NORA AUNOR looks so happy to see the press people who visited her on the set of TV5’s new soap, “Never Say Goodbye”, in Baguio. They were taping at The Manor hotel in Camp John Hay, where we also stayed.
“Halos araw-araw ang advanced taping ko rito dahil aalis ako sa end of the month for my green card sa U.S.,” she says. “Tutuloy na rin ako sa New York para bumalik na ang boses ko. Nahihirapan na kasi akong magsalita nang matagal. Kakaririn ko na ito this time kasi gusto ko talagang makapag-concert this year. Ang dami ng offers for shows na nawala sa’kin here and abroad dahil nga hindi ako makakanta. Ang doctor na gumamot kay Julie Andrews ang tumitingin sa’kin at sabi niya, malaki ang chance na mabalik ang dating boses ko.”
What’s her role in “Never Say Goodbye”? “I play a rose farmer in Benguet. Ang ganda ng location namin at ang lalaki ng roses ko. Asawa ko si Gardo Versoza at anak namin si Vin Abrenica na na-in love kay Sophie Albert. Hindi namin alam, ang father pala ni Sophie is Cesar Montano, na siyang tunay na ama ni Vin. Sa flashbacks, ipapakitang iniwan ako ni Cesar dahil pinili niya ang mayamang si Alice Dixson. Maganda ang conflict ng story, punong-puno ng drama.”
How is it working with TV5 Artista Academy winners Vin and Sophie? “Mahuhusay sila. Nakakatuwa. Most of my scenes are with Vin at okay siya. Hasa naman kasi sila sa acting workshops kaya hindi nahihirapan ang director naming si Mac Alejandre na idirek sila.”
How is it working with Direk Mac, Cesar, Gardo and Alice? “Naidirek na ko ni Direk Mac before sa telesines, matagal na. Ngayon, definitely, mas gumaling siya. Maganda ang bawat eksena at mabilis pa magtrabaho. Sina Cesar at Gardo, nakatrabaho ko na rin before sa TV. Hindi na naman kukuwestiyunin ang husay nila. Sa ngayon, most of my scenes are with Gardo pa. Hindi pa kami nagtatagpo ni Cesar. Gayundin si Alice, na ngayon ko pa lang makakatrabaho. Pero nagkakasama kami sa set at mabait siya. Masaya kaming lahat sa taping at para kaming family.”
She thanked us for our positive review of “Thy Womb”. Was she disappointed that the movie was a tailender at the filmfest? “Hindi ko na iniisip yun. Basta happy ako na nagawa ko ang pelikulang ito. Nang ialok ‘to sa’kin ni Direk Dante Mendoza, sabi, kukunan sa Tawi-Tawi at Badjao ako. Kakaiba, di ba? So yes agad ako. Nagpaalam ako sa TV5 and it’s good they allowed me to do it. Ang dami kong ginawa rito na ngayon ko lang ginawa. Magpaanak ng bata, kasi talagang actual childbirth scenes ang kinunan namin doon. Nag-weave ako ng banig, nagsagwan ng bangka, nangisda sa dagat,nagsalita ng Badjao, nagsayaw ng Muslim dance. Malaking fulfilment yun para sa kahit na sinong aktres. Sabi nila, nominated na naman daw ako sa Hongkong as best actress. O, di salamat.”
At the awards night, it’s obvious she kissed and made up with Erap Estrada who handed her best actress trophy. “Natutuwa akong nagkita kami, niyakap ko siya talaga ng mahigpit. Kung may kasalanan man ako sa kanya, yung gesture ko ang paraan ko ng paghingi ng tawad.”