<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

May 3, 2011

Dwarfina Highlights – April 25 to 29

Monday (April 25)

Nabunot na ni Dwarfina ang sword pero hindi pa rin niya alam kung paano ito pagaganahin. Tinuruan siya ni Elvin kung paano mag-espaba baka sakaling lumabas ang kapangyarihan nito.

Kinuha naman ni Romera ang lahat ng kapangyarihan ng lahat ng duwende sa punso at hindi niya ibabalik iyon hanggat hindi sumusuko si Dwarfina at ang mga kasama niya.

Nakiusap si Lyndon kay Dweinstein na bigyan siya ng potion para lumiit. Ibibigay naman ni Dweistein ang potion pero sa isang kondisyon – alamin muna nila ang totoong pangalan niya.


Tuesday (April 26)


Nakarating na sa mundo ng mga duwende si Lyndon at tulong ni Dwenkikay. Nalaman ni Elvin na nandoon sina Lyndon kaya gumawa siya ng paraan para hindi sila makita ni Yna.

Lumipat ng kuta sina Dwarfina at pumunta sa punso ng Kamurayaw. Doon daw dati naglalaban ang mga duwende dahil hindi gumagana ang mga kapangyarihan doon.

Samantala, narinig ni Yna na may taong humihingi ng tulong. Hindi niya alam ay nandoon na si Lyndon kasama si Buddy. Magkikita nab a sila?


Wednesday (April 27)

Pinigilan ni Elvin na magkita sina Dwarfina at Lyndon. Maliligtas naman ni Lyndon at Buddy ang sarili mula sa mga bubuyog na umatake sa kanila. Magkikita na rin sa wakes sina Lyndon at Dwarfina.


Thursday (April 28)

Nag-away sina Lyndon at Elvin dahil hindi tinulungan ni Elvin sina Lyndon. Samantala, naghahanda na sina Dwarfina at ang buong grupo sa pakikipaglaban. Hindi nila alam na mas lumaks pa si Romera dahil sinalin nito ang lahat ng kapangyarihan ng mga duwendes sa kaniya.


Friday (April 29)


Habang naghahanda si Dwarfina sa pagsugo, malalaman ni Romera kung saan nagtatago sina Dwarfina. Pupunta siya dito ay isa-isang papatayin ang mga kakampi ng maliit na bida. Mapapaslang si Nuno Umberto at madadakip si Elvin at Dwentukin. Dadating si Yna sa kanilang kuta at makikitang wala na ang lahat ng kakampi niya.

POST