<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jan 5, 2014

Ang Mabuting Magulang by Ronald Carballo

By Ronald Carballo

Natuwa ako at napaluha sa pakikipagkuwentuhan sa isang 26 year old man. na kahit lumaki daw silang tatlong magkakapatid na lalaki nang maginhawa't mariwasa sa uri ng pamumuhay na ipinamulat sa kanila ng kanilang mga magulang, taglay rin daw nila ang disiplinang pilit na inilagay ng mga magulang nila sa isip nila habang lumalaki sila: kailangang may takot sa diyos; kailangang laging may puso at respeto sa kapwa; kailangang lahat ng bagay na gustong makamit ay pagsikapan at paghirapan, dahil walang anumang bagay sa mundo na nakukuha ng libre sa isang iglap;

sa bahay raw nila, lumaki silang may panahon at oras lang ang paggamit ng aircon sa tulugan; ganundin ang kotse at mas madalas silang nagji-jeep pag pumapasok sa eskwela; wala silang maid. sila ang naglalaba at namamalantsa ng kani-kanilang damit nung kaya na nila; nagluluto rin daw sila paminsan-minsan at hinuhugasan ang kani-kanyang mga pinagkainan;

mga prinsipyong nagturo sa kanilang magkakapatid para maging-working student, kahit pinaaaral sila sa magandang eskwelahan ng kanilang mga magulang. ibinibigay naman lahat ng kanilang mga pangangailangan, bagama't hindi kaagad-agad. kailangan nilang patunayan talaga kung bakit nila kailangan ang isang bagay, bago nila makamit;

naransan niyang maging tagalinis ng public comfort room sa mga sm branches; maging bodegero; maging dishwasher at maging waiter; hindi raw siya nahiya dahil namulat siyang mararangal na hanapbuhay ito.

ngayon, nasa ikalawang taon na siya sa law school. simisilip-silip lang siya sa law firm ng tatay niya. pero bilang bunso, hindi na niya kailangan at hindi siya obligadong magtrabaho. sinusuportahan na siya ng buo ng mga magulang niya dahil na-proved daw niya ang kanyang worth, lalo na sa tatay niya. maging ang mga kapatid niya'y nagsipagtapos na rin at may mga magaganda ng hanapbuhay. hindi na sila nagji-jeep. may kotse at motorsiklo na silang by sked pa rin at halinhinan nilang nagagamit na magkakapatid.

sana matutunan ng marami ang ganitong uri ng pagpapalaki ng anak, lalo na yung mga bago pa lang magtatatag ng pamilya...

nakakatuwa ang mga magulang na maayos na napapalaki ang kanilang mga anak nang may tamang disiplina, magandang moral values, may paggalang sa kapwa, at may takot sa DIYOS.

kung inaakala ninyong ang pagkakarun ng asawa o kinakasama ay lambutsingan lang araw-gabi ng buhay ninyo, at kapag nagsilang na kayo ng anak ay pababayaan ninyo na at iaasa na sa iba ang pagbuhay at pagpapalaki dito, tigilan ninyo na. wag na kayong mandamay ng mga sanggol na walang muwang kung hindi kayo marunong bumuo ng isang matinong pamilya nang may pagmamahalan. kayong dalawa na lang ang magsalo sa pagiging iresponsable at pagiging walang kuwentang tao, bilang mga pabayang magulang.

hindi rin komo napapakain ninyo araw-araw ang mga anak ninyo, nabibihisan at napag-aaral ay sapat na't puwede mo nang sabihing mabuti kayong magulang. hindi pa rin. ang pagiging magulang ay 24 hours na pagbabantay at pangangalaga sa mga anak lalo sa kanilang formative years; dapat lang na ibigay lahat ng kanilang mga materyal na pangangailangan habang lumalaki, pero mas mahalagang malaman nila ang kahalagahan kung bakit nila ito kailangang paghirapan;

mas mahalaga rin ang buong atensiyon at pagmamahal sa mga anak na nariyan kayo, tuwing kailangan nila ng mga tunay na magulang.

kay dali-daling makita sa araw-araw na buhay sa lipunang ito, kung sino yung mga anak na napalaki nang maayos nang may kumpletong mabuting magulang, kesa sa mga anak na mga burara at pariwara dahil nagkarun ng mga iresponsable at pabayang magulang.

kung lahat ng magulang ay responsable't mapagmahal sa kanilang mga anak, ang ganda sana ng mundo: walang mga bastardo; walang mga pinaampon; walang mga nagrirebelde't lumalaking bastos at haragan; walang mga drug addict; walang mga iba't ibang uri ng kriminal na tunay salot sa lipunan.

ako, sa tutuo lang, pinili ko talagang maging single o mag-isa sa buhay dahil ayokong magkaanak at ayokong maging magulang. sapat na sa akin yung may mga tao akong binuhay at pinaaral. tama na sa akin yung tawagin akong "good provider", pero hindi ko aangkinin ang karangalang, "mabuting magulang"---dahil hindi at ayokong gampanan ang papel na yun. at hindi ako umaasang ibabalik nila sa akin ang magandang ginawa ko sa kanila, dahil in reality, walang nagbabalik. mas marami yung mga walang utang na loob na hindi nakakaalalang magpasalamat man lang sa magandang buhay na ginawa mo para sa kanila kahit sa mga importanteng okasyon man lang.

pero muli, hindi ganun ang tamang pagiging magulang. hindi ka nagsisilang ng anak o naga-ampon para asahang may aakay sa iyong pagtanda. kung ganundin lang, di umupa ka na lang ng caregiver pagtanda mo. hindi obligasyon ng pinalaki mong anak na alagaan ka niya, lalo't may sarili na siyang pamilya. dapat gusto mong magkaanak o gusto mong mag-ampon dahil mabuti ang iyong puso na gusto mong magpalaki ng isang nilalang na nais mong bigyan ng magandang kinabukasan. hindi para akayin ka sa iyong pagtanda. obligasyon ng magulang na buhayin nang maayos ang kanyang anak, pero hindi obligasyon ng anak na buhayin at alagaan ang kanyang magulang. kung gagawin ito ng anak, patunay lang na napalaki mo siyang isang mabuting tao at napakalaking biyaya na ito na dapat ipagpasalamat ng bawat magulang....

POST