<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Aug 25, 2013

Rochelle Pangilinan Forbidden To Get Preggy In Her Contract With Gma

ROCHELLE PANGILINAN enjoys being the dance coach of the new GMA-7 talent search reality show, “Anak Ko Yan”, that starts airing today at 10:45 AM. “Nakakatuwa ang batang contestants namin sa show,” she says. “Makikita mo talagang lahat sila, masigasig matuto. Grabe ang energy at enthusiasm nila.”

So has she seen anyone with great potential? “Marami. But siempre, hindi ko puedeng sabihin at baka ma-accuse pa ako ng favoritism. As a coach, kaming dalawa ni Tita Dulce na coach naman for singing, dapat, walang kinikilingan.”

Don’t the kids bring out the maternal instincts in her? “They do. Lalo na’t kasama ko pa si Jennylyn Mercado as the show’s host. Nakikita ko sila ng anak niyang si Alex Jazz at naiinggit ako somehow. Tapos, yung ibang mga kasama ko, may mga anak na rin like Katrina Halili and Kyla, o kaya buntis, like Jolina. Ang nanay ko nga, kung minsan, nagpaparinig, gusto na raw niyang magka-apo. Pero hindi pa puede. May clause sa contract ko with GMA na bawal muna kong magbuntis, lalo ngayong panay ang sayaw ko sa ‘Sunday All Stars’ at ngayon, dito rin sa ‘Anak Ko Yan’. E, for two years pa yung contract ko kaya trabaho muna tayo.”

What does her BF of five years, Arthur Solinap, say about this? “Okay naman sa kanya. Makakapaghintay pa naman kami. Ipon muna bago kami mag-settle down. Kailangan, yung handang-handa na talaga kami.”

As a coach, she can’t be helped but be affected by the kid contestants in “Anak Ko Yan”. “Yung isa, naiyak ako, sobrang seryoso ganong 7 years old pa lang. Nang tanungin ko kung bakit siya sumali, gusto raw niyang makatulong sa pamilya niya. Imagine, sa edad niyang yun, family na niya ang nasa isip niya. Mahirap din kapag nagkakaproblema kami sa parents kasi kung minsan, mas pasaway pa sila sa mga anak nila.”

POST