<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jun 22, 2011

Sisid Week 4 Highlights - June 20-24

DAY 1, June 20, 2011 (Monday)

Ikakasal sina Eden at Sig dahil sa kahilingan ni Sig. Makakarating sila ng Maynila subalit naghihintay sa kanila ang mga tauhan nina Alona. Matakasan kaya nila ang mga ito? Paano kung malagay sa panganib ang buhay ni Sig dahil sa tinamong pinsala sa katawan? Kanino hihingi ng tulong si Eden ?

Sa isla, sugatan ang mga taga-isla na nagtangkang lumaban sa grupo ni Segismundo lalung-lalo na si Ahmed. Samantalang nagtagumpay naman si Perla na manakaw ang mapa ng perlante. Paano kapag nadiskubre ni Hamil na nawawala ang mapa, ang tanging paraan nila para mabawi ang isla? Ano na ang gagawin nila?


DAY 2, June 21, 2011 (Tuesday)

Hihingi ng tulong si Eden sa kaibigan ni Sig na si Dexter subalit ito ang magiging daan para matagpuan sila ni Alona. Pilit na ihihiwalay ni Alona si Eden kay Sig subalit mananaig ang pagmamahal ni Eden kay Sig. Pero paano kapag buhay na ni Hamil ang malagay sa panganib? Magagawa pa rin kaya ni Eden na manatili sa tabi ni Sig?

Sa isla, unti-unti nang nag-aalisan ang mga taga-isla. Suko na sila sa grupo ni Segimundo pero mananatili sina Hamil at Alicia maging si Ahmed sa pag-asang babalik sa kanila si Eden . Samantala, kahit nasa kanya na ang mapa ay di pa rin matagpuan ni Segismundo ang Perlante. Isang hakbang ang gagawin niya na ikalalagay sa panganib ng buhay ni Hamil.


DAY 3, June 22, 2011 (Wednesday)

Sasabihin ni ALona kay Eden na may masamang nangyari kay Hamil. Walang magagawa si Eden kundi iwan ang nasa ospital na si Sig. Maabutan pa kaya ni Eden na buhay ang kanyang ama? Paano kapag nalaman ni Sig na iniwanan siya ni Eden at palabasin ni Alona na ginawa ito ni Eden dahil hindi na nito mahal si Sig?


DAY 4, June 23, 2011 (Thursday)

Mamamatay si Hamil at malalaman ni Eden na kagagawan ito ni Segismundo. Susugurin ni Eden si Segismundo pero babaligtarin nito ang kwento. Maguguluhan si Eden , hindi alam kung sino ang papaniwalaan habang si Alicia nama’y unti-unting magkakaroon ng galit kay Eden dahil sa pagkamatay ni Hamil. Matatanggap pa ba ni Alicia ang anak na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang asawa?

Samantala, malalaman naman ni Sig na pakana ni Alona kung bakit biglang nawala si Eden . Pero ililihim pa rin nina Alona ang tunay na nangyari kay Hamil. gugustuhin ni Sig na puntahan si Eden subalit madidiskubre niya na hindi niya magawang makalakad. Muli pa kayang magkita sina Eden at Sig?


DAY 5, June 24, 2011 (Friday)

Dahil sa nangyari kay Hamil, mawawalan na ng ganang mabuhay si Alicia. Tatangkain nitong magpakamatay at ililigtas siya ni Eden. Subalit malalaman ni Alicia na hindi pa rin magawang makalimutan ni Eden si Sig. Ipagtatabuyan ni Alicia si Eden .

Nais naman ni Sig na muling makita at makausap si Eden . Subalit hahadlangan ni Alona ang lahat ng nais gawin ni Sig hanggang sa ilipat ni Alona si Sig ng ospital kung saan hindi na siya maaaring balikan ni Eden. May pag-asa pa kayang muling magkasama sina Eden at Sig?

POST