<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 29, 2013

Ronald Carballo Reviews 'Girl Boy Bakla Tomboy', 'My Little Bossings', '10,000 Hours', 'Boy Golden'

Sa apat na MMFF entry na pinanood ko...
dalawang okey; dalawang blockbusters na nakalupasay na ang mga tao sa lahat ng isles ng sinehan; dalawang puwede na; dalawang super-flop na malalaking action flicks as in; walang nanonood na parang hindi mainstream ang palabas, kundi parang the usual indi film lang na walang tumatangkilik...

Girl, boy, bakla, tomboy---kung matino ang judges ng mmff, mahirap kabugin ang husay ni vice ganda as best actor. swak talaga ang blockbuster tandem nila ni direk wenn deramas na walang pretensiyon. binibigay lang nila ang gusto ng mga tao: ang humagalpak, sumaya at maiyak sa katatawa sa isang komeding kumpletos rekados na maayos ang pagkagawa.

My little bossings---blockbuster, pero hindi matino ang pagkagawa. luma at hindi purely pambata ang mga sitwasyon at jokes. ang pinakamalaking mali ng pelikula'y hindi nag-concentrate kina ryzza mae dizon at bimby yap. very lovable at adorable ang dalawang bata na alam mong sila ang nagdala ng pelikula. pero disappointed ang maraming bata kase, hindi nila nakita ng buo ang nakatutuwang tambalan nina ryzza at bimby, dahil kung saan-saan nag-excurcion ang pelikula na nag-dwell sa mga di kailangang subplot.

Boy golden---fully-made-up si e.r estregan from start to finish as lead gangster na very destructive sa buong pelikula. sana, wag naman siyang umasa at magalit na naman pag hindi siya nag-best actor dahil hindi talaga. bago pa siya, si robin padilla muna kung hindi si vice ganda;

Sa sobra namang dina-drumbeat ng mga bayarang pr na si kc concepcion na ang best actress...no! Please?! Hindi siya deserving mag-best actress dito, dahil to beginwith, supporting actress lang siya't hindi lead role. at ang kalibre ng akting niya as a dancer na naging gangster, very typical, stereo-typed, walang depth, hindi pang-award.

10,000 hours. Matino ang pagkagawa ng pelikula. Kung solidong si joyce bernal ang nagdirek nito, ito na ang pinakamatinong pelikulang nagawa niya to date; makakatayo ang pelikula as an action- fiction material na maayos ang pagkasulat, hindi na kailangan pang gamitin si ping lacson. as per robin's performance...magaling siya, as ever. pero limitado. walang gaanong demand yung role kundi yung typical na niyang ginagawa: tumakbo-takbo at bumaril. kung matino ang judges ng mmff, hindi siya magiging best actor.

Sa sm north edsa cinemas, pitong mmff entries na lang ang palabas. tigta-tatlong sinehan ang "GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY" at "MY LITTLE BOSSINGS" na pawang mega-blockbusters na nag-uunahan sa top grossers sa takilya ngayong taon; at lahat ng iba pang pelikula'y tig-iisang sinehan lang at hindi pa talaga napupuno; samantalang first day pa lang, tinanggal na ang "KALEIDOSCOPE" na hindi kilala ang bida na kailangang i-pullout kase wala raw talagang nanonood. first time sa MMFF history yung may entry na hindi na pinalabas at all. sino ba kaseng mga pumili niyang pelikulang yan para isama sa film festival?! Kaya wag na kayong umasa ng matinong resulta sa awards night.

Magkasunod kong pinanoood ang "GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY" at "MY LITTLE BOSSINGS". parehong punung-puno ang sinehan na nakalupasay na ang mga tao sa lahat ng isles na wala na talagang madaanan. nakakatuwa, parang nanumbalik yung mga panahon na marami talagang nanonood ng pelikulang tagalog sa sinehan. pati ang pila sa labas, eksaherada. yung pila sa sm north main, literally, umabot na sa sm the block. ganun talaga kahaba, at dahil sa dalawang pelikulang ito, may nagta-traffic na sa daan at hinati na yung daanan lalo na yung malapit sa mga sinahan back & fort na may nakasulat ng, "keep right".

Sobrang nakakaaliw ang "GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY". Mula simula hanggang wakas. ang husay-husay ni vice ganda sa apat na karakter na ginampanan niya, lalo as girlie, yung am-girl. nakatulong naman yung mga supporting players, pero dalang-dala ni vice ang pelikula. He's really a box-office actor. iba ang kuwento at humor ng pelikula, very now. talagang swak ang tamabalang vice ganda at direk wenn deramas. Alam nila ang materyal na ibibigay nila sa tao nang walang pretensiyon. alam din nila ang objective nila, magpatawa lang nang magpatawa na achieved na achieved nila yun. pero kahit ganun, maayos ang structure ng pelikula; hindi basura ang humor; at maayos at logical pa rin ang pagkasulat ng mga sitwasyon at characters. ang kuwento ng pelikula'y tutuong kuwento pa rin ng buhay na ginawa lang sa paraang nakakatawa, at may manaka-naka pa ring drama na hindi rin korni at naging very effective pa rin sa pelikula. hindi nga lang siya times four na saya, may drama rin, kumpletos rekadsos nga at tunay na pambuong pamilya. Sakto lang lahat, timplado at ang pinakamahalaga, walang mga jokes na off o masama sa mga bata. kung matino ang judges ng MMFF, mahirap kabugin si vice ganda bilang best actor sa apat na papel na nagampanan niya nang buong husay kung ano ang hinihingi ng papel. hindi typical characters ito, ginawa niya talaga ng tama at pinaghirapan. sinong aktor sa ngayon ang mas magiging epektibo gumanap ng apat na iba't ibang characters in one? Wala. si vice ganda lang.

BAGAMA'T number 1 sa takilya ngayon ang "MY LITTLE BOSSINGS" very close to "GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY"...material wise, hindi siya maganda. lumang-luma ang kuwento na ilang ulit nang nagawa sa sinaunang panahon. hindi maganda ang pagkasulat; hindi nakakatawa at all. para lang siyang isang malaking gag show sa TV na hindi kumukunek at hindi kumakapit kase nga hindi coherent ang pagkasulat and since lumang-luma na siya, korni na ang dating to the point na nakakabuwisit siya.

Ang biggest disappointment sa movie ay hindi ito nag-concentrate kina ryzza mae dizon at bimby yap. Kung anu-ano ang inilahok dito na hindi kailangan. pag sina ryzza mae at bimby ang eksena, very effective naman sila. nakakatuwa sila. ang husay-husay kase talaga ni ryzza; si bimby kahit first movie niya ito, surprisingly, okey na okey naman siya. very much lovable ang tambalan ng dalawang bata at nai-deliver nila ang mga papel nila ng tama. sana, tinanggal na yung kung anu-anong subplots at characters na hindi nakatulong kundi nakabagot pa sa pelikula, gaya nung mga jose manalo at paolo ballesteros charaters. juicekupu! very 60's! tigilan na yung mga ganun! Pilit na pilit na pwedeng tanggalin dahil napakorni lang; marami din jokes at situations na hindi pambata at mararamdaman mong hindi talaga nagri-react ang mga bata, lalo sa mga eksenang away nang away at dramahan nang dramahan sina vic sotto at aiza seguerra at ni-reveal pang tomboy si aiza na nagpabuntis sa lalaki at si ryzza ang naging anak na iniwan sa pekeng ampunan. sana mas umisip ng plot o characterizations na mas pambata. more so, sana, nag-concentrate lang talaga ang pelikula kina vic sotto, ryzza mae at bimby wth a different material, baka nag-work pa sa audience at lalo na sa mga bata.

AFTER ng dalawang comedy, nag-action-drama naman ako. inuna ko ang "BOY GOLDEN" ni jorge "e.r" estregan, jr. pinanood ko ito primarily dahil chito rono ang pelikula, kahit hindi ko na nagustuhan yung huli niyang ginawa na "BADIL" recently. hindi nasagip ni rono ang badly written material tungkol sa isang gangster. nagpipilit naman itong pagandahin, at may production values naman, pero hindi sumapat yun para maging interesting ang pelikula. Unang-una na, hindi ko maunawaan kung bakit sa buong movie ay fully-made-up si E.R. Hindi sa character yun, kundi talagang kunturado ang mukha niya na naiiba ang look niya sa lahat ng mga kaeksena niya. Hindi siya tutuong aktor. Gusto niyang palutangin ang sarili sa lahat sa pisikal niyang anyong ayos na ayos at hindi sa pwedeng ibigay ng karakter. Tapos, aasa na naman siyang siya ang magbi-best actor?! Si KC concepcion naman na napaka-overated na dina-drumbeat ng mga bayaran na siya ang magbi-best actress, bakeeeet?! Unang-una, supporting lang yung role niyang dancer na naging gangster din at hindi leadrole na pam-best actress. acting wise, wala rin naman siyang nai-deliver. akting na akting siyang very teleserye akting na gigil, iyak, sigaw at lahat. stereo-typed; hindi pang-award. Pinilit kong unawain ang pelikula at makita sana ang mga magagandang punto nito, pero wala , eh. Hindi kumapit sa akin ang kuwento at lalo na sa mga tao.

As in walang nanonood ng pelikula. Wala pa kaming tatlumpu, parang indi film lang ang dating na walang tao't nakakatakot ang madilim na sinehan na wala ngang tao.

THEN, lumipat ako sa "10,000 HOURS" ni robin padilla, na nagulat ako, mas konti pa ang tao kesa sa "BOY GOLDEN". inisip ko tuloy, hindi lang nawala na yung magic ni robin, kundi tuluyan na ring namatay ang action films sa bansa.

Maayos at matino naman ang pelikula. deserving naman itong maka-"A" sa cinema evaluation board. puwede namang hindi na sabihing inspired ito ng pagtatago ni ping lacson sa amsterdam dahil malayung-malayo na yung mga nangyari. baka kahit si lacson ay hindi magustuhan yung mga esksaherang sitwasyon at eksenang masyadong dinramatized. as it is, as a fiction, makakatayo ang pelikulang maayos naman ang pagkasulat; effective ang mga suspense at ang bilis ng pacing; okey na okey ang production values; well-acted at matino ang direksiyon. Kung si joyce bernal talaga ang solidong nagdirek nito, ito na ang pinakamatino niyang nagawang pelikula to date. mahusay naman si robin, as ever...pero yun lang yung role. typical pa rin, walang bagong ipinakita. anybody can portray that type of role na takbo lang nang takbo at tagu nang tago, compared to vice ganda sa "GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY" na very complexed yung role na mahirap gawin pero nagawa ng tama at mahusay...kaya between robin & vice for best actor, kay vice gada ako.

POST