<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

May 22, 2011

Paano maging artista?

MARAMING NAGTATANONG dito kung paano mag-artista.

Hindi lahat ng gustong mag-artista ay madaling sumisikat at kumikita nang malaki. Sa libu-libong nag-a-apply mag-artista, suwerte nang may isang sumikat. Sabi nga, many are called, but few (only very, very few) are chosen.

At sa mga nagtatagumpay makapasok sa showbiz, bibihira ang nagtatagal, lalo ngayong kay bilis-bilis sumikat at mawala ng mga artista. Madaling magsawa at magbago ang panlasa ng mga tao. Ang mga artista ay parang tissue paper na matapos gamitin ay tinatapon na lang sa isang tabi. Nalalaos agad. It's no joke to maintain a showbiz career.

Karamihan sa gustong mag-artista ay yung mahihirap na gustong maging biglang yaman para matulungan ang pamilya nila. Meron ding mayaman na pero attracted lang talaga sa kinang ng showbiz.

Sa mahigit 30 years namin sa pagsusulat sa showbiz, napansin naming may corrupting influence ang showbiz. Kahit yung galing sa mabubuting pamilya na may kaya na, their values get eroded at napapariwara kapag napasok sa showbiz.

Best example si Kris Aquino na galing sa isang mayamang angkan, tapos ng kolehiyo, at religious pa ang buong pamilya, pero hayun at nabuntis out of wedlock ng isang actor na may asawa, nakiapid sa iba pang lalaki at nang magpakasal naman sa isang lalaking mas bata sa kanya at nauwi rin sa hiwalayan.

Ilan na rin yung taga-showbiz who got involved in messy relationships na nauuwi sa mga awayan, demandahan at madudugong paghihiwalay tulad nina Jennylyn Mercado and all her boyfriends, Iwa Moto, Aiko Melendez, Katrina Halili and Hayden Kho, Rhian Ramos at DJ Mo, Andi Eigenmann at Albie Casino.

Meron namang naliligaw ng landas at natututo ng masasamang bisyo, tulad nina Baron Geisler at Jiro Manio na pareho ngayong nagpapa-rehab dahil sa booze and/or drugs.

So kung gusto ninyo ng mas tahimik na buhay, ang advice namin is stick to an ordinary life and a regular job na walang mga intriga gaya ng nararanasan ng mga taga-showbiz.

Ngayon, kung sa tingin nyo ay kaya niyong iwan ang isang normal na buhay at gusto pa rin ninyong mag-artista, heto ang ilang tips sa mga nagtanong dito kung paano mag-artista.

1. Ang salamin ay ang best judge

Assess nyo ng maigi ang inyong sarili. Ang inyong mga salamin ay ang inyong best judge. Sa mga sumusond na tanong ay dapat maging totoo sa inyong mga sarili. Mayroon ka bang bukod tanging mukha na talagang pang artista? Do you think you have enough good talent that will help give you a good future in showbusiness? Ang mukha nyo ba’t buong kaanyuan ay yung tipong hahangaan ng libu-libong fans o lalaitin lamang?

2. Talent Scouts, Producers and Directors

Kung kayo yung tinatawag na talagang may ganda o kaguwapuhang pang-artista, ni hindi na ninyo kailangang magprisinta dahil mismong mga talent scout o producer o director ang magtatanong sa inyo kapag nakita ang potential ninyo: “Gusto mong mag-artista?”

3. TV Commercials and Models

Kadalasan ngayon, ang isang madaling daan tungo sa pag-aartista ay ang pagiging TV commercial model. Marami kasing talent scouts ng advertising agencies ang nagre-recruit ng potential stars at ginagawang endorsers ng TV ads. From there, the next step ay ang pag-aartista na. Diyan nagsimula si Marian Rivera.

4. Pamilya ng mga artista

It will also help kung anak kayo ng mga dating sikat na artista, tingnan nyo ang galing sa iba’t ibang showbiz clans tulad ng Gutierrez Family, Salvador Family at Eigenmann Family.

5. Workshops of TV and Theatre Companies

Kung walang kumukuha sa inyo pero pursigido pa rin kayong mag-artista, you can join the workshops offered by TV and theatre companies like ABS-CBN and Trumpets. Kapag nakita nilang may future kayo, sila na ang magkukusang mag-offer to manage you and build you up.

6. Join Reality TV Programs

You can join reality shows like Pinoy Big Brother, Star Circle Quest, Are You the Next Big Star, Star Power, Star Factor, and Starstruck. Diyan natuklasan at sumikat sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Mark Herras, Jennylyn Mercado, Aljur Abrenica, atbp.

7. Join a Beauty Pageant / Bikini Contests / Model Searches

Puede rin kayong sumali sa beauty pageants or bikini contests or model searches. Kung papalarin kayo, tatagal kayo sa showbiz just like the first local Miss Universe na si Gloria Diaz.

Huling babala: mahirap na trabaho ang showbiz. Kadalasang ang nakikita lang ng mga ordinaryong tao ay ang glamour o kinang ng pagiging sikat at popular. But it entails a lot of hard work tulad ng walang katapusang training, workshops, rehearsals, ng mga magdamagang taping at shooting, ng pagkawala ng inyong privacy at marami pang ibang personal na bagay that you have to give up in the name of fame and fortune. Kung ready na kayo at ayaw ninyo talagang paawat, ang mawi-wish na lang naming sa inyo ay:

Good luck!


POST