GARDO VERSOZA says the last time he worked with Nora Aunor, he played her gay confidante. “Hindi gaya rito sa ‘Never Say Goodbye’ ng TV5, mag-asawa na kami,” he says. “Noon sa ‘Bituin’ ng ABS, bading ang role ko. Masarap kaeksena si Ate Guy kasi matsa-challenge ka to give your best. Kasi sa mata pa lang niya, puede nang lamunin ka sa eksena. Happy rin ako to work with Cesar Montano dito na kasamahan ko noon sa Seiko Films. Nagpapasalamat ako sa kanya kasi kundi siya umalis ng Seiko, hindi ako nabigyan ng big roles. He did ‘Machete 1’ at akong ‘Machete 2’.”
As Dindo, he’s Ate Guy’s savior. “Manganganak na siya noon sa baby nila ni Cesar nang makilala ko siya. Binigyan ko ng pangalan ang anak niya’t pinalaki hanggang maging si Vin Abrenica. Si Cesar, iniwan siya for Alice Dixson. But the story starts sa present nang ipinagkasundong ipakasal ni Alice ang anak nilang si Sophie Albert) kay Edgar Allan Guzman. She leaves Manila at tumakas sa Baguio where she meets Vin who takes her sa rose farm namin in Benguet. Big conflict kapag nalaman ni Nora na si Sophie is Cesar’s son at posibleng magkapatid sina Vin at Sophie na na-in love na sa isa’t isa.”
So is Ate Guy’s health better now after she was rushed to the hospital once for high blood pressure? “Nag-tape na siya uli after she has rested well. We’re all praying na sana nga, maging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanyang pakiramdam.”