<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jun 15, 2011

Amaya highlights - Week 3 (June 13-17)

DAY 1

Lulusubin ni Mangubat (Gardo Versoza) ang banwa ni Bugna (Raymund Bagatsing) . Babalaan ng ahas ang kambal niya sa peligrong kahaharapan nito. Sa gitna ng kaguluhan, isisilid ni Amaya (Marian Rivera) si Binayaan ( Glaiza De Castro) sa loob ng baul para itago ito. Mahuhuli sina Amaya at Marikit (Rochelle Pangilinan). Susubukang iligtas ni Dal’ lang (Lani Mercado) si Amaya pero si Binayaan ang tatambad sa kanya mula sa baul. Dahil hindi pa nakikita ni Dal’ ‘lang ang itsura ng dalagang si Amaya, aakalain niyang si Amaya si Binayaan. Magpapanggap naman si Binayaan.

Ihaharap ni Mangubat ang mga anak na bukot ni Bugna sa kanya. Dahil takot na saktan ni Mangubat ang kanyang mga anak, aamin si Bugna sa pagtataksil na ipinaratang sa kanya. Dadaluhan ni Amaya ang kanyang amang datu, isasantabi niya ang kanyang pagiging binukot. Sa kanyang unang pagkakataon ay aapak siya sa lupa mayakap lang ang kanyang “baba” o Ama. Tuluyan na ngang mamamatay si Datu Bugna sa kamay ni Rajah Mangubat. Madamdaming magpapaalam si Amaya sa namayapang ama


DAY 2

Bihag sina Amaya, Marikit , Awi (Roy Alvarez) at ilang uripon sa banwa ni Rajah Mangubat. Habang sakay ng karakoa ay patuloy ang pagtangis ni Amaya para sa ama. Matinding pagkasuklam ang kanyang nararamdaman kaya’t nais niyang humawak ng kampilan. Pagdating sa banwa ni Mangubat ay ipagtataka ni Amaya nang tukuyin ng Rajah si Datu Bugna bilang taksil.

Ipag-uutos ni Mangubat na dalhin sila sa kubong nakalaan para sa mga bihag.

Samantala, nananatiling buhat pa rin ni Paragahin (Rob Sy) si Marikit at itinuturing pa ring bai sa banwa ni Mangubat.

Magkikita ang mag-inang Lamitan at Marikit. Sasabihin ni Marikit na patay na ang kanyang “baba”. Kahit paano’y maluluha rin si Lamitan subalit tanggap niyang sasapitin iyon ni Bugna dahil napawi ng kanyang galit ang pagmamahal na mayroon siya sa Rajah. Malalaman ni Amaya mula kay Song-il ( Mon Confiado ) na si Dian Lamitan ang nagdiin sa kanyang ama kay Rajah Mangubat.

Napadpad sila Bagani (Sid Lucero) sa banwa nila Bugna upang puntahan ang binukot na si Amaya.

Ngunit dumating silang patay na si Bugna at sinalanta na ang kanyang puod.

Kasama ni Dal ‘lang si Binayaan na inakala niyang si Amaya.

Galit na galit si Amaya kay Dian Lamitan dahil ito ang may kagagawan ng pagkamatay ng kanyang ama. Nang nagharap ang dalawa, hindi na napigilan ni Amaya ang galit at susubukang saktan si Lamitan.


DAY 3

Hinawakan ng mga uripon ni Lamitan si Amaya upang matigil ito.

Ina-nunsiyo sa lahat ni Lamitan na si Amaya ay hindi na isang prinsesa kung di isa na siyang uripon.

Pinahubaran ni Lamitan ng baro si Amaya. Nagpupumiglas si Amaya ngunit wala siyang nagawa.

Nakuha na ang kanyang damit at isa na siyang ganap na uripon.

Bumalik na sa puod ni Mangubat si Bagani. Nalaman niya na nandoon sa grupo ng mga bihag si Amaya. Pinatawag ni Bagani si Amaya pero hindi gusto ni Amaya dahil kahit niligtas siya nito noon, si Bagani ay anak pa rin ni Mangubat na pumatay sa kanyang ama.

Pinilit dalhin si Amaya kay Bagani. Nagkita na muli ang prinsipe at ang bagong uripon na si Amaya.

Gulat si Amaya nang makita si Bagani.


DAY 4
Kinasukalaman at nabastos ni Amaya si Bagani, ngunit hindi pumalag ang prinsipe sa galit ni Amaya.

Napagtanto ni Amaya na si Bagani ang lalakeng nakasalubong niya sa baroto na siyang inibig niya.

Pero hindi na niya inisip na ibigin pa si Bagani dahil anak siya ni Mangubat.

Pinahayag ni Bagani kay Mangubat na si Amaya ang nais niyang maging-asawa.

Pinuntahan ni Marikit si Amaya at nilait-lait. Nagkasabunutan ang dalawang magkapatid. Nagsumbong si Marikit kay Lamitan kaya binalikan niya si Amaya na may dalang pamalo at sinaktan ng ilang beses si Amaya.


DAY 5

Pauli-ulit na pinalo ni Lamitan sa Amaya hangga’t sa lumuhod ito sa kanya at kilalanin ang sarili niya na uripon.

Hindi matanggap ni Amaya na lumuhod siya sa babaeng dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama. Nang bumalik si Lamitan sa kanyang silid, muntik na siya matuklaw ng ahas. Nagtataka ang kanyang uripon dahil bigla itong nawala.

Hindi pumayag si Mangubat na mapang-asawa ni Bagani si Amaya.

POST