<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jul 13, 2011

Munting Heredera Highglights Week 10 (July 13-15)

Monday (July 11)

Maaawat ni Marya ang bangayan nila Sandra at Lynette, pero hindi na kakayanin ni Sandra ang sitwasyon sa mansyon, lalo dahil nadadamay ang mga bata. Magpapasya siyang magpaalam na kay Lola Ana pero magsasakit-sakitan na naman ito para mapigilan sila ni Michelle na umalis. Iiwas na lang si Sandra kay Jacob para hindi na sila magkagulo ni Lynette, at ganun din ang ginawang payo ni Manny kay Jennifer – iwasan sina Michelle at Calilla para hindi na siya madamay pa sa gulo.

Susundin ni Jennifer ang payo ng ama. Pero dahil sa mga pagkakataong magkalapit sila ni Sandra, hindi maaalis ang galit ni Michelle sa kanya. Aaway-awayin siya nito kahit hindi siya lumalaban at si Calilla pa ang magtatanggol kay Jennifer. Hanggang sa papipiliin na nila Calilla at Michelle si Jennifer kung kanino ba siya talagang kakampi? Hindi alam ni Jennifer ang sasabihin.

Ramdam naman ni Lynette na hindi kampi sa kanya ang matatanda sa mansion, pero dahil sa pagkakatuklas ni Calilla sa mga gamot na hindi iniinom ni Lola Ana, titindi ang hinala ni Lynette na may pakana lang ito. Lalapit siyang muli kay Philip, this time, handa na siyang magbayad kapalit ng impormasyon. Agad namang mabubuko ni Philip si Dr. Meneses, at iba-blackmail pa niya ang doctor pero magbibitiw na ito kay Lola Ana para hindi na mahuthutan muli ni Philip. Mukhang si Lynette na lang talaga ang mapeperahan ni Philip.


Tuesday (July 12)

Ang hindi alam ni Lynette, natunugan na ni Lola Ana na may ginagawa siyang kalokohan kasama ang doctor na si Philip dahil na rin kina Jennifer at TonTon. Pinasusundan ng matanda si Lynette, pero bago pa nila matuklasan ang modus nito, mabibigyan na siya ni Claire ng babala na huwag makipagkita kay Philip!

Hindi matutuloy ang pagkikita ni Lynette at Philip. Si Gemma na lang ang uutusan ni Lynette na kumuha ng pera at makipagkita dito, pero hindi aabutan ni Gemma si Philip. Dinukot ito ng mga goons at binugbog! May utang pala sa isang Chinese loanshark si Philip, halagang tatlong milyong piso, at kapag hindi siya nakabayad ay papatayin siya ng mga ito!

Taka naman sina Lynette, Claire at Desmond kung bakit bigla siyang pinapasundan ni Lola Ana. Si Jennifer lang at ang mga nalalaman nito ang nakikita nilang rason – kaya kukumprontahin na naman siya ni Lynette. Malalaman na nga ni Lynette na nakarating kina Lola Ana ang ginawa nila ni Philip sa ospital, kaya mapipilitan siyang magbait-baitan sa mansion. Makikipag-bati na siya kay Sandra, hindi man sila maging magkaibigan, ang mahalaga, hindi na sila magkaaway.

Ikatutuwa ni Michelle ang tulutang paglayo ni Jennifer kay Sandra, pero hindi niya gusto ang pag-iwas nilang mag-ina kay Jacob. Igigiit niya sa ama na iwan na sina Lynette kung mahal pa nito si Sandra, at hindi naman maitanggi ni Jacob ang nararamdaman niya para dito. Pilit na umiiwas si Sandra kay Jacob, pero binabalikan niya pa rin ang masasayang alaala nila. Napapansin ito ni Lola Ana at tila hinihintay niya na bumigay si Sandra sa silakbo ng damdamin niya.


Wednesday (July 13)

Gusto pa rin ni Lynette na alamin ang sikreto ni Lola Ana mula kay Philip, at si Gemma ang kinakasangkapan niya dahil hindi na niya pwedeng kitain ito. Nang matunton ni Gemma si Philip, bugbog-sarado ito at nanghihingi pa ng dagdag na pera kay Lynette! Limang milyong piso na ang presyo niya, at magbabantang kung hindi magbibigay si Lynette ay ibebente niya kina Lola Ana at Jacob ang impormasyon tungkol kay Calilla!

Hindi na makatanggi si Lynette kay Philip, pero tatawad ito sa presyo ng lalaki. Ibababa ni Philip sa tatlong milyon ang hinihingi, at bibigyan si Lynette ng isang linggo para ihanda ang pera. Sa kumpanya ng mga Montereal balak nakawin nila Lynette, Claire at Desmond ang pera, pero kailangan muna nilang malinlang si Jacob na pirmahan ang tseke para mabayaran si Philip.


Thursday (July 14)


Patuloy lang ang arteng bait-baitan ni Lynette. Tila nakikipagkaibigan na rin siya kay Sandra, at hinahayaan pa niyang magkausap sila ni Jacob. Ngunit kahit pinaglalapit sila maging ni Lynette, nagpipigil pa rin ng damdamin ang dalawa dahil alam nilang mali ito. At para bang pati sina Lynette at Claire ay naghihintay sa pagkakataong makakalimot ang dalawa at bibigay na sa kanilang mga damdamin…

Sa school man o sa mansion, tuloy ang iwas nila Jennifer at TonTon kina Michelle at Calilla pero ayaw pa rin silang tantanan ng mga ito. Hindi na lang nagrereklamo at nagsusumbong si Jennifer, iniisip niyang magsasawa rin si Michelle kung hindi nila papatulan. Mula sa kanilang dalawa rin malalaman ni Lola Ana na arte lang ni Lynette ang biglaang kabaitan nito sa lahat – at gustong makita ni Lola Ana kung anong kahihinatnan ng drama ni Lynette.

At mukhang malapit na ngang dumating ang inaasahan ni Lola Ana, dahil desperado na si Philip at hindi na siya makakapaghintay sa pera na ibabayad sa kanya ni Lynette. Pupunta na si Philip sa mansion ng mga Montereal. Ilalantad na ba niya na pekeng heredera si Calilla?


Friday (July 15)

Nagmamadali si Lynette na pigilan si Philip sa balak nito, at pati sina Claire at Desmond ay minamadali din niyang ayusin ang perang ibabayad nila dito. Magtuturuan pa ang dalawa kung sino ang magpapapirma kay Jacob, at makakakita si Claire ng pagkakataon nang dumating si Sandra para magsimula sa bago niyang trabaho sa mall. Gagamitin ni Claire si Sandra para mawalan ng focus si Jacob, at tagumpay siyang papirmahan kay Jacob ang tseke!

Makakapasok si Philip sa loob ng mansion, idadahilan niyang siya ang inirekomenda ni Dr. Meneses na kapalit na doctor para kay Lola Ana. Pero walang tiwala si Lola Ana sa kanya, lalo na nang biglang dumating si Lynette at napansin niya ang tinginan ng dalawa. Itatabi nila ang contact number ni Philip, at sasabihing hindi na kailangang pasundan pa si Lynette.

Babayaran na ni Lynette si Philip kahit galit siya sa ginawa nito, pero malalaman niyang hindi doon natatapos ang blackmail nito sa kanya. Ngayong madali para kay Philip na bumalik sa mansion at makalapit kay Lola Ana, lalong hihigpit ang hawak niya kay Lynette at tataas ang kanyang demands – patuloy na huhuthutan niya ito!

Lalong iigting ang pagnanasa nila Lynette, Claire at Desmond na tapusin na ang paghihirap nila sa poder ng mga Montereal. Papangakuan ni Lynette si Philip ng parte ng yaman ni Lola Ana kung tutulungan sila nito. Plano nilang lasunin si Lola Ana – papalitan nila ang gamot na iniinom nito para matuluyan na siya! Pero nang pinapalitan ni Desmond ang mga gamot, parating naman si Marya…

Samantala, pinapalampas naman ni Jennifer ang mga pang-aapi ni Michelle sa kanya at kay TonTon sa school. Hindi na sila makakain tuwing recess, pero hinahayaan na lang niya. Umaasa si Jennifer na magsasawa din si Michelle pero hindi naman ito tumitigil. Hanggang sa lagyan nila Michelle ng palaka ang pagkain ni Jennifer at ma-trauma si TonTon dahil dito – hindi na mapalampas ni Jennifer ang pagiging salbahe sa kanila ni Michelle, lalaban na siya!

POST