<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Feb 11, 2012

Alice Bungisngis And Her Wonder Walis Week 2 Highlights

Day 1, February 13

Lumaking sweet at lovable si Alice sa ampunan. Pero marunong din siyang lumaban lalo na at kapag nasa tama siya. Kaya lang, may isang bagay na hindi alam ang mga tao tungkol kay Alice at maging si Alice ay hindi rin alam ito…ngayong 16 years old na siya ay mapupukaw na ang “special powers” niya bilang mangggaway. At dahil dito ay muling makakaramdam ng “surge of energy” si Esmeralda at magbabalik na ang ganda niya!

Pero kahit hindi alam ng mga tao na may “special powers” si Alice ay kinaiinggitan pa rin siya dahil sa kanyang kabutihan. Sisirain nina Wendy ang mga tanim ni Alice. Magagalit tuloy si Alice. May mangyayaring masama kina Wendy at ang sisisihin nila ay si Alice. Shocked tuloy si Alice. Maniwala kaya ang mga tao sa bintang kay Alice?



Day 2, February 14

Magi-guilty si Alice. Pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit inatake at naospital si Father Greg. Gusto niyang dalawin ang pari pero hindi siya papayagan ni Doray. Makikiusap si Ipeng kay Doray para pagbigyan na si Alice pero magmamatigas ito. Malulungkot tuloy si Alice.

Kaya lang, sasabihin ni Wendy kay Alice na mamamatay na raw si Father Greg. Mag-aalala tuloy si Alice kaya tatakas siya! Mahuli kaya ni Doray si Alice?! At ano kaya ang mangyayari sa ating bida pag nalaman ni Esmeralda na si Alice pala ang dahilan kaya unti-unti siyang lumalakas?!




Day 3, February 15

Makukulong si Alice dahil sa ginawa niyang pagtakas. Pero ang totoo, niloko lang siya nina Wendy. Ililigtas sana siya nina Gelay pero pipigilan sila nina Wendy. Itutulak ni Wendy si Gelay. Bigla tuloy mawi-wish ni Alice na madapa si Wendy at magkakatotoo nga ito! Ituturo ni Wendy si Alice na ito ang may kasalanan. Magmamakaawa si Alice kay Doray pero tatalian pa rin siya nito at itatapon sa loob ng madilim na bodega.

Samantala, uutusan ni Esmeralda sina Tim at Tom na bumalik sa Sitio Gaway-gaway. Sabik na sabik na siyang bumalik sa dati niyang anyo.



Day 4, February 16

Aawayin ni Ipeng si Doray dahil sa ginawa nito kay Alice. Mag-aalala naman si Alice dahil nagkakatotoo ang mga sinasabi niya – baka nga magkukulam siya! Pero papayuhan siya ni Ipeng na wag maniwala sa mga tao dahil mabuti siyang bata. Mapapahamak ulit si Alice! Makalusot pa kaya siya sa mukhang salbaheng si Ms. Kasimsiman!?

Samantala, mabubuhusan si Wally, walis ng tubig kaya magigising na siya. Hahanapin ni Wally ang ina niyang si Panying pero iba ang makikilala niya, ito ay ang gwapong masungit na si Ace at ang makulit nitong lolo na si Don Zaldy.



Day 5, February 17

Abswelto si Alice kay Ms. Kasimsiman. Maiisip tuloy niya na ipagluto ito kaya mamalengke siya. Pero aksidenteng mahahampas ni Ace ng pinto si Alice. Magagalit tuloy si Alice kaya mag-aaway sila. Madudulas sana si Alice pero tutulungan siya ni Ace. At dahil dito, mababagok ang ulo ni Ace! Matataranta tuloy si Alice!

Samantala, tutulungan ni Wally si Ace na iligtas si Don Zaldy. Muntik na tuloy mabuking ni Ace na talagang gumagalaw si Wally, walis. First time naman ni Esmeralda na makalabas at tuwang-tuwa siya pero masasagasaan naman siya! Ito na ba ang katapusan ng kontrabida ni Alice!?

Related Links

Bea Binene and Jake Vargas in Alice Bungisngis Pictures
Lexi Fernandez in Alice Bungisngis Pictures
Bea Binene Jubilant That Her 'Alice Bungisngis' Is Rating Very High

POST