VICE GANDA admits there’s a kink in his relationship with manager Ogie Diaz. Ngayon po, hindi kami masyadong close. Oo, honestly, seriously, hindi po kami masyadong nag-uusap ngayon. ’Yun nga ang problema kasi hindi ako masyadong magaling magsinungaling. Di ko masabing, ay okay po kami ni Ogie ngayon. Hindi po kami masyadong okay ni Ogie, pero hindi po kami magkaaway. Pa’no ba ’to? Hindi lang kami masyadong masaya ngayon, ganu’n. Masarap sanang pag-usapan, pero parang unfair sa akin at saka kay Ogie kung unahin kong sagutin ang tanong n’yo bago ’yung tanong namin sa isa’t isa. It’s a phase. Lahat naman, phase lang. Alangan namang habambuhay kayong maging malungkot, hindi naman ganu’n. At saka, lagi naman kaming nagkakasundo, pero may mga bagay din kaming hindi pinagkakasunduan. Pero hindi kami maghihiwalay. Masyado ng malalim ang pagkakaibigan namin. Hindi lang kami masyadong masaya ngayon, may mga problema kami na may kinalaman sa trabaho. Pero bukod du’n, wala na.”
And what can Ogie say about this? This is what he wrote: “Siya na rin ang nagsabing may problema kaming pinagdadaanan bilang manager-talent. Sa totoo lang, normal lang naman ito sa isang relasyon. Kahit sa magsyota, mag-ina, magkapatid, magkaibigan, hindi nawawala ang diskusyon at alitan. Hindi personal ang problema kundi may kinalaman sa trabaho. At naniniwala kami na ang bagay na ito ay parang hindi magandang “isumbong” pa sa publiko, dahil unang-una, hindi maiintindihan ng karamihan. At ang tendency, magpaliwanag kami sa publiko gayong kaming dalawa lang ang makakaayos nito. Anyway, nasabi na ang nasabi. Anuman ang kahinatnan ng usaping ito ay sana, maayos pa rin. Pero kung hindi na maaayos, gano’n lang naman ‘yon. ‘Yung mag-asawa nga, kahit sampung taon nang nagsasama, dumadaan din sa ganitong problema kahit pa sila’y may mga anak pa, kami pa kaya ni Vice? Basta ang importante sa amin ngayon, kung sakaling mauuwi rin nga sa hiwalayan, sana’y ingatan ni Vice ang kanyang bonggang career, lalo na ang kanyang kalusugan.”