GRABE ANG HYPE sa “In the Name of Love” na pinakamaganda raw movie na nagawa ng mga bida ritong sina Aga Muhlach and Angel Locsin. But when we got to watch it, hindi naman pala. It’s just like other melodramas na nagawa na before at ang ending nito na may kinidnap, may lumaban para iligtas ang ia-assassinate niyang mahal sa buhay at may humarang ng katawan niya at siyang nabaril, lahat ay mga elementong pang-soap opera o teleserye.
Nagsimula ito sa tagpong nahuli si Emman (Aga) sa airport in Tokyo na may ipupuslit na mga pera for money laundering. Dahil doon ay nabilanggo siya. Nalagay sa screen: “Seven years later”. Nakalaya na si Aga at nagtatrabaho bilang kargador sa palengke sa isang probinsiya. May anak siya kay Dimples Romana na 12 years old na (Paul Salas) at si Dimples ay may bago ng asawa, si Bobby Andrews. Magma-migrate ang mga ito sa New Zealand. Pina-officially adopt ni Aga ang anak niya kay Bobby para maisama ito sa ibang bansa. Ibig sabihin, kasal si Aga kay Dimples dahil nakasunod ang bata sa pangalan niya.
Sa flashback scenes, we learn na dating dancer-hosto sa Japan si Aga. Nakilala niya sa kalye ang isa pang Pinay, si Cedes (Angel), at naging parang stalker niya itong sunod ng sunod sa kanya. Obvious na naging sila but we don’t know what happened to them in their past. Nakita uli ni Aga si Angel sa bayan nila at ito ay kabit na ni Dylan (Jake Cuenca), ang anak ng tiwaling gobernador doon played by Leo Rialp. Pinatatakbo ni Leo si Jake as vice mayor pero galit ang mga taong bayan sa kanila. May nagtangkang sumaksak kay Jake pero nailigtas ito ni Aga.
Sa muli nilang pagkikita, cold si Angel kay Aga. Pareho silang may linya sa isa’t isa in separate scenes na: “Kapag lumingon ka, akin ka.” Obviously, the makers of the movie are banking on it para maging tagline na gagaya-gayahin ng mga nanood nito. Kinuha ni Jake si Aga para turuang sumayaw si Angel for the governor’s ball. Ewan naman kung bakit kailangan niyang gawin ito when he knows na nang makuha niya si Angel ay dancer na nga ito.
Natural, tulad ng dapat asahan sa gayong manipulated plot mechanics, sa kanilang pagtuturuan ng sayaw, nagkalapit uli ang damdamin nina Aga at Angel. Sa pagpapatuloy ng flashbacks, we learn na kaya nabilanggo si Aga ay dahil inako niya ang perang dapat sana ay si Angel ang magpupuslit. Akala niya, Angel just stopped communicating with him while he’s still in jail. Yun pala, ito ang gumawa ng paraan para siya makalaya uli. O, di ba they’re such noble and heroic characters? Mga nagpapakasakit in the name of love.
Kaso, napansin na ng half brother ni Jake na si Ryan Eigenmann ang closeness nina Aga at Angel at ito ang naging hadlang sa binabalak nilang gagawing pagtakas. Kinidnap si Aga, pinahirapan, siempre, hindi pa papatayin agad dahil magiging action flick pa ang movie na makakalaya si Aga mula sa gapos niya, lalaban, mapapatay si Ryan at ang mga tauhan nito, at kahit may tama na ng baril sa tiyan ay makakapag-drive pa para iligtas si Angel na pinababaril naman sa isang sniper while dancing on stage with Jake. Pagdating doon, si Aga ang nabaril ng sniper at nang si Angel ay babarilin naman sana ni Leo Rialp, iniharang ni Jake ang katawan niya at siya ang natamaan ng bala. Dedo siya sa isang tama lang. Si Aga na dalawa ang tama at ang dami ng nawalang dugo, buhay for the usual happy ending.
In fairness to Aga and Angel, they try hard to look believable in their roles kahit pareho silang mataba. Si Jake lang ang lean and slim dito. But the sudsy material is so maudlin na mahihirapan sila to surpass its limitations. Hindi rin namin maintindihan why Jake falls head over heels in love with Angel kahit alam niyang she’s a pokpok in Japan na ginawang syota ng yakuza at nagpalipat-lipat na sa iba’t ibang costumers. Parang ang hirap ding tanggapin na hindi kakilala at all ni Jake si Aga gayong siya pala ang tumulong para makalaya ito sa bilangguan. Di man lang ba siya na-curious tingnan kung ano ang hitsura ng taong pinalaya niya? Sana, they were able to make all these plot mechanics more credible and easier to accept for the viewers.
Such weaknesses in the material make it hard for us to appreciate the film even if Star Cinema really spent for it to have superior production and technical values. Magastos ang movie na kinunan on location in Japan ang maraming eksena at inabot ng isang tao ang shooting bago natapos. Kahit kumita raw ito, we’re sure mababawasan ang kanilang return on investment dahil sa laki ng puhunan nila rito.