<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jun 27, 2011

Amaya highlights - Week 5 (June 27-July 1)

DAY 1

Kumausap sila Hilway ng umalagad upang alamin kung ang ahas na laging nagpupunta sa puod nila Lamitan ay siyang kambal ahas na tinutukoy sa propesiya noon. Hindi sumagot ang umalagad kaya’t lalong lumakas ang kutob nila na marahil ay totoo nga na ang kambal ahas ay nandito sa puod ni Mangubat.

Sumugod si Amaya sa balay ni Mangubat kasama ang kanyang ahas. Nadatnan niyang natutulog si Mangubat kaya nakita niyang pagkakataon ito upang patayin ang Rajah. Mapapatay na kaya ni Amaya si Mangubat?

Dinala ni Bayang si Amaya sa balay ni Lamitan para magsilbi muli bilang uripon. Doon din nagpunta ang grupo ng babaylan na nagsabing maaring nandoon sa balay nila Lamitan ang babaeng may kakambal na ahas.


DAY 2

Inisa-isa ni Nana Sala na basahin ang nakaraan ng bawat taong nasa balay ni Lamitan upang matukoy kung sino sa kanila ang ipinanganak na may kambal ahas. Kabado si Amaya.

Pero lalong nadagdagan ang kaba ni Amaya dahil dumating din si Mangubat upang malaman niya at patayin agad kung sino man ang matukoy na babaeng may kambal-ahas.

Nang si Amaya na ang natirang uripon na basahan ni Nana Sala, sumugod ang mga ahas sa balay at natuklaw si Amaya at si Nana Sala.

Naitanong ni Banuk kay Lingayan ang kwento ni Magwayen.

Ang diwata na sumusunod sa mga kaluluwa ng mga namatay na tao.

Nagkataong hindi nagamot ni Hilway si Nana Sala at si Amaya. Tuluyan na bang mamatay si Amaya?


DAY 3

Tuwang tuwa si Lamitan at Marikit sa nangyari kay Amaya.

Nakita ni Amaya ang sarili niya sa baroto ni Magwayen kasama si Nana Sala. Dadalhin ni Magwayen ang dalawa sa pinto ng Sulad (purgatoryo). Pero bago mangyari iyon ay kukunin ni Pandaki (isang diwata) si Amaya kay Magwayen dahil hindi pa ito ang tamang panahon. Ibabalik niya ito sa katawang tao niya.

Naglaban si Pandaki at Magwayen.


DAY 4

Tumanggi si Amaya maging babaylan at bumalik sa bahay nila Lamitan.

Nagulat sila Mangubat sa pagdating ni Amaya.

Maaring siya nga ang kambal ahas kaya’t naisip ni Mangubat na paslangin si Amaya.

Napigilan si Mangubat ng kanyang asawa. Marahil kaya siya nakabalik ay kinasihan si Amaya ng mga diwata upang maging babaylan at hindi ang iniisip niyang dahil may kambal ahas ito. Pinatotohahanan naman ni Hilway ang sinabi ni Lingayan kaya’t nailigtas si Amaya. Pero ayaw pa rin ni Amaya maging babaylan.

Kinumbinsi ni Bayang si Amaya na maging babaylan. Inilahad niya ang kapangyarihgan ng isang babaylan sa isang pungsod. Sinabi niya na kung maging babaylan si Amaya ay madali niyang magagawa ang kanyang paghihiganti laban kay Mangubat. Mapapa-isip na si Amaya. Tila nakumbinsi siya ni Bayang.


DAY 5

Pinuntahan ni Amaya ang balay ni Hilway upang ipahayag sa kanila na nais na niyang maging alabay upang maging ganap na babaylan. Dahil dito ay nawala na sa pag ka-uripon si Amaya. Isa na siyang alabay.

Samantala, nasaksihan ni Amaya ng pamamanhikan ni Bagani kay Marikit. Masakit para kay Amaya na malaman na nakatakdang ipakasal na si Bagani kay Marikit.

Nagalit si Lamitan kay Amaya dahil tinanggap niya ang pagiging alabay nito.

Ibig sabihin hindi na niya maaring basta saktan si Amaya dahil hindi na siya uripon.

Natunghayan ni Amaya na naging ganap nang mag-asawa si Bagani at Marikit.

POST