<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jul 23, 2012

Alex Gonzaga Black And Blue As The Much Abused Heroine Of Tv5'S 'Enchanted Garden'

ALEX GONZAGA is glad to be back on primetime in TV5’s first eco-fantasya, “Enchanted Garden”. “Just like in ‘Babaeng Hampaslupa’ last year, anak ako uli rito ni Alice Dixson na ninakaw sa kanya at pinalaki ng iba,” she says. “Hindi ko alam na anak pala ko ng princess from the fantasy world called Eden at royalty pala ako. Inaapi ako rito ng maraming contravida, isa na si Meg Imperial. Sa scene na ginugulpi niya ko, hindi natuwa si Direk Joel Lamangan and he demonstrated kung paano ang dapat gawin sa’kin. Talagang sinabunutan niya ko ng todo. E, kababalik ko lang naman from the U.S. at may jetlag pa ko, so nakatulong yun para magising ako ng husto. E, hindi pa pala tapos. After Meg, si Gladys Reyes naman ang umapi sa’kin at sinabunutan din ako. Muntik na maubos ang buhok ko. Gusto ko nang magpa-double o gumamit ng wig at yung wig na lang ang sabunutan nila. Hindi lang basta sabunot yun kasi may kasama pang sampal, hampas, sipa at ngudngod sa lupa at putik. Masyadong pisikal ang requirements ng role ko. Wala akong lines, basta ginugulpi lang ako so black and blue na ako. Kaya lahat sila, after the take, sorry ng sorry sa’kin, pati si Direk Joel. Anak ang tawag sa’kin at pinapakain ako matapos akong magulpi.”

Does she complain? “No, alam ko namang ginagawa lang yun para mas mapaganda ang eksena. Part ng work ko bilang artista. Tiis na lang. Bawi naman ako pagdating ng ‘Juicy’. Nakaupo lang kami’t biruan ng biruan, tsismisan ng tsismisan, so balanse lang.”



POST