<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Sep 26, 2013

Joey Paras Says He Should Not Be Compared With Vice Ganda

JOEY PARAS requests the press not to keep on comparing him with Vice Ganda. “Baka mapabintangan akong ginagamit siya para i-promote ang launching movie kong ‘Bekikang, Ang Nanay Kong Beki’,” he says. “Hindi naman kami dapat pagkumparahin kasi magkaiba kami. Nasa itaas na siya, higante na siya, ang layo na niya sa akin. Magkaiba rin ang aming sense of humor. Hindi ko kaya yung ginagawa niyang nang-ookray ng mga tao, kunsaan siya tinanggap ng husto. Ako, ang comedy ko, laging may script na sinusunod ko lang.”

Does he think “Bekikang” will be successful? “Why not? Confident ako kay Direk Wenn Deramas who successfully launched Ai Ai de las in ‘Tanging Ina’, Vice Ganda in ‘Petrang Kabayo’ and Zanjoe Marudo in ‘Bromance’. May pruweba na siya. Sabi niya, kung si Ai Ai, counterpart ni Vice kasi pareho silang nag-start sa comedy bars, ako naman, counterpart ni Eugene Domingo kasi pareho kaming nagsimula sa teatro. When I started in theatre, laging lalaki ang role ko. Nang maging singer ako for various bands, lalaki rin ang projection ko, pero four years old pa lang ako, alam ko nang gay ako.”

Joey sings four sings in “Bekikang”: “Sirena”, “Badaf Forever”, “Ang Pag-ibig Kong Ito” and “Balut Penoy”. He thinks 2013 is his year. “Ang dami kasing nangyaring maganda sa buhay ko this year. Lahat ng sinulat ko sa planner ko at the start of the year, nagkatotoo, like an acting award. Nanalo nga ako, hindi lang isa kundi dalawa, for the play ‘Bona’ sa Broadway World and for ‘Babagwa’ sa Cinemalaya. Isinulat kong magkaroon sana ko ng new soap and brand new car, nangyari rin. Kaya heto, sinulat ko nang P700 million ang kikitain ng ‘Bekikang’ sa box office kaya mangyayari rin yun. Yes, kine-claim ko ng kikita ang pelikula namin ni Direk Wenn sa takilya. Gusto ko ring pasalamatan lahat ng artistang nag-guest dito, sina Dingdong Dantes, Maricel Soriano, Iza Calzado, Andi Eigenmann, Ate Gay, Miley Cyrus, Anne Hathaway at marami pang ibang Hollywood stars who volunteered to appear for free para tulungan ako. Ha-ha-ha!”

POST