<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Oct 2, 2013

Robin Padilla Talks About His New Film, Wife Mariel Rodriguez & Corrupt Politicians

ROBIN PADILLA reinvents himself playing the role of Sen. Gabriel Alcaraz in “10,000 Hours”, a film loosely based on the time that Sen. Ping Lacson was separated from his family and became a fugitive from the law.

“Binago ako ni Direk Joyce Bernal dito,” he says. “Gusto niya, subtle acting, pati paglalakad ko, ang pagsasalita ko, binago lahat. Konting galaw lang ng kilay ko, nire-retake ang eksena. Naka-take 7 yata ako rito. Nakatulong yung salamin ko para mas maging dignified-looking ako. First time ko to play a politician at nag-research ako about Sen. Lacson. I even memorized some of his speeches.”

Why did they have to change the name of Sen. Lacson? “The film is a political drama, pero action pa rin. May mga eksena rito na nag-a-action ako, lalo sa Amsterdam na hinahabol ako ng mga gustong umaresto sa’kin led by Michael de Mesa. May chase scenes kami even by boat sa canals ng Amsterdam at sa Red Light District nila. Marami pang fight scenes na hindi naman magiging kapani-paniwalang gagawin ni Sen. Lacson. Inspired lang ito ng story niya, lalo na yung laban niya against corruption. Ever since, against na siya sa pork barrel. Ang life story niya mismo, nagawa na yan before ni Edu Manzano at ng nasirang Rudy Fernandez. Pero itong ’10,000 Hours’ ang biggest movie na nagawa ko kasi for the first time, nakikipagbarilan ako’t habulan sa ibang bansa. At hindi patago, ha. Lahat ng shooting namin, may permit kaya ang sarap ng trabaho namin doon. At gusto ko lang pasalamatan lahat ng kababayan nating OFW’s sa Amsterdam. Ang babait nila. Lagi sila sa shooting pero hindi sila naging pabigat. Tinulungan nila kami at kung ano-anong dinadala sa amin.”

We notice from the trailer that it’s reminiscent of the Jason Bourne series of movies of Matt Damon. “Hindi, a. Mas magaling ako doon. Nataon lang, Hollywood siya,” he laughs.

What happens to his other movie, “Kuratong Baleleng”? “Tapos na rin yon at sa January na ang release noon. After ’10,000 Hours’, gagawa naman kami ng movie ng anak kong si Kylie. May story na kami.” Read - Kylie Padilla Is Glad That Dad Robin Padilla Now Accepts Her Bf Aljur Abrenica.

Why did he leave “Toda Max”? “Hindi naman ako umalis. Nagpaalam lang ako kasi nga gagawa ako ng movies. Hindi ako puede magpatawa ngayon kasi serious movie ang ginagawa ko at nadadala ko ang character ko. Hindi ako puede basta kumawala. Next year, pag nandiyan pa ang show, babalik ako. Pero mage-expire ang contract ko sa ABS sa October 15, so mag-uusap muna kami.”

Is it true he felt bad with Vhong Navarro who are given more scenes than him? “Si Vhong, mabait, marespetong tao yan. Magkasama kami sa dressing room. Sa edad kong ito, hindi na sumasama ang loob ko. At yung nagbibilangan daw ng eksena, ang baduy.”

Is his wife Mariel Rodriguez really going back to ABS now that Willie’s show is ending? “Hindi siguro. Mas gusto niyang mag-aral ng organic farming. Sa Amsterdam, nagpaiwan kami doon at nag-observe niya ng bee culture.” How about having a baby now? “Naku, ang ganda kasi ng misis ko. Baka tumaba pag nagbuntis. Saka na lang, after we have two more honeymoons kasi marami pa kaming gusto puntahang lugar, gaya ng Spain. O kaya ng Mecca, pero hindi naman siya puede roon kasi di siya Muslim. O Israel, pero ako naman ang hindi puede roon.”  See Article - Robin Padilla salutes wife Mariel for being very patient with him.

A post he made in social media was noticed by a lot of people. It pertains to a certain politician and the current controversial pork barrel issue. “Nanumbalik kasi sa’kin yung nangyari sa’kin noong araw. Isa siya sa mga politikong nagsabing dapat ikulong ako. Sa’kin dapat, kapag nagsalita ka ng ganun, malinis ka. E, ako, ang daming nag-aalok sa ngayong tumakbo sa election, ako na nagsasabing ayoko kasi hindi ako malinis. Sa nangyayari ngayon sa’ting gobierno, lahat ng senador, ipakita nyo ang pagiging tunay na Pilipino, mag-resign na kayo. Kasi lahat ng tao sa buong Pilipinas, nagtatanong tungkol sa kanila, mayaman man o mahirap. So para magkaroon ng neutral ground, bago mag-imbestigasyon, umalis na sila sa posisyon, mag-resign na sila. Magsimula tayo uli.”

POST