<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

May 5, 2011

My Lover, My Wife Week 10 highlights

Dahil sa nangyari sa fiscal kaya lalong magagalit si Charity kay Arthur kaya kokontak siya ng isang killer para patahimikin na ito--- para hindi na ito tumestigo pa laban sa anak niya.

Samantala, makikipagkita naman si April kay Vivian para kausapin ito na kausapin daw ni Vivian si Arthur para umurong na sa pagtestigo laban sa kanya. pero hindi siya pagbibigyan ni Vivian.

Sa inis ni April, pupuntahan niya si Nico sa eskwelahan at isasama ito para gamiting pain laban kay Vivian.

No choice si Vivian kungdi puntahan si Arthur para sabihan ito sa nangyari kay Nico pero doon magaganap ang pag-atake ng killer kay Arthur. At masasaksihan iyon ni Vivian.

*****

Dadalhin ni Vivian si Arthur sa ospital. Tatawagan niya si April para sabihan ito sa nangyari. Magmamadali si April na sumunod sa ospital kasama ni Nico. Tuwa si Vivian nang makita ang anak pero malalaman nila ni April na critical ang condition ni Arthur.

In the meantime, iiyakan ni Vivian si Arthur habang comatose ito pero makikita ito ni April at palalayasin. Dahil sa nangyari at pag-aalala kay Arthur kaya duduguin si Vivian.

Magkakamalay naman na si Arthur.

Magkukunwari si April na tutulungan daw itong matignan ng doktor pero ikukulong nito si Vivian sa isang room para tuluyan na itong duguin at mawala ang dinadala nito.

POST