POKWANG wants to correct the impression that “The Healing” is the first time she worked with Gov. Vilma Santos. “Nagkasama na kami noon sa ‘D Lucky Ones’ with Eugene Domingo and Sandara Park in 2006,” she says. “Ang role namin ni Uge, fans kami ni Gov. Vi and she appeared in the movie as herself. Noon pa man, nakita ko nang napakabait niya, but still, in our first shooting day for ‘The Healing’, hiyang-hiya pa rin ako sa kanya. Nakakahiya talaga pumunta sa set ng walang energy dahil laging mataas ang energy niya. At mamahalin mo talaga siyang katrabaho kasi even if she’s no longer needed in the scene, susuportahan ka niya. Sa breakdown ko, hindi na siya kita sa camera, pero nakiiyak din siya sa’kin. Kaya di ka na magtataka kung bakit inabot siya ng 50 years sa industriya na on top pa rin siya. She’s a true professional. Nalaman ko rin kung gaano ka-sincere ang friendship niya kasi she visited my house in Antipolo bago natapos ang shoot namin last May. Tuwang-tuwa siya for me at nakapagpundar ako ng sarili kong bahay. Kuwentuhan kami with Direk Chito Rono. Tawanan nang tawanan. Feeling ko talaga, close na kami kasi nag-advice pa siya sa’kin. Kulang na lang daw sa bahay ko, lalaki. Pero huwag ko raw hanapin at hintayin ko na lang na kusang dumating. Idol ko talaga si Gov. Vi. Lucky in love na, lucky in career pa, di ba? Paano naman siya di mamahalin ng mga taong-bayan? Good role model siya sa lahat.”
<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script>
<!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 -->
<ins class="adsbygoogle"
style="display:inline-block;width:300px;height:250px"
data-ad-client="ca-pub-1272644781333770"
data-ad-slot="2530175011"></ins>
<script>
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
</script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.