRECTOR MIKE TUVIERA says he cannot think of any other actress who’d do justice in remaking “Super Inday and the Golden Bibe” on the big screen. “I’ve worked with Marian sa ‘Nieves, the Engkanto Slayer’ in ‘Shake 10’ before. Kilala siya for her drama roles on TV like in ‘Endless Love’ pero napakagaling din niya sa comedy. Dito, bilang Inday, she’s dumb, clumsy, puro kapalpakan ang ginagawa dahil sa pagka-bobita niya. But when she becomes Super Inday na, she’s transformed into a super heroine na matalino, di nagkakamali, at kayang gawin kahit mahihirap na action scenes. Ang ganda rin ng rapport ni Marian sa mga katrabaho niya, lalo na kina John Lapus at Pokwang bilang mga kakampi niya, si Jake Cuenca as the leading man, and even Mylene Dizon as Ingrid, the main villain who’s several hundred years pero di tumatanda dahil kinakain niya ang kaluluwa ng mga bata.”
“Kaya nga kay Marian ko binigay ang remake ng ‘Super Inday’ as I know she’d be perfect,” says Mother Lily. “Sexy na siya sa pink costume niya, ang ganda ng kutis, magaling pa umarte. After watching the film sa premiere night noong Saturday na dinumog talaga ng tao, maraming nagsabi, may laban siya as filmfest best actress. At pati sa box office daw, siguradong maraming manonood. I’m really so happy that even in the polls sa internet, maraming humulang ‘Super Inday’ ang magna-number one. As for me, mas gusto ko, kumita lahat ng entries para sumigla uli ang buong movie industry.”