<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jun 12, 2011

Sisid Week 3 Highlights - June 13-17

DAY 1, June 13, 2011 (Monday)

Ikukulong ng kani-kanilang mga magulang sina Eden at Sig upang hindi na magkita pa ang dalawa. Yayayain ni Sig si Eden na magtanan pero magdadalawang-isip si Eden . Dahil nalaman ni Alicia na nakikipagkita pa si Eden kay Sig, mas lalong nitong mamadaliin ang kasal ni Eden kay Ahmed. Magawa pa kaya ni Eden na makatakas at sumama kay Sig na magtanan?


 

DAY 2, June 14, 2011 (Tuesday)

Matutuloy sina Sig at Eden sa kanilang pagtatanan at madidiskubre ng lahat na nawawala ang dalawa. Hahanapin sila ni Ahmed, maging nina Alona at ng mga tauhang nito subalit matagpuan kaya nila ang dalawa? Sa laot, habang tumatakas ay madadaan sa isang malakas na bagyo sina Sig at Eden. Malagpasan kaya nilang dalawa ang pagsubok na ito sa kanilang pag-iibigan? Paano kung bigla na lamang mawala si Sig sa piling ni Eden?


DAY 3, June 15, 2011 (Wednesday)

Muling magkakasama sina Eden at Sig at maililigtas sila ng isang naglalayag na barko. Dito ay makakakilala sila ng mga bagong kaibigan, maging ng bagong kaaway. Malagpasan kaya nina Eden at Sig ang bagong pagsubok na ito? Mananatili pa rin bang matibay ang kanilang samahan kung magdadalawang-isip na si Eden sa tunay na hangarin sa kanya ni Sig? Sa isla, habang pinoproblema ng iba ang pagkawala ni Eden ay ibubunyag ni Segismundo ang isang katotohanan, na pag-aari na niya ang buong isla? Saan hahantong ito? May pag-asa pa ba sina Hamil na mabawi ang kanilang mga lupain? Ang pag-asa bang ito ay ang perlante?


DAY 4, June 16, 2011 (Thursday)

Muntik nang mapahamak si Sig dahil nabisto niya ang ilegal na gawain ng tauhan sa barko na si Olsen. Pero hindi susuko si Olsen, gaganti ito kay Sig na ikalalagay ng buhay ni Sig sa langanin. At habang naghihingalo, yayayain ni Sig si Eden na magpakasal. Sa isla, tumitindi na ang alitan sa pagitan ng mga taga isla at ng kampo ni Segismundo habang si Perla nama’y kumukuha ng tiyempo para nakawin ang mapa ng Perlante na hawak ni Hamil.Magtagumpay kaya si Perla? Paano kapag nagharap na ang pwersa ni Segismundo at ang mga taga-isla na handang lumaban?


DAY 5, June 17, 2011 (Friday)

Ikakasal sina Eden at Sig dahil sa kahilingan ni Sig. Makakarating sila ng Maynila subalit naghihintay sa kanila ang mga tauhan nina Alona. Matakasan kaya nila ang mga ito? Paano kung malagay sa panganib ang buhay ni Sig dahil sa tinamong pinsala sa katawan? Kanino hihingi ng tulong si Eden? Sa isla, sugatan ang mga taga-isla na nagtangkang lumaban sa grupo ni Segismundo lalung-lalo na si Ahmed. Samantalang nagtagumpay naman si Perla na manakaw ang mapa ng perlante. Paano kapag nadiskubre ni Hamil na nawawala ang mapa, ang tanging paraan nila para mabawi ang isla? Ano na ang gagawin nila?

POST