<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Nov 29, 2013

'When The Love Is Gone' As Reviewed By Ronald Carballo

"When love is gone", remake daw ng isang direk danny zialcita classic after three decades na "Nagalit ang buwan sa haba ng gabi". hindi ko naramdamang remake. siguro, more of an "inspired" thing. Hindi na rin kailangang sabihing remake, though dedicated ang pelikulang ito in the memory of direk danny zialcita na sobrang hinahangaan at nirirespeto nating lahat. Kase "When love is gone" can stand alone with it's own merit. Hindi na rin naman alam ng now generations ang "nagalit ang buwan sa haba ng gabi" at hindi na nila kilala si danny zialcita. Besides, napakaganda ng "When love is gone" compared sa "Nagalit ang buwan sa haba ng gabi". magkaiba ng panahon...pero mas mga tutuong tao na ang characters ng "When love is gone". kung ipipiilit na remake ito, well....di hamak na mas maganda ang "When love is gone" sa pinaggayahan.

Maganda ang "when love is gone" ni direk andoy ranay, written by ms. keiko aquino. Very commercial, pero malinis ang pagkagawa. at ang nakakatuwa pa, gusto ito ng mga tao. maraming tao sa sinehan at pila-pila sila sa labas. Ito yung lagi kong sinasabi: kapag maganda ang pelikulang pinoy na nasasapul kung ano yung gusto ng tao na isang magandang pelikula para sa kanila; maayos ang story-telling na nauunawaan nila, (dahil yun naman talaga ang tunay na pamantayan ng maganda at matinong pelikula), lumalabas ang tao para magbayad at manood ng sine at hindi lang sa pirated dvd.

Pagod na kase ang tao sa dami ng mga problema sa personal nilang buhay at ng bansa. Gusto nilang ma-relax at makita ang mga sarili nila sa pinanonood nilang pelikulang may katinuan. Huwag na huwag natin silang bibigyan ng pelikulang panget at hindi nila nauunawaan na hindi pa nila kilala ang mga artista... tapos, magereklamo tayo kung mega-flop na lima lang ang nanood at hindi talaga tinangkilik ang pelikula?!

Bago tayo umasang tatangilikin ng publiko ang pelikula natin, ayusin at pagandahin muna natin ang mga ginagawa nating pelikula. hindi yung mga pelikulang yung "baliw" na direktor lang ang nakakaintindi sa ginawa niya at sila-silang mga production staff lang ang nanonood sa sinehan at naaaliw sa mga sarili nilang kagaguhan. O, bakit nga ayan ang when love is gone?...hit naman at gusto nga ng tao! kase nga, simple: maganda! masarap sa matang panoorin at nauunawaan ng lahat ang pelikula!

Mahusay lahat ng mga artista at lahat sila, swak na swak sa role: gabby concepcion, kristine reyes, andi eigenmann, jake cuenca, dina bonnevie and ms. alice dixson. hindi tumatanda si gabby. 50 na siya, pero mukhang 30's lang at ang ganda-ganda pa ng katawan. kasabay nang magandang pagma-mature niya'y yung talagang nag-mature na rin siyang mahusay na aktor. Dapat, siya ang hindi nawawalan ng trabaho kahit sa mga teleserye. Epitome siya of an ultimate/perfect leading man ng kahit anong henerasyon. Kung ang magiging leading lady niya'y hindi maalaga sa katawang tulad niya, siguradong magmumukhang tiya/aunt o lola pa nga niya sa tabi niya.

Match sila ni alice, dahil mukhang hindi rin nag-aged si alice at humusay na rin talagang aktres na hinasa na ng panahon. Kung maaalala ang akting ni alice nung nagsisimula pa lang siya nung 80's talagang mababato mo ang screen! hindi siya talaga marunong umarte mula sa pagiging beauty queen na nakilala sa "i can feel it" bath soap TV commercial. Ngayon, ibang-iba na si alice sa pelikulang ito na kung magtutuluy-tuloy lang, tulad ni gabby ay malayung-malayo pa ang lalakbayin ng pagiging mga artista nila.

Ito ang pelikulang dapat naging comeback ni gabby nung dumating siya sa pilipinas almost 5 years ago. Sana'y hindi siya nakaranas ng flop with the forgettable movie na kasama pa mandin niya ang anak niyang si KC concepcion (na novelty sana dahil unang pagsasama nila, but it tuned out na big disaster sa parehong career nilang mag-ama) na nadamay pa pati si jericho rosales. panget naman kase talaga ang pelikulang yun na ni hindi ko na maalala ang title. (The title is "I'll be there"- mariob) hope, With both gabby & alice, manumbalik ang sigla ng mga ganitong pelikula, kasabay ng pagsigla ng career nilang dalawa bilang mga mahuhusay na artista ng bansa.

Hindi rin talaga puwedeng tawaran ang kakaibang screen presence ni kristine reyes sa pelikula. grabe! sobrang sexy & oozing with sex appeal, at ang husay pang umarte na hindi talaga nagpatalbog kina alice at gabby. Nun ko pa sinabi ito, at sasabihin ko uli ngayon: talagang si kristine reyes ang pinakamaganda at pinakaseksing artista ng kanyang henerasyon na ang husay-husay pang umarte. Para siyang si alma moreno nung araw sa sexy at ganda, pero ang malaking kaibahan... Si alma, maganda at seksi lang na ni hindi nakaarte ng tama hanggang mag-retire na.

Perfect si kristine sa role niya as cassey in every inch. walang moment na hindi mo mararamdaman yung pagiging maldita niyang kabit na sobrang nasaktan sa baklang asawa. But since the character is well-written, you will symphatize and love her still. Wala akong maisip na puwedeng gumawa or mag-portray ng role na yun na magiging kasing-husay ni kristine (not even bea alonzo in "the mistress" or angel locsin in "one more try"). Walang siya talagang kiyeme at all, lalo sa mga maiinit na love scenes with gabby and jake na siya ang umiibabaw...but of course, done with class and in very good taste.

Mani na lang kay jake cuenca ang role ng isang baklang closet husband, since lately ay buong-ningning na puro gay roles na ang ginagawa niya at halos nata-type-cast na nga siya. si jake din ang batang aktor ng kanyang henerasyon na very daring at hindi natatakot tanggapin ang mga experimental roles, kaya mahusay siya from start to finish ng film.

Si andi eigenman naman, given nang from the start ng career niya sa showbiz few years back, mahusay nang aktres. Kahit simple lang ang role niya bilang jenny na anak lang nina gabby at alice, nabigyan pa rin niya ng more sensible interpretation, compared years ago na ginampanan ito ni janice de belen na halos wala namang substance yung role.

I'm sure, hindi naman alam ng now generations na ang pelikulang "when love is gone" ay "remake" ng isang danny zialcita classic na "nagalit ang buwan sa haba ng gabi". It doesn't matter, actually. hindi naman siya mukhang remake. Kinuha lang yung idea, at ni-retain ang very minimal dialogues na nandun sa lumang pelikula. I hate to say na it's a remake, dahil hindi..."inspired" lang siguro. Kung ipipilit nilang remake, di hamak na mas maganda itong version ni andoy ranay kesa sa original.

Mas tutuo at mas taung-tao na ang mga characters ng "when love is gone"; wala na yung mga sobrang crispy-witty lines ni danny zialcita na parang tumutula ang mga characters na ultimo katulong na si flora gasser ay nakikipagtalakan sa mga amo at bisita ng amo. Dito, background lang talaga ang katulong na ganun lang naman talaga dapat. Kaya wala na rin yung linyang, "kahit ang buwan, magagalit sa haba ng gabi" at naiwan yung, "nariyan ba ang asawa ko na asawa mo na asawa ng buong bayan?!"

Buti nga ginawa nang ganun lang. Mas natural. Click siguro yung style ni danny zialcita noon, pero almost 2014 na, magiging korni na rin in a way, kung tumutula pa rin ang litanya ng mga characters.

Tanda ko nga, if my memory still serves me right, sa "nagalit ang buwan sa haba ng gabi"...yung final scene sa burol, sobrang stagy at sobrang drama nun na nilulunod pa yata ng canned music (somewhere in time?).

Ngayon, mas maganda. mas tutuo. simple lang, tama lang. pero mas nakakaiyak. Sa original, si susan valdes yung role ni dina bonnevie...pero again, dahil maganda ang pagkasulat at pagkadirek, mas taung-tao na ang character ni dina na mas mararamdaman sa puso at mas naging markado pa ang kanyang "guest appearance".

Ito ang pelikulang lahat ay nasa tamang dapat kalagyan. Kumbaga sa ulam, kumpletos recados. Tamang-tama ang timpla, kaya sobrang sarap. sobrang sarap siyang panoorin; nakaka-relaxed; very glossy na parang bumalik yung ganda ng mga pelikula ng viva films nung 80's, sa mas tamang perspective sa isang makabagong panahong pilit nang binababoy ng ilang sekta ng film makers ang tunay na ibig sabihin ng matino at magandang pelikula.

Ganitong mga pelikula ang dapat talaga nating tinatangkilik at pinapanood para tunay na muling sumigla ang bawat miyerkules ng mga buhay natin sa mga sinehan....

POST