THIS IS A PIECE about the recent Star Awards for Television written in Tagalog by Ronald Carballo which we want to share with you. Hope it won't fall on deaf ears:
Nakakalungkot namang isipin at makita na patuloy na ang babuyan at kawalang dignidad sa pamimigay ng awards na kasama kaming nagsimulang magtatag 27 years ago. Kung may dignidad ba yan, bakit tie ang abs-cbn 2 at gma 7 sa "best station"? Puwede ba yun?! dapat isa lang ang wagi! kung sino lang ang the best talaga at hindi dapat kinukompromiso yan. laging may mas mangingibabaw at mangingibabaw sa dalawang mahusay. You should break the tie! compromised yan, dahil gusto nilang i-please ang dalawang network na pareho nilang napapakinabangan. Isang malinaw na indikasyon ng kawalang-paninindigang pamimigay ng awards....
Isa kami sa mga pioneer na nagtatag ng PMPC STAR AWARDS FOR TV, sa panahong very credible pa ang award giving body na pinaniniwalaan ng lahat ng tao, nirerespeto ng mga artista, ng network at ng buong industriya, dahil sa mataas nitong kredebilidad....dahil hindi nabibili; walang tie; walang kaibi-kaibigan; hindi sinasanto ang pera at ang nagbibigay; kung sino talaga ang deserving, yun ang winner...kaya mismong artista at programa ay may dangal na naipagmamalaki ang kanilang panalo na walang kumukuwestiyon...
Tanda ko pa, ang very first PMPC STAR AWARDS FOR TV ay inilunsad namin nagkataong birthday ko, october 28, 1987 sa araneta coliseum. presentor pa ko, kaya late na ko dumating sa grandiyosang birthday party ko sa music box, kasunod ang lahat ng mga artistang at mga taga-industriya na nanggaling sa awards night, talunan man o mga nagwagi.
For several years, masyado nang nababoy at nawalan ng kredebilidad ang PMPC STAR AWARDS FOR TV man o pelikula (at ang mga iba pang award giving body, for that matter dahil sa iba-ibang kadahilanan. may natitira sanang credible na award giving body for film na nawalan na rin ng kredebilidad mula nang ipinapanalo nila sa mga dati nilang mapanuring pagpili ay mga pelikula at mga taong gumagalaw sa produklsiyon-estasyong nagpo-produced para maiere ang kanilang awards night).
Sa kaso naman ng PMPC STAR AWARDS, it's a public knowledge na lahat sila'y tsumichika, nagpi-PR, tumatanggap ng pera, regalo, blowout, bukod pa yung lantarang panghihingi at panghaharbat sa mga artista at sa lahat ng mga taga-industriyang ninu-nomina at pinaparangalan. paano mo paniniwalaan ang ganyang award giving body? Of course, tuwang-tuwa ang mga nagwawagi, pero hindi maitatanggi ang katotohanang babuyan na ng pagkatao at tunay na talento ang ganyang klase ng pagbibigay-parangal, na kung sino yung nag-aabot, nagsusuhol, at mas "friendly" sa kanila, yun ang nagwawagi; yung hindi gaanong friendly at lalo na yung hindi talaga friendly at all, hindi nila mauto, hindi mapag-abot, kinamumuhian at isinusumpa nila to the point, na nganga at talunan.
Siyempre, hindi ka friendly sa kanila, bakit ka naman ipapanalo? wala ka namang ibinibigay at never kang nag-abot ng personal na pakimkim ke sa presscon o pag binibisita ka nila; at lalong hindi ka rin nagpapa-carolling sa bahay mo sa kanila kung pasko, talo ka ng mas bongga magregalo, siyempre. yun nga lang pinuntahan ka nila sa set o sa kung saan man, hindi ka sweet ka sa kanila, hindi ka nagbigay, mayabang ka na nun! humanda ka at sisiraan ka na nila sa mga columns nila...sa awards ka pa kaya aasa?!
Nakakalungkot lang talaga na wala na ang panahon na may dignidad ang pamimigay ng awards sa kung kanino ito nararapat, may pera ka man o wala; friendly ka man o hindi...dahil ang pinagbabasehan ay ang performance at talentong ipinamalas mo sa TV o peklikula na pinaghirapan mo sa buong taon... then, sisilatin ka lang ng marunong magbayad kahit walang talent?! Ang sakit! kunsabagay, matagal na ring sakit yan ng industriya, mas pinalala lang ng PMPC STAR AWARDS dahil mas naging lantaran na at talamak nang datungan na lang talaga ang lahat.
Of course, may magsasabing, hindi ganun--dinadaan sa deliberations at botohan. oo nga! pero sino ba ang mga bumuboto at nagdi-deliberate? Davah, yung may kanya-kanyang manok at kuneksiyon sa artista, at sa mga handlers/managers nila at sa network?
kung talagang may paninindigan at kredebilidad ang ganyang award giving body, bakit kailangang mag-tie ang ABS-CBN 2 at GMA 7 sa BEST STATION (with most balanced programming. Ganyan namin binuo ang award na yan noon, "with most balanced programming"). Ewan ko kung ganun pa rin ang pamantayan nila ngayon, o winner ang kung sinong mas malaki magbigay. na this year siguro parehong nagbigay ang ABS at GMA, kaya tie. Hindi dapat! dapat isa lang ang winner! hindi naman puwedeng magpareho yan. May isang mas mahusay pa rin talaga na mangingibabaw...ang pagta-tie ay maliwanag na simbolo ng kompromiso na pareho nilang dapat i-please ang both networks at lahat ng mga nagwagi.
There was a time pa nga, ilang years ago lang na babae pa ang presidente ng PMPC. ang babaeng ito, na-witnessed ko na ginagaygay lahat ng network at nakikipag-meeting sa mga presidente nito, few weeks before the awards night. Nung sitahin ko siya in a nice way, sabi ko, kung matinong awards night yan, presidente ka, bakit ka lumilibot para maghingi ng kung ano sa mga pamunuan ng network? sagot niya---"nagsu-solicit lang ako ng souvenir program ads kase may komisyon". For delicadeza, presidente ka, hinihingan mo ng ads ang mga taong nominado at maglalaban-laban sa awards night? Kahit nga ordinaryong miyembro lang, kung malinis ang konsensiya nila, hindi sila magsu-solicit. dapat ginagawa yan ng markerting arm ng awards. bad practice, kase nga ni hindi nila alam ang ibig sabihin ng salitang "delicadeza".
Ganundin dapat ang tinitingnan ng mga voting members ng awards: pangalagaan ninyo ang dignidad ninyo at panatilihin sana ang kredebilidad ng PMPC STAR AWARDS FOR TV (and movies na rin). Hindi namin itinatag yan noon para babuyin na lang ng ganyan. Dapat mula sa paghingi ng video tapes na panonoorin mula sa network at kung anumang hihingin sa network na may kinalaman sa awards ay formal itong isinasagawa, hindi sa chika-chika way na may mga pahiwatig na bigyan mo ko ng datung sa pagsasabing, "ako na ang bahala...". meaning, "sige give ka, panalo ka or kayo, or ang programa ninyo"---wag na kayong magmalinis, na-witnessed ko rin yan at public knowledge din yan.
Sabi ko sa sarili ko, may pag-asa pa kayang mabago pa ang bulok na sistemang yan sa pamimigay ng awards ng dating award giving body na nagsimula ng malinis at puno ng kredebilidad?!---hanggang wishful thinking na lang yan! asa pa ba ko?! Hello....
buti na lang, matagal na kong wala sa grupong ganyan na kabulok ang pananaw sa pamimigay ng awards.
kawawa ang industriyang patuloy nang nilamon ng lusak