<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jun 10, 2011

Alessandra de Rossi's dark beauty turned heads at the Cannes Interntational Festival

SO HOW IS Alessandra de Rossi’s Cannes International Filmfest experience? “Ayun, maraming guys ang natapilok at nagka-stiff neck kalilingon sa’kin,” she says. “Sino tong dark beauty na to?” Did she see any international celebs? “Wala. Yung ‘Tree of Life’ ni Brad Pitt, kasabay namin ng screening, but different theatres kami kaya hindi niya ko nakita. Buti na lang, kundi namimiligro na si Angelina (Jolie). Joke!” What’s the feedback about her film, “Busong”? “Positive, pero it’s not for competition. Puno ang theatre namin. Nagustuhan ng press at ng French and Belgian viewers. Sa Q&A, tinatanong nila ko about the butterflies na kasama sa film. Di raw ba ko nagulat o nandiri.”

She’s now back with GMA-7 doing “Sinner or Saint” after her last show with ABS-CBN, “Green Rose”, didn’t rate so well. “May ino-offer ang ABS, kaso guesting lang sa ‘100 Days’ nila, three taping days, so mas pinili ko itong sa GMA as they signed me up to a 2-year contract, guaranteed with two shows a year. Hindi yung walang kasiguraduhan na pag patapos na ang isang show mo, nag-aalala kang ‘Diyos ko, saan kaya ako kukuha ng pambayad sa bills ko bukas?’ And I play a good role in ‘Sinner or Saint’. Ako yung saint. Joke. I play a filthy rich girl na siyang magpapaaral kay Dennis Trillo para makatapos siya ng law. O, di ba parang bading ang lola mo na nagpapaaral ng lalaki? Ha-ha-ha!”

Will she be convincing in a rich girl role? “Why not? Ako naman, lahat ng klaseng role, kaya kong gampanan, kahit madre, o madre de pamilya, go! Sa ‘Busong’ na pinalabas sa Cannes, babae kong may mga sugat from head to foot, representing Palawan. Dito naman sa ginagawa ko ngayong ‘Ka Oryang’ for Director Kiri Dalena sa Cinema One, isa kong political prisoner noong martial law na nanganak sa bilangguan.”

Now that she’s back with GMA, what if she’s assigned to work with Rhian Ramos with whom she had a feud before? “Okay lang. Wala na sa’kin yun. Ang tagal na nun. Hindi ako namimili ng katrabaho, as long as bagay sa amin ang project.”

POST