THE LAST CINEMALAYA is quite controversial. The decision of the jurors not to give a best script award in the Directors Showcase category got negative feedback from industry people. Here’s one from Gerry Gracio who wrote “Ligo na U Lapit na Me” and “Isda”. To quote him: “Bilang screenwriter, nainsulto ako sa hindi pagbibigay ng Cinemalaya jury sa taong ito ng Best Screenplay Award sa Directors Showcase. Hindi ako nainsulto dahil hindi ako ang nanalo. Sanay na akong matalo. Dahil awards lang naman ang konsuwelo ng screenwriters sa Pilipinas. Lalo pa't maraming screenwriters ang hindi binabayaran nang tama. Nainsulto ako dahil pakiramdam ko, ang Cinemalaya, na bastion sa pagpapalaganap ng bago at tamang kalakaran sa industriya ay siya mismong nangunguna sa pagbabale-wala sa mga manunulat. Nagsisimula ang Cinemalaya sa pagpili ng pinakamahusay na screenplay. Ibig sabihin, bago ka matanggap sa Cinemalaya, kailangan mong mag-submit ng concept at sequence treatment. Batay sa treatment at sa concept, mamimili ang Cinemalaya Screening Committee ng finalists na mapapasama sa top 10, at bibigyan ng grant bilang seed money para magawa ang pelikula. Ibig sabihin, kung nakapasok ang proyekto mo sa Cinemalaya, hindi ito dahil sa kaibigan mo ang mga nasa committee kundi dahil sa maganda at may promise ang iyong concept at treatment. Ibig sabihin, maganda ang iyong screenplay. Ngayon, kahit ano pa ang sabihin, kahit sabihin pa na may mga direktor na nakakagawa ng pelikula gamit lang ang palara ng yosi, ang unang batayan ng pagpili ng mga makakapasok sa Cinemalaya ay screenplay. Sabi nga sa akin ni Robbie Tan, puwede kang magsumite ng script sa Cinemalaya at kapag pumasa, sila ang magrerekomenda ng direktor para sa iyong materyal. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi nagbigay ng Best Screenplay award ang Cinemalaya jury. Maiintindihan ko kung walang Special Jury Prize. Baka may magandang screenplay pero pangit ang execution. O may pangit na screenplay na nakalusot sa mata ng screening committee at nang magawa nang pelikula, na-validate ng jury na pangit ang konsepto at script na iyon at hindi dapat nakalusot sa pinagpipitaganang panlasa ng jury. Ano ang ibig sabihin ng hindi pagbibigay ng best screenplay award? Na pangit ang lahat ng screenplay sa Directors Showcase? E di sana hindi na ito pinondohan ng Cinemalaya. Na magkahiwalay ang script at pelikula? Na kahit pangit ang screenplay, magiging maganda pa rin ang pelikula? Ano na ang silbi ng mga screenwriter? E di huwag na lang mag-submit ng script sa Cinemalaya. I-submit na lang natin ang pangalan ng mga direktor at batay sa mga pangalan, magdesisyon na lang ang Committee kung sino ang dapat at hindi dapat bigyan ng grant. Ilang beses na rin akong nag-script doctor para sa Cinemalaya. Binabayaran ako ng 5,000 para busisiin ang script. At pag sinabi kong busisi, hindi ito nitpicking, para akong nagsusulat ng bagong screenplay. Pumapayag ako, kahit na kulang ang 5,000 para makabili ng cat food, lalo na kung ang pusa mo ay imported. Ito rin ang dahilan kung bakit nagsusulat ako ng pelikula para sa Cinemalaya kahit 10 o 15 thousand lang ang bayad, o kung minsan, libre na lang, beer na lang, o skyflakes, o cat food, kahit na sa totoong buhay, mas mahal ang cat food kaysa sa pagkain ng tao. Pumapayag ako dahil naniniwala ako sa Cinemalaya: na naniniwala ang Cinemalaya sa kahalagahan ng mga writers. Dahil naniniwala ako na itinataguyod ng Cinemalaya ang sining, kasama na ang mga manunulat. Pero hindi ko ito naramdaman. Nainsulto ako. Pasensiya na kung kailangan ko ng mahabang note para iparating ang sakit na nararamdaman ko sa pang-iinsulto sa akin bilang screenwriter. Hindi ko matatanggap ang nangyaring insulto. Lalo na’t dalawa sa miyembro ng jury ang screenwriter (Mario O’Hara at Doy del Mundo.)”
<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script>
<!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 -->
<ins class="adsbygoogle"
style="display:inline-block;width:300px;height:250px"
data-ad-client="ca-pub-1272644781333770"
data-ad-slot="2530175011"></ins>
<script>
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
</script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.