<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Aug 21, 2011

Munting Heredera Highlights – August 22 to 26

August 22, 2011 (Monday)

Imbis na dalhin sa ospital, sa isang talahiban lang dadalhin ni Simeon si Desmond. Babarilin pa niya ito sa dibdib at iiwan na para mamatay. He lies to Jacob para tumupad naman ito sa usapan. Tatawagan nila si Sandra, and Jacob tells her what she needs to do. Ito lang ang paraan para malaman nila kung nasaan ang tunay nilang anak.

Matatagpuan na si Desmond, buhay. Matutuwa si Claire pero mag-aalala pa rin si Lola Ana dahil hindi nito kasama si Jacob. Maghahanda na si Sandra para sa pagkikita nila nina Jacob at Simeon, dala niya si Michelle.


August 23, 2011 (Tuesday)
Pero hindi basta-bastang hahayaan ni Jacob na magtagumpay si Simeon. Makakakuha siya ng matalim na bagay at ito ang gagamitin niya laban kay Simeon! Makakatakas si Jacob matapos niyang masugatan ito!

Makakalayo si Jacob kay Simeon, makakahanap ng tulong. Makakalagan siya at makakatawag kay Sandra, hindi na ito pinatutuloy sa pagkikita nila. Pero hindi pa uuwi si Jacob, gusto niyang ipahuli si Simeon para malaman na rin mula dito kung nasaan ang tunay nilang anak. Pero bago pa makarating sa mga pulis si Jacob, mahaharang na siya ni Simeon!


August 24, 2011 (Wednesday)

Pupunta rin si Sandra sa mga pulis, at doon niya mababalitaan na naabutan na naman ni Simeon si Jacob! Mahihintakutan si Sandra, gusto niyang mahanap si Jacob bago sila bumalik sa mansyon, at kung hindi naman, hindi na sila uuwi doon ni Michelle. Sinisisi ni Sandra ang sarili sa lahat ng mga pangyayari, pero makukumbinsi siya ni Lola Ana na bumalik sa mansyon para maprotektahan from Simeon maging si Michelle.

Kakalat naman sa mansyon ang chismis tungkol sa tunay na pagkatao ni Michelle mula sa bodyguard na nakarinig kina Sandra at Manny na nag-uusap. Pati kina Jennifer at TonTon ay makakarating ang balita!

Alam na ni Jacob ngayon na hindi siya pwedeng patayin ni Simeon dahil mawawalan siya ng hold over Sandra and Lola Ana. Hahamunin ni Jacob si Simeon at magkaka-agawan sila sa baril! Hindi sinasadyang mababaril ni Simeon si Jacob! Hindi alam ni Simeon ang gagawin.


August 25, 2011 (Thursday)

Gigising na si Desmond, at naroon agad sina Lola Ana para itanong kung ano ang tunay na nangyari. Hindi alam ni Desmond kung anong isasagot dito…

Bibigyan ni Claire si Desmond ng clue sa kung anong sasabihin at mula doon ay ikukwento niya na kay Lola Ana ang detalye ng pagkakakulong niya kasama si Jacob sa hideout ni Simeon. Magpapasalamat pa si Lola Ana sa pagtatangka ni Desmond na iligtas si Jacob, pero nang magka-solohan ang mag-asawa, tuloy pala ang plano nila ni Claire! Lalo na ngayong wala ang tunay na heredera ni Jacob, at mukhang hindi na rin ito makakauwi ng buhay.

Sasabihan ng pulis si Lola Ana na maghintay ng tawag ni Simeon dahil malapit na siyang kontakin nito matapos matagpuan ni Desmond. Sa pagtawag ni Simeon, Lola Ana demands na makausap si Jacob pero babagsakan lang siya ni Simeon ng telepono. Inilibing na kasi ni Simeon ang sugatang katawan ni Jacob sa liblib na lugar. Kukutuban ng masama si Lola Ana sa lagay ni Jacob. Magsisimulang manamlay si Lola Ana.

Nilalayuan naman ng maids si Michelle sa bahay sa takot na madulas sila kapag pinagmalditahan sila nito. Pati si TonTon ay gusto nang layuan si Michelle, si Jennifer na lang ang naaawa sa kanya pero wala naman itong magawa. Mapipika na si Michelle sa paglayo sa kanya ng mga bata, pagdidiskitahan niya si Jennifer! Aawatin sila ni Manny pero si TonTon ang hindi makakapagtimpi, sasabihin niya ang totoo kay Michelle!


August 26, 2011 (Friday)

Susubukang bawiin pa ni TonTon ang sinabi kay Michelle pero wala na siyang magagawa. Itatanong na ni Michelle kina Sandra at Lola Ana ang totoo at wala na silang choice kundi aminin kay Michelle ang totoo. Masasaktan si Michelle, pakiramdam niya, ito ang dahilan kung bakit walang nagmamahal sa kanya…

Nawala na ang gana ni Lola Ana sa buhay, hindi na siya lumalabas ng kwarto at hindi na rin kumakain pero itinatago niya pa rin sa lahat, maliban kay Marya, ang totoo tungkol sa tawag ni Simeon. Wala na siyang gana maging sa negosyo, ipapaubaya na niya kay Desmond ang lahat.

Nagkukunwari naman sina Desmond at Claire na nagbago na sila, dahil pangalawang buhay na nga ito ni Desmond. Ginagawa nila ito para makumbinsi si Kyla na huwag nang magsumbong kay Lola Ana, at mukhang nakukuha naman nila ang tiwala ng bata.

Lalong mararamdaman ni Michelle na hindi siya kabilang sa pamilya ng mga Montereal, at magkakaroon sila ng pagkakataon ni Simeon na makapagkita. Ibibigay ni Simeon ang numero niya kay Michelle, at tatawagan naman siya ng bata. Magkakaroon sila ng usapan na kukunin na ni Simeon ang bata sa mansyon…

Samantala, sa ospital, may dadalaw sa hindi pa rin nagkakamalay na si TJ. Mukhang may balak na tuluyan na siya…

POST