<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

May 2, 2012

Moron Five And Crying Lady Movie Review: Not For Those Looking For More Sensible Entertainment       

IT'S GOOD “Moron 5 and the Crying Lady” did well at the box office. John Lapus was able to prove that it's not just Vice Ganda who's the gay comedian na ang pelikulang pinagbibidahan ay tinatangkilik ng tao. In fairness, moviegoers were really laughing out loud when we watched this movie in a mall theater.

This can only mean na gusto talaga ng mga tao na tumawa lang ma-entertain sa kanilang panonood ng sine at wala silang pakialam kung kabobohan at katangahan lang ang inihahaing pelikula sa kanila. Parang cartoons ang maraming eksena at naging estilo na ito ng comedy director na si Wenn Deramas since the time of Ai Ai de las Alas in “Cute ng Ina Mo”.

Hagalpakan talaga sa pagtawa ang viewers sa sequence na ginaya ni John Lapus ang ilang cartoon characters, including Shaider. Challenging ang role ni John as Becky Pamintuan, isang baklang operada at may multiple personality kaya maraming iba’t ibang characters ang ginampanan niya rito that required him to show different kinds of emotions.

Ang Moron 5 ay sina Luis Manzano as Albert Macapagal, Billy Crawford as Isaac Estrada, Marvin Agustin as Aristotle Ramos, DJ Durano as Mozart Twister Aquino and Matt Escudero as Michael Angelo Marcos. Take note na ang mga apelyido nila ay galing sa mga pangulo ng Pilipinas. Childhood friends sila na pare-parehong mentally challenged.

Naging Crying Lady si John Lapus dahil tuwing nakaka-enkwentro niya ang limang retardarte na binata, may kung anong masaklap na kamalasang nangyayari sa kanya. Dahil dito, gusto niyang i-frame up and Moron 5 sa pagkamatay ng kanyang ama. Dito umikot ang story. Para makaiwas, kung ano-ano ang ginawang Moron 5. Nandiyang nagdamit babae sila para makatakas. Makikita ritong maganda palang maging cross-dressers sina Martin at Billy. May kanya-kanyang funny moments ang limang actor na Moron 5 but the best punchlines were given to DJ Durano, na hindi katakataka dahil special friend ito ng director.

May special guest appearances ang girlfriends nina Luis at Billy na sina Jennylyn Mercado and Nikki Gil. Maikli lang pero markado sa kabuuan nito. Guest din sina Kuya Germs and Arlene Muhlach as the parents of Billy na siya lang may kabobohan sa pamilya nila.

Kung mababaw ang kaligayahan ninyo (at hindi maitatangging iyan ang karamihan sa ating viewers), tiyak na masisiyahan kayo sa pelikula, just like “Praybeyt Benjamin”. Hindi naman ninyo siguro ito panonoorin kung naghahanap kayo ng mas makabuluhan o makatuturang pelikula, di ba? Basta noong manood kami, maraming viewers ang pumapalakpak pa sa mga kabulastugang napapanood nila on screen. Which can only mean na truly effective ang movie for its target audience, despite its kakornihan and tired slapstick jokes. Hindi masisisi ang ating producers if they keep on coming up with projects like this dahil ito ang mas pinapasok ng tao. They just give the audience what they want.

POST