<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jun 20, 2011

Amaya highlights - Week 4 (June 20-24)

DAY 1

Hindi pumayag si Mangubat (Gardo Versoza) na bilhin ni Bagani (Sid Lucero) si Amaya (Marian Rivera) kay Lamitan (Gina Alajar) . Dinala na ni Lamitan si Amaya sa kanilang balay upang magsilbing uripon.

Kinusap ni Mangubat ang anak at sinabihang tigilan si Amaya kungdi ay siya na mismo ang papatay nito.

Makikilala ni Ahak (Sheena Halili) at Kuling (Dion Ignacio) si Lumad (Mikael Daez) —isang uripon na tagapanday

ni Atubang (Daniel Fernando) . Tinulungan ni Lumad si Ahak at Kuling na makita si Amaya.

Nalaman ni Marikit (Rochelle Pangilinan) mula kay Amaya mismo na umiibig si Bagani kay Amaya at matagal na silang nagkakilala . Sa galit at selos si Marikit kay Amaya pinalabas niya ito ng balay nila at hindi papakainin. Dito dumating si Ahak at Kuling kaya’t unang pagkikita ito ni Lumad at Amaya.

Samantala, nagpadala ng pagkain si Bagani kay Bayang (Ana Feleo) . Nakilala ni Bayang si Amaya at nalaman niya sa pamamagitan ng pagbasa ng palad na si Amaya nga ang babaeng may kambal ahas.


DAY 2

Itinanggi ni Amaya kay Bayang na siya’y may kambal ahas ngunit naalala ni Amaya noon ang ahas na ilang beses na binanggit sa kanya ng kanyang ama. Nagtataka siya kung totoo nga kayang may kakambal siyang ahas.

Napansin ni Marikit na lumalapit si Bagani kay Amaya, kaya’t sinumbong niya ito kay Lamitan (Gina Alajar).

Nagtangka si Lamitan na sunugin ang mukha ni Amaya pero biglang lumitaw ang ahas na muntik nang manuklaw kay Lamitan noon.


DAY 3
Natakot ang mga uripon sa pagpapakita ng ahas kaya’t naisip ni Amaya na tumakbo palabas ng balay ni Lamitan. Pinahabol siya ni Lamitan sa mga uripon.

Sa pagtakas ni Amaya, nakasalubong niya si Angaway na gusto siyang angkinin pero sa tulong ni Lumad nakatakas muli si Amaya.

Nalaman ni Bagani na ipinagkasundo na siyang magpakasal kay Marikit ng kanyang ama.

Nakita ni Amaya si na Awi (Roy Alvarez) , Kuling (Dion Ignacio) at Ahak (Sheena Halili) . Nais siyang itakas nito sa mula sa puod ni Mangubat. Naitanong ni Amaya kay Awi kung totoo bang ipinanganak siya na may kambal ahas at itinakdang magliligtas sa lahat. Umamin si Awi na sa nalalaman niya kaya' t nagdesisyon si Amaya na huwag umalis sa puod na iyon upang tuparin ang kanyang tadhana.

Nahuli si Amaya nila Songil bago pa sila tuluyang makatakas.


DAY 4

Dinala si Amaya sa balay ni Lamitan. Agad namang nagtungo si Lumad kay Bagani upang ipaalam ang kalagayan ni Amaya. Puputulan ng paa si Amaya bilang parusa sa pagtakas ngunit napigilan ito ni Bagani. May utang na loob si Amaya kay Bagani ngunit hindi pa rin niya matanggap ito dahil sa anak si Bagani ng pumatay sa kanyang ama.

Tinanggap na ni Amaya na tunay ngang may umalagad siya na ahas. Naka-usap niya ito at ginawan pa ng sarili niyang silid sa ilalim ng balay ni Lamitan.

Nalaman ni Hilway (Angie Ferro) mula kay Atubang (Daniel Fernando) na may pagtingin si Bagani sa isang uripon. Naisip niya na hindi karapat dapat na maging Rajah si Bagani dahil sa pag-ibig niya sa uripon. Si Angaway (na anak ni Atubang sa anak ni Hilway) na kasing lakas ni Mangubat ang mas dapat na magmana ng trono ni Mangubat.

Lumapit si Lamitan kay Mangubat at sinabi ang pagtatanggol ni Bagani sa kanyang uripon na si Amaya.

Tila umiibig nga ang ginoo sa isang uripon.

Pinatawag ni Mangubat si Amaya dahil sa pagsusumbong ni Lamitan. Pinarusahan si Amaya muli sa pamamagitan ng paggupit ng kanyang buhok.


DAY 5


Tuluyang ginupit gupit ang mahabang buhok ni Amaya. Ngunit hindi natinag si Bagani na daluhan at ibigin si Amaya.

Itinaboy siya ni Amaya dahil siya ang dahilan kung bakit siya pinaparusahan ni Mangubat.

Nalaman ni Mangubat na pinuntahan ni Bagani si Amaya kaya’t sa galit nito ay ipinautos niya na patayin na si Amaya.

Upang mapigilan ang nais ng ama, pumayag na siyang lalayo kay Amaya at bukod pa rito'y papayag na siyang ikasal kay Marikit.

Nalaman naman ni Hilway na ang ahas na palaging nagpupunta sa balay nila Lamitan ay maaring ang kambal ahas na pinupuntahan ang kakambal niya sa puod. Sino sa kanila ang kakambal ng ahas?

Samantala, sa galit ni Amaya sa ginawang parusa sa kanya ni Mangubat, kinausap niya ang kanyang ahas at nagbalak na silang patayin ang Rajah.

POST