<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

May 31, 2011

Sisid Pilot Week Sypnosis - May 30-June 3

DAY 1, May 30, 2011 (Monday)

Makikilala natin si Eden (Jackie Rice) , isang simpleng babae na lumaki sa hirap sa isang isla kung saan malaking bahagi ng ikinabubuhay ng mga tao ay ang paninisid ng perlas. Magaling na maninisid si Eden subalit mahigpit siyang pinagbabawalan ng kanyang ama na sumisid, higit lalo sa pagsisid sa maalamat subalit napapalibutan ng panganib na perlas na Perlante. Kung kaya’t mapipilitan si Eden na magtrabaho na lamang sa kanyang tiyahin na si Perla (Maricar de Mesa) kung saan makakaranas siya ng pang-aapi.

Naipangakong ikakasal si Eden sa kanyang kababatang si Ahmed (JC Tiuseco) subalit hindi gusto ni Eden si Ahmed. Matagal ng gusto ni Ahmed na makasal kay Eden kaya naman gagawin niya ang lahat upang mapabilis ang kasal nila. Dahil dito, maglalagay ang buhay ni Eden sa panganib. At dahil din dito, magtatagpo ang landas ni Eden at ng mayamang estranghero na si Sig (Dominic Roco).

 

DAY 2, May 31, 2011 (Tuesday)

Itutuloy ng mga magulang ni Eden ang planong ipakasal si Eden kay Ahmed kahit pa ayaw ni Eden. Subalit may mas malaking problema pa palang dadating sa buhay ni Eden at ng kanyang pamilya. Dahil ang nakakrus niya ng landas na si Sig ay anak ni Alona (Alicia Meyer), isang dating taga-isla na mayroong planong gumanti sa isla na nagtaboy sa kanya noon. Sa pagdating ng pamilya ni Sig sa isla ay magsisimulang makilala nina Sig at Eden ang isa’t isa, higit lalo si Sig na tinamaan na agad sa angking ganda ni Eden. Lingid kina Eden at Sig, nagsisimula na si Alona sa kanyang balak na paghihiganti at uunahin niya ang pamilya ni Eden.


DAY 3, June 1, 2011 (Wednesday)

Magsisimula ang pagkakaibigan nina Eden at Sig subalit hindi makakapayag si Ahmed na mapalapit si Eden sa dayong si Sig at pagbabawalan niya ito. Naniniwala si Eden na mabuti ang pakay ng pamila ni Sig sa kanilang isla hanggang sa malaman niya mula sa kanyang mga magulang ang tunay na dahilan sa pagbabalik ni Alona, na kagagawan nito kung bakit naging baldado ang ama ni Eden na si Hamil.


DAY 4, June 2, 2011 (Thursday)

Pagbabawalan si Eden ng kanyang mga magulang na makipagkita kay Sig. Subalit masigasig si Sig na mapalapit kay Eden. Sisikapin ni Eden na lumayo kay Sig subalit paano kung malagay sa panganib ang buhay ng kanyang ama at si Sig lang ang makakatulong sa kanya? Paano kung muli ngang pagkatiwalaan ni Eden si Sig at madiskubre ni Ahmed na nakikipagkita si Eden kay Sig?


DAY 5, June 3, 2011 (Friday)
Ipagpapatuloy ni Eden ang pakikipagkaibigan kay Sig dahil naniniwala siyang maganda ang intensyon nito sa kanilang isla. Lingid kay Eden, inuumpisan na ni Alona ang plano niyang pagkamkam sa mga lupain sa isla. Madidiskubre ni Ahmed na nakikipagkaibigan si Eden kay Sig at malalaman ito ng kanyang mga magulang. Saan hahantong ang pagkakaibigan nina Eden at Sig lalo na ng malaman ni Eden na pinapalayas na sila sa kanilang lupa ng mga tauhan ng pamilya ni Sig.

POST