Cast of characters
Calilla – Barbara Miguel
Desmond – Gabby Eigenmann
Dona Anastacia – Gloria Romero
Gemma – Krystal Reyes
Jacob – Mark Anthony Fernandez
Jennifer – Mona Louise Rey
Kyla – Joyce Ching
Lynette – Katrina Halili
Marya – Luz Valdez
Michelle – Kyle Daniel Ocampo
Philip – Leandro Baldemor
Sandra/Susan – Camille Prats
Simeon – Neil Ryan Sese
TJ – Kristoffer Martin
DAY 1, May 30, 2011 (Monday)
Darating naman sina Jennifer at Lulu (tunay na pangalan ni Maritess) sa isang malaking bahay, asang-asa ang bata na magiging maganda kahit paano ang buhay niya kasama ang tunay na ina. Pero sa loob, abandonado at marumi pala ang bahay at maraming batang kagaya niya – pero marurungis ang mga ito at halatang galing sa kalye. Pinangungunahan sila ng astigin na si TJ, ang binatang tila kanang-kamay ni Lulu. Matutuklasan agad ni Jennifer ang panloloko ni Lulu sa ama niya, pero wala na siyang magawa dahil nasa poder na siya nito. Kasama na si Jennifer ng mga ibang bata na magta-trabaho rin sa kalye para sa kanilang ‘Nanay Lulu’.
Mababalitaan ni Lola Ana ang ginawa ni Manny na pagsuko kay Jennifer sa ina nito. She asks kung gusto bang bawiin ni Manny ang bata, pero magpipigil si Manny. Naniniwala siyang gagawin ni Maritess ang lahat para kay Jennifer, gaya ng pinangako nito, at makikita niya ang kalagayan ni Jennifer kapag dumalaw siya sa bata. Lola Ana tells Manny na bigyan lang ng panahon ang mag-ina, pero sasama siya dito sa pagdalaw kay Jennifer.
Sa ‘gabay’ naman ni TJ, mapapasabak si Jennifer sa buhay-lansangan. Walang awa-awa si TJ sa mga bata, ang trabaho ay trabaho at dapat madali itong matutunan ni Jennifer. Matatakot si Jennifer kay TJ, lalo na sa dala nitong patpat na ipapalo sa kanya kung hindi niya susundin ang gusto nito. Maglalakas-loob na lang si Jennifer na suungin ang pagtawid sa isang busy street kesa mapalo ni TJ – at dahil hindi marunong, tila masasagasaan na ang bata!
DAY 2, May 31, 2011 (Tuesday)
Sasagipin ni TJ si Jennifer mula sa rumaragasang sasakyan matapos malaman mula kay Lulu na ampon din itong kagaya niya. Hindi agad bibigay si TJ kay Jennifer, babalik siya sa pagiging tough matapos iligtas ang bata, pero halatang drawn din siya dito.
Babayaran na ni Nando si Lulu dahil sa tagumpay nitong mapaghiwalay sina Manny at Jennifer. Galing ang pera kay Simeon, na ninakaw niya sa ospital. Panatag na si Simeon na hindi na babalik pa sa buhay nila ang bata, kaya nang sabihin ni Susan sa kanya ang nabalitaan mula kay Manny, he just tries to assure her na siguradong maganda ang buhay ni Jennifer kasama ng tunay niyang ina. Magiging kampante na rin si Simeon na dalhin ang mag-ina niya sa Maynila ngayong alam niyang malayo na si Jennifer sa kanila. Kasabay ng imbestigasyon sa nakawan sa ospital, lilisanin ni Simeon ang trabaho niya at luluwas na silang pamilya sa Maynila.
Tuloy na mag-aadjust si Jennifer sa buhay niya kasama sina Lulu, TJ at iba pang mga bata. Paminsang wala siyang pagkain dahil wala siyang bentang sampaguita, si TJ ang magtatakas ng pagkain para sa kanya. Nang ibenta ni Lulu ang gown ni Jennifer na galing kay Manny, mangangako ang bata na siya rin ang bibili nito – si TJ pa rin ang magpi-prisinta na tulungan siya – sa pamamagitan ng pagnanakaw! Mabibili nga nila ang gown pero hindi sang-ayon si Jennifer sa ginawa nila, na ikakagalit ni TJ. Babawiin niya ang gown kay Jennifer at pababayaan niya na ito, galit siya na tinanggihan ng bata ang tulong niya.
Sabik naman si Manny sa anak, at sasamahan na siya ni Lola Ana na dalawin ito. Si Jacob ang magmamaneho sa kanila papunta sa sinabing address ni Maritess sa kanila. Matutuwa ang dalawa dahil middle-class ang subdivision na napuntahan, pero nang matunton nila ang address, wala daw Maritess na nakatira doon. Magtataka sina Manny at Donya Ana.
DAY 3, June 1, 2011 (Wednesday)
Samantala, hihingi ng tawad si Jennifer kay Papa Jesus dahil nakagawa siya ng kasalanan; ang pagnanakaw. Makikiusap siya dito na sana makausap niya nang muli ang ama-amahan na si Manny. Makikihiram si Jennifer sa isang kasamahang bata na may nakaw na cellphone, at tatawagan na niya si Manny…
Si Jacob ang makakasagot sa tawag ni Jennifer dahil naiwan ni Manny ang cellphone sa kotse. Hihingi ng tulong si Jennifer kay Jacob! Pero bago pa niya masabi kung bakit at kung nasaan siya, kukunin ni TJ ang cellphone na gamit ni Jennifer! Malalaman ni Lulu ang nangyari, at pagbabantaan si Jennifer na kung uulitin nito ang ginawa, babalikan niya si Manny at papatayin! Takot na papayag si Jennifer sa gusto ni Lulu, lalo na nang makita na may baril nga ang babae.
Tila handa na si Jennifer na tanggapin na hindi sila magkikita ni Manny for a long time, pero mangangako siya na hindi magbabago para sa ama – hindi niya kakalimutan ang mga tinuro sa kanya nito. Magnenegosyo si Jennifer sa pagbabasura bukod pa sa pagbebenta ng sampaguita para kay Lulu.
Tuloy din ang paghahanap ni Manny kay Jennifer, sa tulong na rin ni Donya na na lumapit na sa pulis para mapabilis ang proseso. Takang-taka naman si Lynette sa pagtulong ng matanda kay Manny, dito na kasi binubuhos ng Donya ang panahon niya imbis na sa apong si Calilla. Bitter din si Lynette dahil imbis na magpasasa agad sila sa pera ng mga Montereal, Donya Ana makes her work sa kumpanya nila sa isang mababang posisyon. Claire advises her na kung gusto niya talagang makuha ang loob ng Donya, dapat siyang magpakitang-gilas habang sinusunod ang mga utos nito. At kailangan ding magpapansin ni Calilla sa matanda para makalimutan nito si Jennifer.
DAY 4, June 2, 2011 (Thursday)
Sa pulisya, makikilala ni Manny mula sa mugshots si Lulu, ang babaeng kumuha kay Jennifer! Mapag-aalaman nilang sindikato nga ang babae at may hawak siyang mga bata na namamalimos sa may Luneta. Laban sa payo ng mga pulis na maghintay sila ng tamang oras, agad na pupunta sina Manny at Donya Ana sa park, hoping na maabutan si Jennifer at mabawi na ito agad-agad. Hindi nila alam na wala nang balak si Lulu na pakawalan pa ang bata dahil sa nakitang galing nito sa negosyo na gagamitin niya para sa isang mas malaking operation: pagbebentahin niya ng recycled lamps si Jennifer sa mayayaman, at lingid sa kaalaman ng bata, may camera ang mga lampara para makita nila Lulu ang loob ng mga bahay ng mga ito.
Samantala, namamasyal na sa Maynila ang pamilya nila Susan, Simeon at Michelle, at hindi sinasadyang makikita siya ni Jacob habang umiinom ito!
Mawawala agad si Sandra sa paningin ni Jacob, iisipin niyang namamalikmata lamang siya. Kukumbinsihin ni Jacob ang sarili na palayain na sina Sandra at ang anak nila, na magsisimula na siya ng panibagong buhay, at tatangkain niyang mapalapit kay Calilla. Sasamantalahin naman ni Lynette ang interes ni Jacob sa bata para maging malapit din siya ditto.
DAY 5, June 3, 2011 (Friday)
Matutunton nila Manny at Lola Ana ang kuta nila Lulu, pero wala na si Jennifer dito. Mahihintakutan ang dalawa nang makita ang mga gusgusing bata na kinakasangkapan ng sindikato. Dito sasabihin sa kanila ni Abigail kung saan dinala ni Lulu si Jennifer at kung ano ang pinapagawa nito sa bata. Agad na magpapadala sila ng pulis para saklolohan si Jennifer.
Inuutusan naman ni Lulu si Jennifer na magbenta ng droga sa loob ng isang eskwelahan, pagbabantaan ang bata na sasaktan si Manny kung hindi siya susunod kaya walang magawa si Jennifer. Pero maaalala ni Jennifer ang turo ni Manny na huwag padadaig sa kasamaan, tiyak na magpapadala ang Diyos ng anghel para iligtas siya. Tatangkaing tumakas ni Jennifer mula kay Lulu at gigil na gigil naman siyang hahabulin ni Lulu na gusto siyang patayin kahit na nagdadatingan na ang mga pulis para hulihin sila.
Makikita ni Jacob si Jennifer sa school kung saan niya hinatid si Calilla, at ililigtas niya ito. Pipigilan naman ni TJ si Lulu na saktan pa ang dalawa, pero hindi ito makikinig. Sa huli, si Lulu pa ang mapapatay ng mga pulis habang dadamputin naman ng mga ito si TJ para ikulong. Dadalhin na ni Jacob si Jennifer sa ama nitong si Manny, tuwang-tuwa maging si Lola Ana na ligtas ang bata.