<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Nov 3, 2012

An Avid Fan Offers A Poem He Wrote For Gov. Vilma Santos' 59Th Birthday

IT’S THE BIRTHDAY of Gov. Vilma Santos today and her avid fan Romualdo Gabaldon from Saudi requested us to publish this poem he wrote for her entitled “Ikaw Lang, Vilma”:

IGINUHIT NG TADHANA'ng ika'y mapasaamin,
Upang kulayan ang showbiz na makulimlim.
Gandang makinis at pinagpalang galing,
Ang iyong handog sa bayang ginigiliw.

Sino'ng magsasabing ang batang TRUDIS LIIT,
Magbibigay ng pag-asa sa mga taong sabik?
Uhaw sa idolong may ganda at talent, Mabait sa lahat, tunay at di plastic.

Tunay naman kasi kung magpaiyak si GING,
Tumatalab sa puso, tagos sa damdamin,
Sa murang edad at pag-arteng taimtim,
Nakuha niya ang loob ng madlang talusaling.

NALIGAW NA ANGHEL ang iyong kapara,
Gumabay sa amin, kaisipa'y minulat pa,
Masa’y nagbubunyi, narito na!narito na!
Artistang naiiba, darating ang araw na magiging Reyna.

KASALANAN KAYA?, kasalanan nga ba,
Ang idolohin at idambana ka?
Sa gitna ng mga pagsubok, dalamhati at ligaya,
Kasama mo kami, di ka iiwan kahit pa magdusa.
Mula Vilma-Edgar na naging popular as THE SENSATIONS, kakagigil na kagandahan ng TEEN-AGE SENORITA, Namumukod- tanging INSPIRATION siya. Mala-anghel na mukha’t may ngiting kanyang-kanya, Kahit ika'y hapung-hapo, mawawala ang problema.

Oh WONDER VI bakit nga ba sa iyo lahat ay nahalina? Angkin mong katangian, naguumapaw na karisma, Pinakabatang Best Actress ng FAMAS ay nakamit pa, DAMA DE NOCHE ang katulad, pagsikat ay nasa kamay na.

Inaamin naman naming ikaw ay di singer, Ngunit ano ang nangyari at nag-gold record ang SWEET SIXTEEN? Tinangkilik din ng publiko nang sa movie ay isinalin, Signature song mong maituturing, kahit na NOW AND FOREVER.

PAGPUTI NG UWAK, PAG-ITIM NG TAGAK,
Di na nila mababawi, kasikatan mong tinatahak,
BURLESK QUEEN man ay humarang sa tinatahak mong landas, Hindi ka na matatalo, pagkat alas ang iyong hawak.

PAKAWALAN MO AKO at NAKAWIN NATIN ANG BAWAT SANDALI upang aking patunayan, Sa dami ng mga artista'y ikaw lang ang aming mahal.
Sa KARMA ay di natatakot, basta' t ikaw ang kasama. BATA, BATA, PAANO KA GINAWA, isa kang mabuting ANAK sa’yong butihing ina.
RELASYON namin sa iyo, di basta-basta, walang labis, walang kulang.

SINASAMBA KITA, madalas naming sambitin.
Huma-HAPLOS sa aming puso, mga pangaral mo't habilin, SAAN NAGTATAGO ANG PAG-IBIG di ka namin lilimutin. GAANO KADALAS ANG MINSAN'g nananaginip kahit gising? PAANO BA ANG MANGARAP , na matagal ka pa naming makasama? RUBIA SERVIOS, RENEE ROSE, SUSAN KELLY, DOLZURA CORTEZ o AIDA MACARAEG ka man, IPAGPATAWAD MO, HAHAMAKIN ANG LAHAT, maipadama lang na VILMANIANS ay solid at nag-iisa. Dahil sa iyo ay nagbuklod, dating di magkakakilala, Heto kami ngayong Vilmanians, tulung- tulong at may malasakit sa isa't isa. Maligayang kaarawan, Gov. Vilma!

POST